005

26 7 12
                                    

"Sigurado ka bang dito yung daan ka Kyle?" Tanong ni Theo dahil unti unti na kaming dumadaan sa pinaka delikado daw na parte ng gubat sabi ni Kitkat.

"May pupuntahan lang ako, si Jiezen." Sagot naman ni Kyle habang patuloy na naglalakad siguro Sehun RP yun halata naman sa pangalan.

"At bakit naman natin pupuntahan yun?" Tanong ni Sean ngunit tumingin lang si Kyle sa amin at bumalik uli ng tingin sa dinadaanan "Babalik kami sa siyudad iniwan ko lang sya dito kase pinabantay ko yung gamit namin" tapos tumawa ang loko, ano nakakatawa doon?

Habang naglalakad sila nakakita ako ng liwanag sa gilid isang liwanag sa pagitan ng dalawang naglalakihang puno 'di ko alam pero nakakaakit pumunta doon parang kusang naglakad mga paa ko papunta doon sa liwanag.

Malapit na ako sa liwanag pero bigla lumakas yung kaluskos na kanina hindi naman

Nawala yung liwanag wala ako makita para akong nasa kawalan di na ako makagalaw dahil baka mamaya matapakan ko ay ahas o kaya naman kung saan ako lalo mapunta.

Bigla nalang may humila sa akin sobrang bilis niya "Teka sino ka sandal nagmamadali ka hoy gago" hindi siya magpapapigil nakakaladkad na ako at huli ko lang naramdamn pinasok niya ako sa isang lalagyanan siguro? Baka sasakyan? Ganun di ko alam basta alam ko madilim. "wag ka maingay" bulong sakin nung lalaki kaboses niya si Chanyeol baka Chanyeol RP? Baka gahasain ako nito? puta bakit yun naisip ko.

Hanggang sa di ko na mapigilan yung antok ko, antok ba to? Pero bat ang hirap labanan?

Theo 's Point of View

Habang naglalakad kami napansin ko na wala si Soo kanina pa. "Nasaan si Soo?" Lahat kami ay pumaligid ang tingin pero wala talaga kaming makitang miski anino ni Soo.

"Naiba siya ng daan." Sabi ni Kyle at tumigil sa paglalakad at tumingin kung saan.

"Hanapin natin siya!" Sabi ni Sean habang papa akma nang umalis ngunit pinigilan siya ni Kyle "Babalik siya. Ako na ang nagsasabi sainyo." At nagtuloy maglakad miski ako ay di maka atras papunta doon sa pupuntahan naming dahil nag aalala ako kay Soo.

"Tara na Theo makikita natin si Soo tiwala lang" ngumiti sa akin si Kitkat at naglakad na rin. Ano pa nga ba magagawa ko? Hays.

At nang madatnan na namin ang sinasabi ni Kyle na pupuntahan niya ay dali niya kaming pinapasok sa tingin ko ay siguradong isa siyang Lisa Roleplayer. Pagpasok naming sa maliit na kubo ay simple lang at wala masyadong kaartehan. "Pasesya nandoon kase sa siyudad bahay ko eh kaso napagtripan naming ni Kyle na umalis" Sabi nung Lisa. "Anyways I'm Jiezen" ngumiti siya samin at kinuha na ang bag.

"So tara na?" Sabi ni Jiezen habang naka ayos na tumango naman si Kyle at nagsitayo na kami para pumunta sa sinasabi nilang siyudad.

"Ano sabi ni Bri nakakuha daw ba sila?" Bulong ni Jiezen kay Kyle, bulong pero naririnig ko. Habang ako namamasid lang sa ibang lugar para di mapansin na nakikinig sa kanila "Oo, mamaya sa headquarters nalang pag usapan" Sabi ni Kyle at naglakad ulit, head quarters? Ano kaya mga ginagawa ng mokong na to.

Tumingin sa amin si Jiezen at tumigil. "Kaya pa? malapit na siyudad konting tiis" nagsitango lang kami nina Sean at naglakad ulit.

Sean 's Point of View

Nakita na naming ang pinto ng siyudad na mayroong naglalakihang pader kahit anong gawin ay di talaga makakapasok makikita mo sa taas na may nagbabantay may mga naglalakad ganun parang overpass kung sa real world ikukumpara ano kaya ang naghihintay sa amin sa loob?

Paglingon naming tatlo ay nawala si Kyle at Jiezen saan sila nagpunta? "Nasaan sila Jiezen?" Sabi ni Kitkat habang patingin kung saan saan? Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang malaking pinto makikita mo palang yung harapan ng siyudad masyadong maganda. "Woah" napasinghal ni Theo habang nakatingin sa siyudad. Ngunit may isang babae at sigurado akong isa siyang Jeongyeon . "Good day roleplayers." Ngumiti siya sa aming tatlo

"Buti at napadpad kayo dito? Marami din kaseng roleplayer na hindi na nakaligtas diyan sa gubat." Habang turo niya yung sa gubat na pinaroonan namin. "Ah may tumulong sa amin kung saan papunta ditto" sabi ni Theo pero biglang lumapit yung Je0ngyeon sa kaniya na parang biglang nagalit "Sino? ang mga rebeldeng roleplayers ba ha? Isa ba kayo sa kanila?" halos hawak na nung Jeongyeon yung kwelyo ni Theo.

"Hindi po namin alam so pakibitawan po si Theo." Sabat agad ni Kitkat "Naninigurado lang, sige sumunod kayo sa akin." At pumasok na kami sa siyudad.

Ano kayang mangyayari sa aming tatlo ditto andito kaya si Soo?

unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now