Thirteen

19.1K 558 11
                                    

Thirteen

Jen...

Its been years simula ng huli siyang nakatuntong sa lupang sinilangan niya. hindi niya akalain na tatagal ng isang taon ang plano niya na hindi pa din niya nakukuha ang gusto niyang mangyari. Nagtitiis nalang siya sa piling ni Drew kahit ang totoo niya gusto na niyang bumalik sa mag-ama niya.

Though sa tingin niya hindi na siya tatanggapin ni Rome dahil sa ginawa niya.

"Hey Darling your spacing out again"tawag sa kanya ni Drew.

Mapang-akit naman na nginitian niya ang lalaki, inaral niyang mabuti kung paano ang tamang pang-aakit dito sa loob ng ilang buwan simula ng makilala niya ito.

Hindi naman niya agad nakuha sa unang beses ang pang-uuto sa lalaki madaming beses din siyang nabigo bago niya narating ang lugar kung saan siya ngayon.

"Sorry, darling I'm just wondering kung anong gagawin ko sayo mamayang gabi"mapang-akit na sagot niya dito.

Pero ang totoo iniisip na niya kung paano niya ito papatayin, humahanap lang siya ng tiyempo dahil ito ang susi para makilala niya ang totoong Mr. X.

"Oh! I loved that, but not tonight my love. May pupuntahan tayong party"nakangising sagot nito.

Hinapit pa siya nito palapit dito at sinibasib ng halik ang kanyang mga labi. Gusto niyang mandiri sa paraan ng paghalik nito sa kanya. hindi tulad ni Rome na puno ng pagmamahal kung siya ay halikan itong si Drew puno ng pagnanasa ang halik nito sa kanya.

"Naughty!"she fake her giggle ng maramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang pang-upo.

"I've been dying to have you...just save it may pagkakalagyan ka din"nakangising turan nito bago siya iniwanan.

Nanatiling nakangiti siya ng sobrang tamis kahit na wala na ang binata sa tabi niya. madami pa din kasi siyang kasamang tauhan nito sa loob ng bahay nito. hindi naman niya akalain na isang Mafia boss pala ang binata. Pero kahit magkaganon hindi siya natatakot sa mga binabalak niya.

Ang tagal niyang pinaghirapan ang lahat ng ito, ang laki ng isinakripisyo niya matapos lang niya ang lahat ng plano niya.

She continue to act like what she was acting awhile ago.

"I'm sleepy, if ever na hanapin ako ng baby Drew ko just told him I don't want to be disturbed and I'm on my deep beauty sleep okay"maarte niyang utos sa mga tauhan ni Drew na nakabantay sa kanya.

Nais niyang masuka sa paraan ng pananalita niya, pero kinaya naman niya. nang wala ng taong nakatingin sa kanya agad niyang isinarado ang pintuan ng kwarto niya.

Nagpalipas lang siya ng ilang minuto agad siyang nakabihis at tumakas. Alam na niya ang pasikot sikot ng bahay na ito kahit pa nga dalawang araw palang siya sa bahay na iyon. sa ibang bansa kasi sila naglagi ni Drew ng nagdaang mga buwan.

Wala man lang nakapansin sa kanyang pag-alis, kahit na mga mafia member ang mga nagbabantay sa kanya wala pa ding binatbat sa kanya ang mga ito. kaya pa din niyang makalusot sa mga ito ng walang nakapansin sa kanya.

Nakalabas na siya agad sa bakuran nito ng walang kahirap hirap. Tiningnan niya ang orasan niya, she set time para hindi siya mahuli. She only two hours in this mission of her, kailangan magawa na niya ang lakad na ito bago pa makabalik si Drew sa bahay nito at ayain na siya para sa party na sinasabi nito.

Mabilis ang bawat kilos na tinungo niya ang pakay niyang lugar.

Malalim na napabuntong hininga siya ng makarating na siya sa pakay niyang lugar. Mula sa malayo pumuwesto siya sa isang taong parte para magmatiyag sa bahay.

GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHENWhere stories live. Discover now