012

7 3 1
                                    


PART TWELVE

"Nandito na tayo" Paggising k okay Soo at tumayo siya at ngumiti sa akin. Ang ganda ng ngiti niya nanlalambot ako.

"Nandito na tayo.. whoo." Sabi niya pa at tumingin kay Taorious na tulog din kaya ginising niya ito pati na rin si Eggyeol.

"Ready ka na ba tayo?" Ngumiti si Bri kahit alam kong kabado siya sa posibleng mangyari sa aming lahat pagpasok sa siyudad.

Pumasok kami sa Siyudad at ngayon ko lang ito nakita. Mukha ngang sobrang ganda ng Siyudad.

"Tara na" sabi ko kay Soo habang tulala na manghang mangha din. Bumalik siya sa kaniyang wisyo niya at sumunod sa akin.

Bigla namang tumawag si Zab sa amin.

[ Magandang umaga nandiyan na ba kayo?]

"Oo Zab andito na kami" Sagot ni Bri.

[Ginu at Snow]

[Mag-iingay kayo Bri. Sana buo pa rin kayong makabalik dito. Maliwanag?]

"Sana nga Zab" binababa na ni Zab ang telepono kaya binaba na rin ni Bri.

"Ano sabi?" Biglang tanong ni Soo a hindi narinig ang usapan ng dalawa.

"The Telekenesis user and Hyper Speed User." Sagot nang mabilis ni Bri at may tinignan sa orasan niya.

"Mamayang gabi may alam akong lugar pahingahan dun malapit sa mga residente." Tumango lamang kami at naglakad papunta doon sa sinasabi ni Bri.

Ang itsura nang siyudad ay parang lugar lamang natin ngunit ang kaibahan. Mas makabago at talaga nagamitan ng teknolohiya.

"Narinig niyo ba ang balita ang grupo nila Nehemiah ay nakapatay ng mga rebelde diba't Masaya yun?" Kwnetuhan nang mga tao dito sa dinadaanan naming napahawak nalang ako sa kamay ni Soo sa gigil dahil kami talaga ang mukhang masama dito sa lugar na 'to. Hindi nila alam na kami ang talagang gumagawa ng paraan para maka alis sa lugar na 'to ngunit hindi.. masyado nilang pinaniwalaan ang mga ganid na pamahalaan.

Nagulat si Soo nang hinawakan ko ang mata niya at tumingin sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya ng seryoso at ngumiti lamang siya. Napapadalas ang pagngiti niya sa akin. Bigla namang lumapit sa akin si Bri at bumulong "Hanggang dito ba naman Kyle lalandi ka" tapos humagikgik siya. Umiling na lamang ako.

Nang napuntahan namin ang abandunadong bahay ay binaba na naming ang mga gamit namin at umupo sa pagod. "Layo naman ng bahay Bri" sagot naman ni Eggyeol habang umupong parang hinang hina.

"Nako dulo na ata to ng Siyudad" sagot naman ni Taorious.

"Sulok lamang 'to ng Siyudad no tsaka mas maayos na ito diba? Kaysa doon tayo malapit? Edi nategi tayo lahat." Tumawa nalang kaming lahat.

◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊

Soo's Point of View

Nang gabi na ay naghahanda na sila para sa pagtulog bukas na daw kami aatake sa pamahalaan at patayin ang sinasabi nilang mga user.

Lumabas muna ako at nagpalamig, ang ganda ng langit .. kalmado lamang siya. Sana lahat ay kalmado lamang at walang mga gulong nangyayaring gaya nito.

Bigla namang may nagsalita sa likod na may hawak na kape. Si Kyle.

"Ang ganda ng langit no?" Bigla niyang sambit. Babanat kaya siya? Hays Soo wag kang assuming.

"Kasing ganda ko? Pogi ako eh." Inunahan ko na siya pero di pa rin siya sumasagot.. nakakahiya sinabi ko.

"Biro lang." tapos tumawa ako kunware para kunware di ankward ginawa ko. Tapos ang humagalpak ng tawa ang loko.

"Natawa ako dun sa biro mo Soo! HAHAHAHAHAHAHAHAH." Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa tawa niya o hindi.

"Oh siya maglakad lakad muna tayo Soo." Sabi niya at naglakad. Pinigilan ko siya "Di ba mapanganib?"

"Wag kang matakot kasama mo 'ko." Kaya pumayag na ako at naglakad kami.

"Matagal kana dito Kyle?" tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Magdadalawang taon na ako dito." Matagal na din at ako? Limang buwan palang dito. Pero pakiramdam ko antagal tagal ko na dito.

"Una palang gusto ko na maka alis sa mundong 'to pero ayun nakasanayan ko na siya." Habang naglalakad.

"Sana nga maka alis na tayo dito no?" tumawa lang siya sa akin.

"Magkikita pa rin naman tayo Soo nun pag nakaalis tayo dito.." ngumiti lamang ako sa kaniya at tumango
"Syempre kaibigan kita!" wow akala mo talaga makakaalis na sa mundong 'to.

"Nako kaibigan." Tapos ngumiti lang siya

Mukha kaming baliw kase ngitian kami ng ngitian mukha kaming ulol. Pero masaya naman.

"Bumalik na tayo" Tumango lamang ako at naglakad pabalik.

◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊

Nang makabalik kami ay nadatnan naming ang wasak na pinto dugo na nakapaligid at tanginag walang malay na si Bri ang naabutan namin. Kaya tumakbo kami ni Kyle papunta kay Bri na parang nanghihina.

"Kyle... Soo... Si Taorious at Eggyeol kinuha nung using Sehun at Baekhyun ansakit sa tenga nung Baekhyun sinigawan niya ako sa tenga na para akong mawawarak at sasabog kaya eto puro dugo. Di nakalaban sila Eggyeoldahil masyadong malakas ang spells na ginamit nun mangkukulam ata yun." Tapos nahimatay si Bri.

"Bri!" sigaw ni Kyle. "Kumalma ka Kyle, nahimatay lang si Bri kailangan nating puntahan sila Taorious bukas na bukas at sabi ni Zab wag tayong susugod nang hindi nag iisip, isipin mo yan Kyle ayokong mapahamak ka... tayo." Tinapik ko siya at kumalma na siya.

Ang loob ko ay parang hindi magawa nag sinasabi ko ding kalma naggugulo ang utak ko kung paano naming kukunin sila Taorious at Eggyeol masyado pa akong mahina at walang kapangyarihan, habang si Kyle wala din kapangyarihan miskis ang lakas ni Bri ay nadaig ng dalawa.

Hiniga ni Kyle si Bri at tinignan ang labas kung walang tao sinarad niya ito na nilagyan ng maga dala naming tali miski mg bintana. Pinatay niya ang ilaw para sabihing wala na talagang mga tao nasa loob. Umiilaw ng kaunti si Bri dahil nga Light User si Bri kaya nandoon lang kami sa tabi niya miski ang higaan ni Bri ay nakatago din di mo mahahalatang may kama sa bahay na yun.

Paano naming makukuha sila Taorious at Eggyeol?

  ◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊  

sunod sunod na lame chapters help.

unexpected world ; kaisooحيث تعيش القصص. اكتشف الآن