Epilogue 2

11.9K 179 14
                                    

Paris Trevor Montellor

Kinuha ko ang isang bote ng alak sa harap ko at tuloy-tuloy iyon na ininom hanggang sa maubos lahat ng laman. Padarag kong ibinagsak iyon sa mesa. Umiikot na ang paningin ko pero hindi nun maalis ang kirot ng puso ko.

"Pre. Pang-ilan mo ng bote yan. Ubos na yung stock namin dito sa bahay." Biro ni Klein pero hindi ko siya pinansin. Nandito kami ngayon sa rooftop ng bahay nila. Wala ang parents niya kaya pwede kaming mag-inuman dito ngayon.

It's been a week since our graduation. Nabalitaan kong bumalik na rin si Reyna sa Manila. But this fucking heart of mine still hurts and it frustrates me that I can't even control it.

Dapat ay masaya ako dahil nakaganti na ako sa ginawa niya sa akin, pero hindi eh, ang hapdi ng puso ko dahil nasaktan ko ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng sobra.

"Bro, tara na! It's already midnight and your mom is already calling us. Hindi ka na makakapagmaneho kaya sumabay ka na sa amin ni Loel." Tinabig ko ang kamay ni Adam nang hilain niya ang braso ko.

"Stop acting like my mom. Hindi pa ako lasing. Kaya ko ang sarili ko." I shouted. I was about to get another bottle when Klein grab it away from me.

"Bro tara na. Walang maitutulong yang alak." Tinapik ni Loel ang balikat ko. Kumunot ang noo ko. Ano bang problema ng tatlong to ngayon? Dati sila ang nagyaya sa akin, pero ngayong nandito na ako at nakikitagal ng inuman sa kanila, saka naman sila umaayaw.

"Consider this as a celebration for our graduation." Lumingon ako sa kanilang tatlo pero nakatitig lang sila sa akin. Umiling ako at kukunin uli iyong bote ng alak pero inagaw iyon ni Adam at ibinagsak sa lamesa.

Masama ang naging dating sa akin ng ginawa niya. I immediately stood up and grabbed his collar.

"Paris." Pigil sa akin nila Loel at Klein pero hindi ko sila pinansin. Mas lalong humigpit ang hawak ko kay Adam nang makipagtalasan siya ng titig sa akin.

Sinuntok ko siya dahil hindi na ako nakapagtimpi ng inis ko. Napaatras siya pero nakangising lumingon sa akin.

Sunod ko na lamang naramdaman ang ginawa nitong malakas na suntok sa mukha ko. Napaupo ako sa semento dahil nagsama na ang tama ng suntok niya at ang tama ng alak sa katawan ko. Samahan pa ng tama sa puso ko ngayon.

"Kung hindi ka namin kaibigan, we just let you get drunk all night and make yourself a mess. Pero malaki ang pinagsamahan natin bro. Hindi kami makakapayag na gawin mo yan sa sarili mo." Sabi ni Adam.

Hanggang ngayon ay nakaupo parin ako sa semento habang iniinda ang pasa sa gilid ng bibig ko.

"If this is about forgetting the pain, it's not even helping bro. Hindi namin alam ang buong pangyayari, pero base sa ipinapakita mo ngayon, sigurado kaming hindi ka masaya sa naging desisyon mo."

Then their words stricken me. Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa tuhod ko. Isinubsob ko ang mukha ko roon at tahimik na umiyak. Hindi ko namalayan na sinisira na ng katarantaduhan ko ang pagkakaibigan namin, and I am even destroying myself.

"If you're not happy with your decision, you can make it right bro. Alam kong kaya mong gawin iyon kung gugustuhin mo."

Umangat ang mukha ko at tiningnan sila. I look vulnerable but they were my friends. Na-realize kong nandyan sila para makinig sa akin.

"It was not like before pare. It is Reyna who are we talking about. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganto, that I can even get drunk and destroy myself. I feel so helpless. Hindi ko magamit ang pagiging Montellor ko sa kanya. She's really my weakness, I'm so damn weak when it comes to her."

The Parisian Queen (Complete)Where stories live. Discover now