Chapter 26

6.6K 148 5
                                    

Ang Mangga

"Kuya. Hatid mo nga ako sa UDI." Pautos kong turan nang maabutan ko si Kuya na kumakain sa kitchen.

Lumingon siya habang nakataas ang isang kilay. "Bakit di ka pasundo kay ... kay ... ano." Sabay balik ng tingin sa kinakain niya.

Lumapit ako sa fridge at kumaha ng tubig. "Ayoko."

"LQ?" Ngumisi siya habang may nginunguyang pagkain sa bibig.

As if naman papayagan ko siyang sunduin ako dito. Sagot ko sana pero di ko na sinabi. "Hintayin kita sa sala kuya." Kumindat ako at naglakad na paalis sa harapan niya.

Kakaupo ko palang sa sofa ay nakita kong umakyat si kuya sa hagdan.

Ngumisi ako. Hindi ako matitiis niyan.

Ilang minuto lang akong naghintay at nahagip na ng paningin ko si kuya Clode. See? Nakapalit na siya. Paniguradong naligo yan kanina kaya umakyat sa kwarto niya.

"Thanks kya." Biro ko.

"Anong kya kya ka dyan? Jejemon." Aniya bago ako nilampasan.

Inikot ko ang mata ko nang nakatalikod na siya. Tawagin ba naman akong jeje.

"Bat ka pa nagbihis? Ihahatid mo  lang naman ako." Tanong ko habang nasa daan kami.

Ngumisi siya. "Wala naman akong gagawin sa bahay. Tambay muna ako sa Unibersidad." Aniya na kala mo ay pamilyar siya sa lugar. Duh.

"Hoy kuya! Di pwede ang pet don."

"Oh bat napasok ka?" Tumalim ang titig ko. "Sabi naman kasi sayo, wag mo akong umpisahan." Turan niya at lalong lumaki ang ngisi.

"Ok fine. Wag mo akong kausapin."

"Oh di wag. Si Paris nalang ang kakausapin ko. Paniguradong papansinin ako non. Nagpapalakas sa pamilya natin eh." Isinandya niya yatang tumawa para asarin pa ako lalo.

May kasalanan pa sakin ang lalaking yon.

"Magsama kayo." Panghuli kong nasabi bago niya inihinto ang sasakyan sa parking lot ng Unibersidad De Isabela.

Hindi ako kumportable habang naglalakad ako sa pathways kasama si kuya na bumubuntot sa akin. Panay kasi ang tingin ng mga babae sa amin, specifically, sa kuya kong abot naman sa tenga ang ngiti.

Mali nga talagang nagpahatid ako sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na tatambay yan dito.

Hindi ko pa naililigaw si Kuya Clode para tantanan na ako, nang biglang sumulpot pa yung isang ungas.

"Kuya Clode." Narinig kong tawag niya sa likod namin.

"Paris." Nilakasan ni Kuya ang boses niya na paniguradong isinadya nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Ani Paris. Akala mo kung sinong mabait.

Narinig kong may pumito. "Hahanap ng chix." Sagot ni kuya.

"Kindat ka lang. Madami dyan." Sagot naman ni Paris.

Lumingon ako sa kanila kaya nahagip ng paningin ko ang pagkindat ni Kuya sa isang babae. Sabay silang tumawa nang kinilig naman yung kinindatan niya.

Kumunot ang noo ko. Paki explain nga? Ganyang ba talaga mag-usap ang mga lalaki? Wala na bang may mas se-sense pa sa usapan nila? Tapos wala ba silang alam kung hindi ang magpaikot ng babae? Tsss. Kawawa naman kami.

Lumingon ako sa gilid ng dinaraanan namin. Kita ko ang mga babaeng akala mo ay nag huhugis puso ang mga mata sa tanawing nakikita sa likod ko. Kita mo kung paano pagpantsayahan ang mga lalaking nakabuntot sa akin. Panay naman kasi ang tawa nitong dalawa. Mga papansin din naman kasi.

The Parisian Queen (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon