Chapter 20

7.5K 177 14
                                    

Mahal

"Sexy ..."

"Ganda ..."

Hindi ako tumingin sa likod at pinagpatuloy ang pakikinig sa dini-discuss ng prof namin.

"Baby ..."

"Love!" Kumunot ang noo ko dahil parang ang lapit na sa akin nung bwiset na istorbo.

Lumingon ako sa likod at nakita kong nakapatong na nga doon sa sandalan ng upuan ko ang kamay niya, habang ang mukha niya ay nakadikit sa tenga ko.

"Tumigil ka nga Paris! Nakikinig ako!" Gigil kong bulong sa ungas. Baka mamaya ay mapagalitan pa kami dito.

"Eto naman, may sasabihin lang naman ako eh." Halos maamoy ko na ang mabangong hininga niya dahil sa lapit ng mukha naming dalawa.

"Arevalo and Montellor? What's the matter?" Tawag nung prof sa atensyon namin. See?

Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan. "May tinatanong lang po si Paris, Ma'am. May hindi daw siya maintindihan."

Mabuti na lamang at nakaisip ako ng palusot! Sasakalin ko talaga yang Paris na yan mamaya.

"Ok, next time Paris, if you have queries, ask your teacher, not your classmates. Ano ba yung hindi mo maintindihan?" Tanong ni prof.

"Wala ma'am. Naintindihan ko na. Salamat kay Reyna." Sumandal ang loko bago tumingin at kumindat sa akin. Landi.

Hindi na muling nagtanong pa yung teacher at ipinagpatuloy na ang tinuturo.

Tumingin uli ako sa likod. "Tusukin ko yang mata mo!" Dinuro-duro ko si Paris ng ballpen pero tinawanan lang ako ng pangahas.

"Its about time, just make some pre-reading on the next topic. Goodbye class."

"Bye Prof!"

"Reyna. Sabay nalang kayo uli mag lunch sa amin." Ani Paris paglabas namin ng classroom.

"Ayoko!"

Kumunot ang noo niya.

Lumapit ako at binatukan ko siya sa ulo.

"Kung ayaw mong mag-aral, pwes, pag-aralin mo ako! Hindi yung lagi mo akong pinagtritripan! May pa sexy ganda ka pa kanina! Bwisit ka!" Bulyaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kung pagtawanan siya nung tatlo.

Hindi naman sumagot ang ungas. Ngumuso siya at parang asong nagpacute sa harapan ko.

"Hoy! Di mo ko madadaan sa style mo! Ang laki-laki ng katawan mo tapos magpapa-cute ka dyan. Bahala ka!" Hinila ko na si Kate at nagtungo na sa direksyon ng cafeteria.

"Reyna!" Tawag uli ni Paris pero di ko pinansin.

Ang pagbagsak ni Superman. Narinig ko pang biro sa kanya ng mga kasama niya.

"Kunwari galit pero ngingiti-ngiti naman dyan." Biglang nagsalita si Kate. Halos makalimutan kong kasama ko pala siya.

"Ngumingiti ba ako. Hindi ah." Syempre ide-deny ko yon. Duh!

"Sus. Sama ka na kasi sa Superman mong manliligaw. Para libre na naman pagkain."

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ng mga yon? Ilang linggo na rin natin silang laging kasabay mag lunch." Ani ko. Simula kasi nung nagsimulang manligaw sa akin si Paris ay sila na lang ang kasama ko.

Alam ni Kate na nanliligaw si Paris sa akin, ganon din sina Loel, Adam at Klein. May iba na ring nakakapansin mula sa mga blockmates namin pero wala silang nakukuhang kumpirma mula sa aming dalawa.

The Parisian Queen (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang