Chapter 34

6.2K 118 2
                                    

Tinamaan

"Ok! Please proceed to your respective bus seats now."

Agad kaming nagsigalaw nang marinig ang hudyat ng school coordinator namin. Medyo marami kaming graduating students kaya medyo nakakagulo ng utak.

This is for students daw kaya school staffs ang nag asikaso. Hindi daw muna ininvolve ang student council para mag enjoy din daw sila, kaya ang magaling na Paris, relax na relax.

"Anong bus ka baby?" Tanong niya sa akin.

Ay waw. Tiningnan ko ang watch ko. "7 AM palang Paris pero ang landi mo na."

"Anong malandi? Sus, ngayon na nga lang kita matatawag na baby e." Aniya.

Tumaas ang labi ko at hinanap ang bus na sasakyan ko? Namin? I don't know. Hindi ko kasi alam kung magkakasama ba kami.

"Akin na nga yang luggage mo." Hindi pa ako sumagot ay hinablot na niya ang isang maliit na pulang maleta na hila-hila ko.

Tiningnan ko siya ng matalim at napansin kong isang itim na traveling bag lang ang dala niya. "Bakit yan lang ang dala mo?" Tanong ko.

"Ito lang kailangan ko." Maiksi nitong sagot sa akin. Sinuri ko pa iyon. Medyo malaki naman kaya siguro nagkasya na. "Isa pa, wala naman akong ibang kaartehan." Dugtong niya.

Nagpintig ang tenga ko. "So anong gusto mong sabihin ha? Na marami akong kaartehang dala? Eh sa kailangan ko sila e? Palibhasa hindi mo alam ang pinagdadaanan naming mga babae!"

Nakita kong nahulog ang panga niya bago nagpakawala ng isang buntong hininga. "Tara nalang hanapin ang bus mo baby." Hindi na ako nakapagsalita pa. Hinablot na naman niya ang hawak kong papel. Nandoon ang bus at seat number ko.

"Bus 9. Seat 24." Basa nito sa papel.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nahanap na rin namin iyon. Pumasok ako at hindi na ako nagtaka pa kung high-class ang bus na gagamitin namin. The university really knows who their students are.

"Yah." Ibinagsak na lamang ni Paris ang sarili niya sa katabing upuan ko.

"Hoy! Wala kang balak umalis?" Pagtaboy ko. Gusto ko mang katabi ang hunghong, baka sa ibang bus siya napunta. Baka mamaya ay hinahanap na siya roon.

"Wala namang uupo dito." Sagot niya sa akin.

"Pano mo nasabi? Malay mo, nahuli lang." Sagot ko.

Itinaas niya ang isang papel at iniharap iyon sa akin. Bus 9, seat 25.

"Ang daya naman!" Reklamo ko.

"Aray naman Reyna. Ayaw mo ba akong katabi?" Reklamo niya pabalik.

Binatukan ko na. "Malamang gusto." Sagot ko. "Pero bakit ikaw dyan sa tabi ng bintana. Gusto ko dyan!" Himutok ko uli.

"No exchange of seats." Pang-aasar pa nito sa akin.

"Are there still vacant seats?" Biglang nagtanong ang isang school faculty sa harapan, siguro ay siya ang naka assign sa bus namin.

Nang walang sumagot ay siya na mismo ang nag check. Pagkatapos masigurong kumpleto na kami ay bumalik din agad siya sa upuan niya.

Ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang pagtakbo ng sinasakyan namin.

"Hi Reyna!"

"AY UNGGOY!" Bigla kong naibulalas ng may sumulpot sa upuan na nasa harapan namin. "Nandito ka rin?" Gulat kong tanong kay Loel.

The Parisian Queen (Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ