Twelve

18.6K 595 15
                                    

Twelve

Rome...

Buong magdamag wala na naman siyang tulog binantayan lang niya ang anak niya, gustuhin man niyang bumalik sa asawa niya hindi niya magawa dahil kailangan niyang ibigay ang hinihingi nitong space. Mag-uusap nalang silang dalawa kung maayos na ang kalagayan nito.

"Rome"humahangos na tawag sa kanya ni Honey.

Napakunot naman ang noo niya ng makita ang itsura ng kaibigan ni Jen na parang pagud na pagud na kakagaling lang sa pagtakbo. Lumabas na siya ng private room kung saan niya inilagak ang anak. Kumuha na din kasi siya ng bukod na kwarto para sa anak niya.

"Honey bakit?"takang tanong niya dito.

"Si Jen nawawala"nag-aalalang sagot nito.

Kinabahan naman siyang bigla sa sinabi nito.

"Bantayan mo ang anak ko"nagmamadaling utos niya dito bago siya nagmamadaling tumakbo papunta sa private room ni Jen.

Pagdating niya doon wala na nga doon ang asawa niya, tanging si Jobie nalang ang nakita niya.

"Jobie asan si Jen?"bungan niya sa dalaga.

"I don't know, may pinabiling gamot ang doctor sakin, iniwanan ko sila ditong dalawa ni Honey, pagbalik ko wala si Honey wala din si Jen. Ang sabi sakin ni Honey may inutos sa kanya si Jen pagbalik niya ako nalang ang dinatnan niya dito"nag-aalala din sagot ni Jobie sa kanya.

Inilabas niya ang cellphone niya at sinubukang tawagan ang numero ng asawa pero laglag ang balikat niya ng marinig nilang nandoon lang ang cellphone nito.

"Fvck!"mariing mura niya.

Anong plano mo Jen?

Nag-aalalang lumabas siya ng kwarto ni Jen at nagtungo sa pamunuan ng ospital para humingi ng tulong. Nagbakasakali siyang hindi pa nakakalayo ang asawa niya, sa estado nito malamang hindi makakalayo ito.

Pero kilala niya si Jen, malakas ang resistensya noon. Hindi malabong mangyari na baka hindi na nito indahin ang bagong opera nito.

Natawag na niya sa lahat ang nangyari, nang hingi na din siya ng tulong sa mga kaibigan niya para hanapin si Jen ngayon. Hindi siya makakampante hangga't hindi niya nakakasama ang asawa niya.

Buong maghapon niyang hinanap si Jen, nakita sa CCTV na sumakay ito ng isang taxi. Sobra ang galit niya sa mga guard ng Hospital kung saan nakaconfine ang mag ina niya sa kapabayaan ng mga ito.

Pero wala na silang magagawa ngayon kundi ang hanapin nalang kung nasaan ang asawa niya. naitawag na din niya sa bahay nila kung nandoon ang asawa niya pero hindi daw ito napunta doon.

"Any idea kung saan pwedeng magsuot ang asawa mo?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Diwata.

Nanghihina namang napaupo siya sa silya malapit sa incubator ng anak niya. tinitigan niya ang anak niya, hindi na niya alam kung anong gagawin niya ngayon. Natatakot siya sa pwedeng mangyari kay Jen, dahil isa lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon kung bakit nawawala ang asawa niya.

"She blinded in her revenge Diwata"halos pabulong na niyang sagot sa kaibigan ng asawa niya.

"Magsalita ka nga ng maayos diyan Dela Merced!"singhal naman sa kanya ni Diwata.

Nang lingunin niya ito nakita niyang pinapakalma na ito ng asawa nitong si Lance na kaibigan naman niya.

"I'm sorry, hindi ko alam kung nasaan ang asawa ko. Honestly I don't have any idea where she is right now"pag-iiba niya sa unang niyang sinabi.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon