003

21 8 6
                                    

"Theo?" tanong ko naman dahil gusto kong makasigurado na sila, sila ang mga kaibigan ko.

"Soo ikaw nga!" binalibag niya si Sean at pumunta papalapit sa akin inakap niya ako kagay naman ng pag akap sakin ni Kitkat.

"Kitkat, Theo okay lang ba kayo? Ano nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila ngunit halata mong malungkot sila

"Hindi ko alam kung ano ang nagyare bigla nalang umilaw ang phone ko ng kulay dilaw habang si Kitkay kulay asul." Pagpapaliwanag ni Theo sa akin. Kapareho ng akin ngunit akin ay kulay berde..

"Nalaman mo na na ang powers mo Soo?" Tanong bigla ni Kitkat sa akin. Powers? ha? Ano meron?

"What do you mean? Kakadating ko lang ditto kanina at buti nakita ko si Sean kung hindi napatay niyo na ako kanina" tanong ko dahil miski ako ay hindi alam ang nangyayari.

"Sorry Soo hehe gusto lang naman naming makakuha ng experience." Experience talaga ang sinasabi ni Theo ano ba iyon?

"Experience para makapasok sa tunay na lugar natin ang mundo daw ng mga roleplayers, kumbaga literal na RPW." Sabat naman agad ni Kitkat.

"Pero hindi mo pa natutuklasan powers mo? Kailangan mo madiscover agad para makapasok ka rin sa syudad!" Sabi ni Theo ngunit nakarinig kami ng malakas na ihip ng hangin... sobrang lakas.

Paglingon naming tatlo ay si Sean habang lumulutang wala pa ring malay si Sean ngunit nasa ibabaw siya ng maliit na ipo ipo pero nakakasira ng gubay halos tangayin na kaming tatlo buti na lamang ay gumawa ng pangharang si KItkat gamit ang tubig.

"Air user...." Sabi bigla ni Theo habang tinignan kung paano umiikot si Sean.

At biglang dumilat si Sean na may kulay silver ang mga mata at lumapit samin habang kumikinang ang buo niyang katawan. "Nakaramdam ako ng kakaibang lakas Soo para akong sasabog sobrang lakas..." at bigla siyang nahimatay nawala ang ipo ipo kanina at bumalik sa normal ang lahat. Nag aalala ako kung ano ang nagyari kay Sean. Ngunit sabi ni Kitkat na normal lang daw ang nangyari kay Sean.

"Sigurado ba kayong ayos siya?" nag aaalalang tanong ko kay Theo.

"Masyado lang nabuhay ang kapangyarihan niya sa loob niya kaya siguro." Sabi ni Kitkat t tumingin sa akin "Sa susunod, dapat ikaw na ang ganito para makapasok na tayo." Na naging dahilan na kilabutan ako.

Magkakaroon kaya ako ng sinasabi nilang kapangyarihan?


unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now