Chapter 18

7.4K 172 5
                                    

Fashion Show

"Guys, patapos na yung team 1 sa show nila." Sigaw ng isa naming team mate dito sa back stage na naging hudyat para maghanda na ang team namin.

"Ok. Mag line na. Huwag ng aalis kapag lumabas na yung unang maglalakad para hindi tayo magkaproblema sa orders ng entrance." Ako na rin ang naging floor director. I need to do this. Ako ang mas nakakaalam pagdating sa ganto.

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng stadium at nag-iba na rin ang music, senyales na kami na nga ang magpeperform.

"Ok. Guys, just walk there with confidence and everything will follow." Panghuli kong sinabi bago ipinakilala ang team namin.

I don't like your little games, don't ... like your tilted stage, the ... role you made me play...

Plinay na ang background music namin kaya lumabas na ang unang maglalakad sa runway. I chose 'Look What You Made Me Do' by Taylor Swift to accompany us during the fashion show.

"Sunod na." Utos ko nang narating na ng unang model ang dulo ng runway. Lumabas naman na agad iyong lalaking susunod.

Ginawa kong alternate girl-boy ang pagkakasunod sunod namin para magkaroon ng variations ang fashion show. We all prepared for this, kailangan naming husayan ang isang to.

Natapos na isa-isa ang mga team mates ko. Kaming dalawa na lamang ni Paris ang natitira dahil nga kaming dalawa ang finale.

Pinanood ko mula sa backstage iyong susundan ko. Hinanda ko na ang sarili ko. Nang marating niya ang dulo ng runway ay itinapak ko na ang aking mga paa sa stage. Narinig ko ang ingay ng mga tao dito sa loob ng stadium ... hiyawan ... palakpakan ... pero nanatili ang mga tingin ko sa harap.

But I got smarter, I got harder in the nick of time ... Honey I rose up from the dead, I do it all the time ...

I waited for the chorus and then started to walk. I see people looking at me, intently, following my steps from the back, up until I reached the front-end of the runway. I made a fierce pose which made the crowd loud again.

I smirked. I still have my charm.

Tumalikod na ako para bumalik sa back stage. As expected, nakasalubong ko si Paris sa gitna ng runway dahil siya na ang susunod. Nang makarating ako sa likod ay pinanood ko siya, mas malakas na ang hiyawan ng mga tao ngayong siya na ang nasa stage. Hindi ko sila masisisi dahil ako man, gusto ko ring tumili mula sa kinaroroonan namin.

"Gosh... ang hot niya." Narinig ko pang sabi ng mga team mate kong babae.

See? Pati sila ay hindi mapigilang mabighani kay Paris. Kung yung sa akin ay charm, ang sa kanya ay magic. Legendary Magic. Iba ang epekto niya sa tao. Malala!

Nang makabalik ang lahat sa likod ay ginawa na namin ang second part. Sunod-sunod kaming lalabas at mag i-stay doon sa gitna para makita kami ng crowd na magkakasama.

Gorgeous... You should take it as a complement that I got drunk and made fun of the way you talk ...

Plinay na rin ang second background song namin, 'Gorgeous' by Taylor Swift.

Nasa stage na ang lahat sa team mates namin at dahil kaming dalawa ni Paris ang huling magkasunod na lalabas ay kami na naman ang tanging natitira dito back stage.

Ngumiti ako sa kanya. Paakyat na ako ng stage ng biglang madulas ang sapatos ko. Masama ang naging bagsak ng paa ko kaya ramdam ko agad ang sakit.

"What the fck." Narinig kong mura ni Paris mula sa aking likod. Agad kong naramdaman ang mga kamay niyang umalalay sa akin. "Are you crazy Reyna? Anong ginagawa mo? Dapat ay nag-iingat ka." Natataranta niyang tanong habang dahan-dahan akong inaalalayang makatayo.

The Parisian Queen (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora