Writing Tips and Advices by Whamba

52.5K 1.5K 660
                                    

Story Writing Tips and Advices


Kamusta, ako si direk_whamba. Isang author-wannabe. Magseshare lang ako ng kaunting kaalaman para sa mga baguhan dito sa wattpad.

NOTE: Hindi po ito tips KUNG PAANO SISIKAT SA WATTPAD. Pwede mo kasing sabihin na tumama ka sa lotto kung naging sikat ka overnight sa wattpad ^_^

Dapat irealize mo rin kung ano nga ba ang goal mo sa pagsusulat sa wattpad.. Kung ako sa’yo, alisin mo yun sa mga goals mo dahil pupusta ako na marami ka lang mararamdamang frustrations. Dadami lang ang wrinkles mo teh/kuya!

At hindi rin ako sikat. :) kaya sana po ay wag niyo akong taasan ng kilay kung malakas ang apog kong magbigay ng tips.

Another thing, kung may mga co-authors man akong matatamaan o masasaktan, PLEASE LANG, hindi po sadya yun at opinyon ko lang ang mga ito. Kung may violent reactions kayo, PM o meet me in person at magsapakan tayo. Wattpad IS NOT A PLACE TO FIGHT, THIS IS A PLACE TO SHARE, K?

Bweno.. Simulan na po natin! :D

I. THEME/ GENRE

Dito mo ieestablish ang sarili mo kung ano ang GENRE mo bilang writer. I'M SURE, ROMANCE WRITER KA DONG/DAY!

Ako, personally, I hate Romance. Pero dahil TAO tayo, at TAO ang gusto mong bumasa ng story mo, mas maganda kung magsimula ka muna sa romance. FEELINGS ang una mong susungkitin sa readers eh. Well, hindi naman nalilimitahan sa isang genre ang isang kwento. Pwedeng romance and action o mas complex pa. You can be creative at this early point.

ROMANCE nga ang kumbaga 'popular' genre. Pero mas maganda kung it will be a combination of a popular and not-so-popular genre. E.g: Romance, Sci-Fi. Romance, Historical.

Ang isang NO-NO for me ay yung mga authors na NALILIGAW NG GENRE.

Alam nyo yun? 60pages 20parts..MAY MGA CHAPTERS tas nakalagay under SHORT STORY?!.. Seryoso.. LASING BA KAYO?

Ang CHAPTER po ay GINAWA PARA SA NOVEL.. Wag po kayong pauso.

Ang alam ko, MALAYA ang mga authors na gumawa ng storya, pero wag naman pong SOBRANG LAYA na pati yung BASICS at STANDARDS ng writing ay kinukulam niyo na. Kinakabog niyo pati yung mga pumanaw nang mga tanyag na authors.

II. PLOT

Ang PLOT po ng storya ang pinaka-framework o balangkas ng buong storya mo. Kumbaga dito pa lang, dapat plantsado na po.

Para itong magiging MAPA mo habang tumatakbo ang story. Kapag WALA ang mapa, hala ka.. Magkakandaligaw ligaw ka.

Maraming writers ang hindi makamove-on sa storya kasi idinadahilan nilang 'the story just pop out of my mind'

Kung alam mong may naisip ka ngang story, bakit BIGLANG SULAT KA KAGAD?

May isang author na nagsabing ang pagsusulat ay parang pagdadalantao.

So kung biglang sulat ka kagad, wala iyong pinagkaiba sa unplanned pregnancy.

AT lahat ng gagawin ng ina ay may epekto sa fetus. TAMA?

Kaya kapag hindi mo tinapos ang kwento, para ka na rin daw nagpa-abort ng sanggol.

So! Kung may naisip ka ngang story, PAGPLANUHAN MO MUNA.

Gumawa ka ng maikling summary. Kung may simula, dapat may wakas.

Hindi ako naniniwalang mahirap gumawa ng ending. Ang mahirap ay yung mga events na papuntang ending.

Pero tatandaan mo, IKAW ANG AUTHOR. Kontrolin mo ang storya mo, at hindi ang storya mo ang kokontrol sayo.

Kaya mong iliko, ibaliko ang lahat para makarating ka sa gusto mong ending.

KAYA.. Kapag may nasimulan kang storya, dapat alam mo na kung ano ang katapusan.

Habang nagsusulat ka, posible ding mabago ang 'MOCK ENDING' na yun. PERO DI BA, ANG IMPORTANTE, MAY DIREKSYON KANG PUPUNTAHAN. Kahit maiba ang destination, basta alam mo at alam ng readers mo na you're moving.

III. SETTING

TIME and PLACE.. Pansin ko lang, diyan lagi kinakapos ang maraming tagalog stories na nababasa ko.

Puro DIALOGUES ang laging bumubulaga sakin..

Me, bilang reader, na o-OP talaga ako, pramis.. Napapaganto ako oh--> "Ah okay, magchikahan lang kayo.. Kunwari wala ako dito."

Hindi ba MAS maganda kung ang napifeel mo ay parang ikaw ang character na nagpPOV?

Yun bang, NAIIMAGINE MO KUNG ANUNG ORAS NA, NASAAN KA BA, MAY TINUTUNTUNGAN KA BANG LUPA o nakalutang lang?

Guys, wag po nating iisang tabi ang setting ng storya. USO PO TALAGA ANG ADJECTIVES.

Kadalasan, ang setting din ang magdadala sa story eh, lalo na kapag ang genre mo ay mga tipong horror, suspense.

HINDI PO SIMPLE ang paglalagay ng TIME sa storya. Dapat isipin mo rin kung ilang araw/week/taon ang lilipas bago ang next chapter. Kung may mga bdays ng char, imention o icelebrate. Kung may monthsary, pagplanuhan in advance.

Kumbaga hindi ka lang writer. INSTANT EVENTS ORGANIZER KA pa.

Mag-ingat ingat din po sa mga time lapses. Nagkamali na rin ako dati. Sinabi ng char ko na "November na!" eh KAKATAPOS LANG NG JS PROM NILA NUNG ISANG ARAW. Ang JS PROM ay laging FEBRUARY tama po ba?

Yung mga ganyan. :)

Sa lugar, hindi naman need yung TODO sa description. Basta CREDIBLE na nandun talaga ang chars mo.

E.g: Nasa airport ako at kasama ko si besy Jane. We said our goodbyes at diretso nako sa check in.

Nasa AIRPORT nga siya pero BAKIT SO ALONE?

Jusko, MAGLAGAY KA NAMAN NG MGA TAO SA AIRPORT DI BA?

E.g: Ang daming tao dito sa airport, kaasar! Di kami makapag-gudbye ng maayos ni Besy Jane ko dahil madaming bumabangga sakin!

Tips: you can be creative din sa setting. PERO.. WAG KANG IMBENTO unless FANTASY O SCIFI ang genre mo.

Kung hindi mo pa napupuntahan ang isang lugar pero gusto mong ifeature sa story mo:

E.g: Boracay/Sikat na resorts

Dito naman, INSTANT TRAVEL AGENT KA.

1. Alamin ang mga means of transportation kung paano makakapunta dun at panu uuwe. Hindi pwedeng basta BIGLA na lang nandun ang mga char mo.
2. Alamin ang ACCOMMODATIONS kung saan posibleng magstay ang chars kung aalis nga cla at pupunta ng ibang lugar. WAG KANG BARAT sa description OKEY? Wala ka pong gagastusin ni singko dito.
3. Makakatulong din kung magtatanung tanong ka sa mga taong naka...punta na dun.
4. Kung wala kang mapagtanungan, SEARCH THE INTERNET. maghanap ng mga pictures at maghanap ng mga write ups kung ano ang ginagawa ng mga tao sa lugar na yun.

Kahit simpleng details, nagpapaelegante yan ng story mo, nagpapa SOSYAL.. Writing like a PRO ka na teh/kuya! Segregated ka na from the cliché!

Writing Tips and Advices by WhambaWhere stories live. Discover now