006

17 6 9
                                    


Soo's Point of VIew

Nang magkamalay ay idinilat ko ang mga mata ko at tanging kisame ng isang lugar ang nakikita. Dali dali akongtumayo at tumingin sa paligid, hindi lamang siya simple na lugar para siyang mansion nakakamangha ang bawat disensyo sa nasabing mansion nang may biglang lumitaw na isang babae hindi ko masyado kilala ang port niya kaya hindi ko aiya makilala.

"Gising ka na pala" ngumiti siya akin pero ang angas ng ngiti niya para siyang 'siga' kumilos "I'm Zab Komatsu and nice to meet you." Inabot niya ang kamay niya sa akin at tinaggap ko ito "Soo." Inalis ko agad ang kamay niya nang maalala kong nawala ako sa tabi nila Theo.

"Anong lugar 'to? Pwede bang ibalik mo ako sa gubat?" Tanga na kung tanga pero kailangan kong makita sila Theo sila lang ang kilala o dito. Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad papalayo "Sumama ka sa'kin" at iyon naman ang ginawa ko.

May nakasalubong kaming dalawang Jungkook... "Hi Zab" sabay pa sila at tumango lamang si Zab nang malagpasan naming ay nagsalita agad si Zab

"Si Kkeok at Shake." Tumango lamang ako nang papunta kami sa isang kwarto na mukhang office. May office din pala sa RPW? Natawa lang ako sa aking mga naisip.

Umupo si Zab sa harapan at doon lamang ako sa gilid nito. "Kinuha ka naming para hindi ibalik." Nagulat ako sa entrada nang isang lalaki na Jongin.

"Ang ganda naman ng introduction mo Kyle hahaha" sabi nung babae namang pumasok na Doyeon RP.. teka si Kyle yung kasama naming Kai diba..

"Kyle? Yung kasama ko kanina?" tanong ko agad wala nang hiya hiya 'to. "Oo Soo ako yun." Sabi ni Kyla sasagot na sana ako nang magsalita si Zab

"Mamaya na ang usapan ninyo ni Soo may pag uusapan lang kami umalis muna kayo ni Denisse." Ayun siguro ang pangalan nung Doyeon RP.

"So welcome to the group." Naguguluhan ako bakit welcome eh wala naman akong sinasalihang group kahit saan dito. Tumango lang ako at naglatag siya nang isang mapa? Siguro

"Ang mapa ng RPW" mukha lang siyang mapa ng Europe pero kung titignan ay nahahati ito sa dalawa. "Hindi siya literal na mapa kung saan tayo nakalagay kung hindi ay sa kapangyarihan. Nahahati sa dalawa ang kapangyarihan" Pinigil niya ang pagsasalita at naglabas ng maliliit nag lobo, apat nag lobo kulay pula, asul, berde, at gray "May apat na pinakamahalagang kapangyarihan sa RPW"

"Ang Fire, Water, Earth and Air dahil alam mo naman na yan ang basic elements" biglang naglutangan yung maliliit na globo at umilaw nakakamangha tignan yung maliliit nag lobo. "Dahil ang mga sumunod na kapangyarihan ay alam naman natin na ipinaghalo sa apat na yan" tumango lamang ako habang nakikinig.

"Pero hindi pa natatapos ang kapangyarihan nay yun, kaya nahahati sa dalawa ang mapang iyan dahil sa reverse at natural" reverse? Baliktad? Natural? Sa science naming dati yun ah?

"Yes, reverse ay baliktad and natural ay totoo" woah. Naiisip niya ba ang naiisip ko o nababasa niya yun?

Ngumisi siya sa akin at nagpatuloy sa pagsasalita "ang natural ay ang mga nakikita mong powers yun yon..."

"Pero ang reverse, the dark side of powers. Noon ay hindi hiwalay ang natural sa reverse pero dahil sa different circumstances ay nagkahiwalay sila." Paanong dark side of powers?

"Pareho nilang weakness ang isa't isa kaya kapag nakipaglaban ang natural at reverse ay malamang patay sila pareho but in some powers kayang I sabotage ng reverse ang natural while ang iba ay mas malakas ang natural sa reverse hanggang ngayon hindi pa talaga nila alam ang difference nito except sa color lahat ng reverse ay color black lang black fire, black electricity, black water ganun ang itsura niya, but isang power ang walang reverse, the darkness" Nakanganga lang ako habang nakikinig kay Zab dahil di ko inaakala na ganoon pala kadaming echosan ang mga kapangyarihan dito.

"And luckily, nasa atin ang darkness user." At tumingin siya sa akin lalo "Dahil ang apat na kapangyarihan ang mahalaga, inalam agad naming kung na kaninong roleplayers ito pero kulang sila ang isang kapangyarihan ay nawawala hanggang ngayon hindi mabubuksan ang portal kung hindi sila makukumpleto at makukulong tayo sa mundong ito habang buhay." Nagulat ako sa mga nalaman ko, sino ba ang gumawa nito bakit ganito?

"Salamat sa.... impormasyon" sagot ko dahil sayang naman ang mga sinabi nya kung di ako nagsasalita?

"Oh nakalimutan ko pinakaimportante, kasama ka na sa samahan namin, gusto naming masira ang pamahalaan ng RPW dahil hindi naman talaga kabutihan ang gusto nila pinapatay nila lahat ng mga nakikitaang maging fire user, water user , earth user at air user." Kinabahan ako bigla nang naalala ko si Kitkat at Sean....

"Mga kaibigan ko po ang water ay air user at pupunta po sila sa siyudad! Baka po mapatay sila doon!" Nang narinig ni Zab iyon ay dali dali niyang tinawag ang lahat na ikinagulat ko

Nagsipasukan naman silang lahat sa office at tumayo si Zab sa kanila at ako? Nakaupo lamang dito.

"Kailangan niyo pumunta sa siyudad ngayon na. Ikaw Kyle wag ka muna aalis dito bantayan mo ang headquarters samahan mo siya Soo." Sabi ni Zab at tumango lang si Kyle

"Bri, Jiezen, Taorious, Sebastian, Kkeok, Shake and Eggyeol may tiwala ako sa inyo sana madala niyo rito ng buhay ang air user at water user.. Ano mga port nila Soo?" tanong naman bigla sa akin ni Zab. Makikita mo na si Bri ay Seulgi Roleplayer gaya ni Kitkat at Jiezen ay alam niyo na naman na Lisa RP habang si Taorious ay Zitao RP si Kkeok at Shake ay Jungkook si Eggyeol ay Chanyeol.

"Kitkat a Seulgi roleplayer while Sean is a Hoshi roleplayer" sagot ko at tumango sila

Nang may biglang pumasok sa pinto isang Yoongi RP "Zab nagkakagulo daw sa siyudad" sabi ng isang Jimin RP.

"Thank you Lucian, umaayos sa atin ang oras guys humayo na kayo" sagot naman ni Zab kay Nehemiah at nag alisan na ang mga tinawag ni Zab na mas mabilis pa sa Segundo.

Umalis si Zab habang dala ang sombrero niya at iniwan kaming dalawa ni Kyle

"Bakit mo 'ko dinala dito Kyle? Asan ba ako diba kailangan siyudad?"

"Mahina ka natalo ka ng liwanag kaya ikaw ang nasama namin. Partida mahinang liwanag ni Bri yung nilabas niya paano pa pag malakas baka tumakbo ka na papunta doon" tumawa ulit siya hindi ko alam kung bakit ako na aattract sa ilaw hindi ko talaga maintindihan.

So Bri is a Light user.

"Ikaw diba wala kang kapangyarihan?"

"Oo hindi ko din alam kung bakit" napabuntong hininga siya at tumayo "may papakita ako sayo" naglakad siya papalabas na sinundan ko naman pagpasok naming ay isang Yoongi RP na natutulog pagpasok ko sa kwarto ay sobrang lamig kung hindi mo igagalaw ang paa mo ay tiyak tutubuan na ng yelo.

Biglang tumayo yung Yoongi RP tapos ngumiti sa akin

"Soo! Ako ito si Fires!" tumayo siya na hinang hina at pumunta sakin at inakap ako "Kayo talaga ang hinanap ko nina Theo para akong mamatay sa gubat na yon ako lang ang mag isa." Nalungkot siya at ikinagulat ko kung paano siya nakapunta dito.

"Niligtas ko siya muntik na siyang mapatay nung Heechul RP same case sa inyo pero dahil doon lumabas kapangyarihan niya." Mahabang litany ni Kyle.

Kung kukunin na nila Bri, Jiezen at ang mga kasama niyasila Kitkat ay makukumpleto kami kaso... sila Kae at Snow.

l

unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now