011

11 3 4
                                    

PART ELEVEN

Kae's Point of View

Hanggang ngayon alam ko nang nasa headquarters sina Kitkat, Soo at Fires ngunit sabi ni Zab wag daw muna ako magpapakita, bakit? Masyado daw mahina ang amg emosyon ng tatlo kung dadagdag pa daw ako. Di ko maintindihan bakit ganoon kung mas maayos na magkakasama kami diba? Pero ang gagawin ko nalang ay sumunod para sa ikakaayos ng lahat.

Sabay kami ni Fires nung kinuha kami nang pambihira naming telepono, saktong sakto nang nagka ayaan kami ni Fires na kumain sa labas at pag usapan ang nangyari kila Soo, Theo at Kitkat. Ang pinagtataka ko'y wala man lang nakapansin doon sa kinainan naming na nawala kami? Sigaw kami ng sigaw pero parang walang nakakarinig sa amin, weird.

At nung makapunta kami ditto ay magkahiwalay at 'di ko na siya nakita hanggang nakita ko nalang si Soon a nakahiga noon sa Headquarters.

"Parang ang lalim ng iniisip mo ha Kae?" Biglang epal ni Bri nang pumasok sa kwarto ko.

"Ah wala iniisip ko lang kung kailan ako ipapatawag ni Zab sa susunod na mga gagawin natin." Pagpapalusot ko sa dalaga.

"Hmm, kami na sunod nila Eggyeol eh. Nako yung itlog nay un papahamak lang kami nun eh." Tumawa si Bri. Parang hindi siya namatayan kahit isa siya sa mga pinakaclose ni Shake sa headquarters.

"Uhm.. Bri?" tanong ko.

"Bakit?"

"Condolence nga pala kay Shake.." ngumiti siya sa akin at tumulo ang kaniyang mga luha pinipigilan niya ngunit lumabas na. "Ikaw kase pinaalala mo pa sa akin eh." Tumatawa siya habang umiiyak. May ganoon pala? Kunwaring okay lang para matakpan yung sakit.

Sana lahat.

Sana lahat kayang itago nararamdaman niya, Sana lahat kayang lumaban... Sana lahat kami lumalaban hanggang huli.

"Sandali lang Kae ha? Kukunin ko lang libro ko." Sinungaling. Walang libro dito.

Tumayo para tignan sila Soo at nakita ko naman si Soon na ka aka psi Eggyeol sa baba. Parang umiiyak din si Eggyeol. Napag buntong hininga na lamang ako na napakalungkot ng Headquarters ngayon.

Nang papaalis na ako ay nabangga ko ang isang Yoongi Rp ngunit hindi ako nagkakamali. Siya si Fires... hindi na gumagana utak ko kung ano sasabihin na una.

"Bago ka dito?" tanong niya sa akin. Actually mas bago ka sakin.

"Hindi, baka hindi mo lang ako nakikita." Pinilit kong wag mautal utal para maayos pa rin.

"Fires." Inabot niya ang kamay niya sa akin. Sasabihin ko kaya na ako si Kae ang kaibigan nila ni Soo?

"Jjeni" ang biglang nasabi ng bibig ko sa kaba. At tinanggap ang alok niya at nakipagkamay. "Masaya ako na makilala ka Jjeni." At umalis ang loko.

◦◦◦

Taorious' Point of View

Habang naglalakad ako sa Headquarters, Makikita mo si Sebastian na nakaupo lamang sa upuan at tulala.. Si Jiezen na nakatingin naman sa kawalan. Si Kyle na nakatingin sa baba at sinilip ko muna ito. Si Soo na nakaakap kay Eggyeol. At nang nakabukas na kwarto ay nakita ko si Bri na humahagulgol sa kabilang kwarto si Denisse na parang umiiyak pero di wala kang mairirnig na kahit konting tunog, nag aadik ba ganun. Si Kkeok ay di mabuksan ang pinto. Si Kae at Fires naman ay nag uusap si Kitkat at Sean ay tulala lang din sa kawalan.

Halata mong lahat ay naapektuhan sa nangyari kay Shake. Di ako masyadong naapektuhan sa nangyari. Bago pa ako nakapasok dito kila Zab ay madami nang kaibigan ang namatay.dahil ang iba ay inakala na fire,water,air,earth user habang ang iba ay napagtripan sa siyudad. Sobrang sakit nun nang wala akong nagawa dahil isang hamak lamang akong defense, healing ang aking kapangyarihan ngunit kahit healing ako ay di ko sila nabuhay. Walang silbi na gaya ko buti na lamang ay nakuha ako nila Zab noon sa Siyudad kaya ako napunta dito.

"Mukhang malalim tinitignan mo diyan sa ilalim Kyle ha." Nang makabalik sa pwesto ni Kyle ay tsaka nagsalita laking gulat niya kaya siya napagbigkas "Ay lumayo" ng mahina. Anong lumayo?

Nang tumingin ulit ako sa baba ay nakita kong nag uusap pa rin sila Soo at Eggyeol.

"Bakit lumayo?" napatawa ako sa sinabi ni Kyle.

"Ha? Hindi ah." Tapos umiiling iling pa siya na parang tanga.

"Hindi? Bakit ka hihindi?" hindi ko na talaga maintindihan si Kyle.

"Hindi ako nagseselos!" ano..

"Wala naman akong sinasabing kahit ano" nakakagulat inaasta ni Kyle ngayon tapos biglang umalis...

parang gago?

◦◦◦

Soo's Point of View

"Ready ka na?" Tanong sa akin ni Kyle at ngumiti.

"Hmm. Siguro.. okay lang yan kayo naman kasama ko." Tapos tinapik niya lang ulo ko at ngumiti.

"Soo! Tara na!" sigaw ni Eggyeol kaya ngumiti lang ako..

Nakalimutan kong kasama ko si Kyle kaya lumingon na ulit ako sa kaniya na nakasimangot naman ngayon.

"Kyle? Tara na!" ngumiti ako sa kaniya at hinila ang kamay niya papunta sa kotse.

"Mga baklang 'to" umirap pa si Bri kaya naman nagtawanan kami. Teka.. 'di ako bakla? Lalaki kaya ako.

Nang makasakay na kaming tatlo na nandoon naman sila Taorious na nakaupo din "Hiyang hiya din kase ako eh, ako babae ako magda drive eh no?" Salita naman ni Bri habang inaandar na ang kotse.

"Mukha ka naman lalaki Bri." Sagot naman ni Eggyeol kaya nagtawanan sila, nakitawa nalang din ako para kunwari naiintindihan ko jokes nila. "Tanginamo Itlog" napamura na lamang si Bri habang nagda drive.

"Kinakabahan ako." Biglang pagbasag ng katahimikan ni Taorious. Kaya napatingin kami lahat sa kaniya maliban kay Bri.

"Walang mamatay sa atin Taorious." Sabi ni Kyle kaya naging seryoso ulit ang paligid namin.

Napag buntong hininga na lamang si Eggyeol habang tumingin sa salamin. Ganito kasi ang pwesto naming sa harapan si Bri at Taorious, habang kaming tatlo nila Kyle sa likod at ako ang gitna.

Ilang oras din ang biyahe kaya nakatulog na ako.

Kyle's Point of View

Nakita kong tulog na si Soo at si Eggyeol.. Si Eggyeol ay nakasandal sa salamin habang si Soo naman sa balikat ko, naghihilik pa siya.

"Naghihilik pala si Soo" sabi bigla ni Bri kaya tumawa kami. "Kaya nga eh, Masarap siguro tulog." Sagot ko naman kay Bri.

"Tsansing ka lang Kyle eh." Sabat naman ni Taorious.. teka bakit? Lalaki kaya ako.

"Luh." Napasagot ko nalang.

"Lul Kyle sabihin mo na type mo si Soo. Hanggang dito ba naman sa lugar na 'to, Kaisoo pa rin gusto mo?" Sabi naman ni Bri dahil sila nila Jiezen ang talagang kaibigan ko wala pa man sa mundong 'to.

"Mga bakla" Sabi ni Taorious. Umiiling iling nalang ako habang tumatawa. Baka totoo nga? 

unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now