002

32 8 35
                                    


🔴 Dobidobidapdap Dobidobidapdap

active now

Dobidobidapdap : Soo, bakit ka nga pala tumawag sakin kanina?

Sooper : Nawawala si Sean. Tapos nabalitaan ko nawala din si Theo.

Dobidobidapdap: What?! Hala sila yung sumunod doon sa famous na roleplayers sa Dear Duldogs...

Sooper : kinakabahan ako.

Dobidobidapdap : aalis na talaga ako sa pag aa rp huhu.

Sooper : seryoso nasaan ka?

Dobidobidapdap : nasa bahay bakit-

Sooper : ay sandali

Biglang umilaw yung phone ko na kulay berde kaya nabalibag ko ito.

Anong nangyayare sa phone ko? Ansakit sakit niya sa mata pakiramdam ko'y sasabog mata ko sa liwanag di ko na kaya yung liwanag ginusto ko man sumigaw kaso huli na dinalaw na ako ng antok at nakatulog

Shaun (Dobidobidapdap) 's Point of View

Napatakbo ako papunta kila Ren dahil biglang nawala yung account niyang Sooper KS. Bago pa ako pumunta sa bahay nila ay sinalubong ako ng mama ni Ren, "Nakita mo ba si Ren?" hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan?.

"Kaya po ako pumunta kase po yung mga accounts niya nawala po bigla" paliwanag ko. "Kaya nga kanina ay may umilaw diyan sa kwarto niya kulay berde tapos pagbukas ko ng pinto wasak na yung telepono niya akala ko naman ay pumunta sa'yo" halatang nag aalala na ang mama ni Ren, miski ako ay nagtataka bakit sabay sabay nawala ang mga roleplayers? Ang masaklap doon kasama na si Ren (Soo) .

"Magtatanong po ako sa mga kaibigan niya" tumakbo na ako papunta sa bahay at narinig ko naman ang sigaw ng mama ni Ren na salamat.

Nang makauwi ay binuksan ko agad ang aking telepono para maghanap ng mga kaibigan niya lalo na sa squad niya.

🔴 Infiresuga MY

active now

Dobidobidapdap : Hello, nakita mo ba si Sooper?

Infiresuga : Hindi ko siya makita miski sa RA niya wala. Kinakabahan na ako kasi Pagkatapos ni Theo si Kitkat tapos sunod si Soo.

Dobidobidapdap: Ingat nalang tayo hays.

Infires : sige salamat.

Dobidobidapdap : ok ok.

🔴 Chiàra Zodlæy

active now

Dobidobidapdap : may balita ka ba kay Soo?

Chiàra : hindi po, nagleave po kase ako sa gc nawawala po kase boyfriend ko

Dobidobidapdap: Salamat

Chiàra: kinakabahan ako nawawala sila nila Kuya Theo....

Dobidobidapdap : kaya nga eh, ingat ka.

🔴 Kaeliopé Crāux

unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now