Chapter 53

7.4K 142 4
                                    

I Never Stop Loving Her

Third Person's POV
(Two weeks later)

"Mom. Is dad coming? Busy ba siya sa company?" Tanong ni Clode habang nagmamaneho ng sasakyan, nasa tabi niya ang mommy niya. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas. Ok na ang daddy niya at bumalik na rin ito sa trabaho.

"Yes. Actually, nandoon na siya." Sagot nito.

Tumango si Clode at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Ah, Clode." Tawag ng mommy nito. "Pwedeng dumaan muna tayo sa isang flower shop. I want to buy flowers for Reyna."

Ngumiti ng malungkot si Clode. Tumango siya at iniliko ang sasakyan papunta sa isang kalye na puno ng tindahan ng mga bulaklak.

Napangiti ang mommy niya ng makita ang mga bulaklak sa nakahilerang mga tindahan. Magaganda at makukulay. Katulad ni Reyna. Ang anak niya.

"They reminds me of Reyna." Aniya.

Tumango si Clode at binuksan ang pintuan ng kotse para sa mommy niya.

"Good morning po." Bati sa kanila ng nagtitinda sa oras na makita sila nito.

"San dito ang kukunin natin mom?" Nagtanong si Clode dahil pansin niyang natutulala ang mommy niya. Hindi naging maganda ang epekto ng nangyari kay Reyna sa mommy nito.

Nabaling ang atensyon nito kay Clode. "A-ah. This one. Reyna always wanted to pick pink roses." Iyon ang paborito ni Reyna. Iyon ang nasa isip ni Lorna.

"Maganda ho iyan maam." Ayuda naman ng nagtitinda.

"We'll get an arrangement of this. Pwede ba kung hindi mo na lagyan ng other flowers. Tsaka yung konti lang sana iyong dahon."

"Pwede ho maam." Tumango naman yung nagtitinda sa request niya. Agad na rin naman iyong na arrange kaya nakaalis din sina Clode at ang mommy nito.

Habang nasa daan ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa sa utak ni Clode at ng mommy Lorna nito ang nangyari kay Reyna. At habang tumatagal ay mas lalo lamang nila na mimiss ito.

"Sigurado akong matutuwa si Reyna kapag nakita niya ang mga bulaklak na binili mo para sa kanya mom." Ani Clode.

Hindi naman makasagot ang mommy nito. Ngumiti siya ng malamlam. Hindi niya alam kung makikita pa ba ni Reyna ang mga iyon. Pinagsisisihan niyang hindi niya nasuportahan at naipakita ang pagmamahal niya sa anak noong mga panahong kinakailangan nito ang kalinga niya.

Ngayon ay hindi niya sigurado kung maipaparamdam pa ba niya ito.

Hindi nagtagal ay nakarating na si Clode at ang mommy Lorna nito. Agad silang naglakad papunta sa kwarto ni Reyna. Sa loob ng dalawang linggo ay nanatiling unconscious ang dalaga na siyang pinapangambahan ng pamilya.

"Daddy." Turan ni Clode pagkakita niya sa daddy Armando niya na naka upo sa tabi ng nakahigang kapatid.

May oxygen mask ang bibig nito at dextrose hose sa kamay. Sa tabi nito ay mga makina na umaalalay sa kanyang buhay.

"Clode. Lorna." Tumayo naman ang daddy Armando niya at humalik sa mommy nito.

"Kamusta dito dad?" Tanong ni Clode.

Umiling ang daddy niya senyales na hanggang sa mga oras na ito ay hindi parin nagigising si Reyna. Two weeks are too long for them to wait for Reyna to wake.

The Parisian Queen (Complete)Where stories live. Discover now