Chapter 12

7.4K 180 3
                                    

Protector

Sinundan ko ang bakas ng lalaking nakita ko paglabas ko ng cr. Lumiko ako sa corridor papuntang student council office. Ikinalat ko ang aking paningin pero walang tao. Tanging ilaw mula sa harap ng office ang nagbibigay buhay doon.

Muling namatay ang ilaw kaya dali-dali na akong umalis at nagtungo sa harap ng school. Hanggang ngayon ay sobrang lakas parin ng ulan, tumataas na rin ang tubig baha sa ilang parte ng harap ng unibersidad.

Luminga ako sa paligid hanggang makita ko ang bukas na ilaw sa may guard house. Lakad takbo akong nagpunta roon.

"Aray!" Napubulalas ako sa sakit ng bigla akong madapa. Pilit akong tumayo kahit na ramdam ko ang hapdi mula sa tuhod at siko ko.

Sumilip ako sa loob ng guard house pero wala naman palang tao.

Sumilong na lamang ako habang naghihintay ng kung sino mang pwedeng tumulong sa akin. Nababasa na ako ng ulan dito pero wala na akong ibang choice, kahit kasi saan ako magpunta ay mababasa talaga ako.

Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa masilaw ako sa ilaw ng isang paparating na sasakyan. Huminto iyon sa harap ko.

"Get in." Gulat akong napatingin kay Paris na siya palang nagmamaneho ng sasakyan. "Are you crazy? Nauulanan ka na dyan. Pumasok ka na." Ulit nito nang hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Habang nasa byahe ay walang umiimik sa amin. Giniginaw na rin ako dahil medyo basa na rin ang uniform ko. Biglang ipinarada ni Paris ang sasakyan niya sa isang tabi, gumalaw siya at may pilit na inaabot mula sa likod ng sasakyan.

"Isuot mo 'to." Ani Paris at ibinigay sa akin ang isang gray na jacket.

Nabawasan naman ng kaunti ang lamig na nararamdaman ko ng isuot ko ang jacket na ipinahiram niya.

"Dumudugo ang tuhod mo." Muling pagsasalita niya ng mapadako ang tingin sa gasgas kong tuhod. Kinuha ko ang panyo ko at tinakpan iyon para mapigilan ang mas madami pang paglabas ng dugo.

"Okay lang ako." Walang tingin kong sagot sa kanya. Huminga siya ng malalim bago tuluyang pinaandar uli ang sasakyan.

"San kita ihahatid?" Tanong niya uli ng medyo nakakalayo na kami. Itinuro ko ang direksyon ng bahay namin.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami. Bumaba ako ng sasakyan ng walang sinasabi, hanggang ngayon kasi ay naguguluhan parin ako sa mga nangyayari. Pagbaba ko sa sasakyan ay umalis na rin ang sasakyan niya sa harap ng bahay.

"God gracious Reyna." Salubong sa akin ni Lola Maura pagpasok ko. Nasa sala siya kasama sina Tita Olivia at Levi. "Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita inaantay." Pagpapatuloy nito.

"Sa school po." Simple kong sagot.

"Hindi ba hanggang alas singko lang ang klase mo? Mag aalas otso na ngayon." Nag-aalala ang boses ni lola pero ramdam ko ang kaunting galit sa tono nito.

"May hinintay lang po akong professor la, kaya inabot na ako ng gabi." Paliwanag ko. Hindi ko na ikwinento pa ang pagka-locked ako sa cr, ayoko nang mag-alala pa ng todo si lola.

"Eh di sana ay tumawag ka. Sobra ang pag-aalala ng lola mo sayo." Ngayon ay si Tita Olivia naman ang nagsalita.

"Na low-bat po ang cellphone ko." Sagot ko.

"Na low-bat ba talaga o nagpapalusot ka lang? Baka nga kasi gumala ka eh." Kontra ni Levi sa akin. Kinalma ko ang aking sarili at hinayaan na lamang siyang dumada. Walang akong pakialam kung maniwala man siya o hindi.

"Mabuti ay may nasakyan ka pang pauwi. Wala ng masyadong sasakyan kapag gantong gabi na at malakas pa ang ulan." Sermon na naman sa akin ni Tita Olivia.

The Parisian Queen (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant