009

20 6 7
                                    

Jiezen's Point of View

Gabi na nang napagdesisyonan naming na umalis na at pumunta sa siyudad. Ngayon ang uunahin naman ay yung Caylin na Soojung RP, mahihirapan kami nito sobrang daming Soojung dito sa lugar na sinabi ni Zab. At balita ko reverse water ang kapangyarihan nitong Soojung na to. Naks blind item.

"Ano ready ka na ba Jiezen?" napatawang sabi ni Denisse habang inaayos yung damit niya dahil patago kaming papasok sa siyudad.

"Ako pa ba" sagot ko nalang ng inihanda ko ang pana ko habang si Shake at Sebastian ay nag aayos na rin.

Kami ang naatasan ngayong araw kaming apat nila Denisse, Shake at Sebastian.

Habang patago kaming dumadaan sa maliit na butas papuntang siyudad ay halata mong tulog na at wala nang pagala galang tao sa lugar, ang sabi lamang sa amin ni Zab ay sa parting kanluran pumapalagi si Caylin para daw makipagkita sa nobyo nito dahil ang nobyo nito ay malayo sa lugar ng pamahalaan kaya madali daw naming mahuhuli si Caylin.

"Okay ka lang ba kumilos na wala si Kkeok ha Shake?" Tumango lang siya halata mong hindi siya okay sinabi kase ni Zab na kailangan nilang maghiwalay dahil hindi daw nila hawak ang mangyari.

"Kaya ko to no!" tumawa lang si Shake habang inaayos ang espada niya.

Humahanga din ako minsan kay Zab dahil andami niyang nalalamang impormasyon sobrang galing niya. Saan kaya siya nakakauha ng source?

"Siya ata yun" habang pabulong na sagot ni Denisse. Nakita ko naman yung sinasabing Caylin kasama nung isang Sehun RP halata mong Masaya sila nag akapan pa yung dalawa.

Ang landi nila.

"Antaray mala Isabelle-Sky pala sila" bulong naman ni Shake habang humahagikgik, loko talaga nakuha pang magbiro.

"Seb alam mo na." Sabi ni Denisse kay Sebastian at tumago lamang si Sebastian

Tinigil ni Sebastian ang oras at miski kami ay hindi makagalaw naglakad lamang siya at may ginawa siyang seremonyas para kami naman ang makagalaw at binalik niya na sa normal nang mapaikutan naming siya nagulat ang mag nobyo sa bigla naming pagsipot

"Sino kayo?" sigaw nung Sehun habang hawak si Caylin. Bumitaw sa kaniya si Caylin at ngumisi sa harap naming "Rebelde siguro, ako pa talaga kinalaban niyo?" tapos tumawa

"luh baliw." Sagot naman ni Shake loko loko talaga.

Naglabas yung Sehun nang itim na yelo so confirm siya yung Hunfair na sikat dati wow famous. Nilabas na rin ni Caylin ang itim niyang tubig mukhang imburnal pero seryoso na baka mamatay kami.

Hindi pwede ilabas agad ang kapangyarihan ni Denisse dahil reverse healing siya so kami muna ni Shake ang kumilos puro defense pala kami wrong move at iyon habang si Hunfair ay naglabas ng Reverse Ice beam sa direksyon ni Denisse buti na lang at magaling din si Denisse sa pag defense habang gumawa ng malaking wave ng tubig dahil sa Reverse Hydrokinesis niya. Then ginamit naman nung finreeze ni Hunfair yun na nging spikes papatama na kay Shake pero hinawa niya lahat yun gamit and espade I used my Shadow mimicry para umatake kay Hunfait at sa wakas natamaan ko siya sa gilid kaya napaupo siya ng saglit

Nang biglang gumawa ng tubig si Caylin papunta kay Shake na nakakasakal kaya naman ginawa na ni Denisse ang pag control sa puso ni Caylin

"Wag kang makakilos ng masama Caylin at mapapatay kita" nagulat si Caylin nang naramdaman na niyang ginagawa ni Denisse pero ngumiti lang siya nang ginamit niya ang water mimicry, naging tubig siya at sinapak si Denisse gamit ang anyong tubig niya.

"Nakalimuan mo ata ako Caylin" tumawa si Sebastian ng pinatigil niya si Caylin na naka anyong tubig.

"May mga tao!" sigaw ni Denisse nang makakita ng maraming tao kayat nawala sa focus si Sebastian kaya't nabitawan niya si Caylin na nawala nang sobrang bilis habang si Hunfair ay hawak na ni Shake at ang mga tao ay may mga hawak na armas kaya ayun ang ginawa ni Denisse konontrol niya lahat ng mga katawan ng tao na papatigil pero dahil sa sobrangdami ng tao di nakayanan ng capacity ni Denisse ang lahat kaya nasira ang spell na ginawa niya pinilit kong itaboy ang mga taong sigurado akong kasama ni Caylin.

Iwas saksak ang ginagawa nila Sebastian at Denisse habang si Shake ay hawak lang si Hunfair ngunit sa hindi inaasahan na kinkontrol pala ni Caylin si Shake at ginamit ang Dehydration kaya namumutla na si Shake at nahihina dali daling pinigilan ni Denisse yun gamit ang kapangyarihan niya sa madaling salita kinakalaban niya ang reverse water

At kami ni Sebsatian na gusto man kumilos ay kialngan patayin lapitan sila Denisse para hindi masira pero...

Huli na ang lahat masyadong matagal na ang pagdehydrate ni Caylin kay Shake at late na ng nilabanan ito ni Denisse unti unti pumayat ang katawan ni Shake at naghina ang katawan napaiyak na si Denisse nang hindi niya mapigilan ang lakas ni Caylin at wala na nakatakas na si Caylin habang si Shake ay unti unti nang nawawalan ng hininga. Nabitawan niya si Hunfair kaya nakatakbo rin ito pero hindi pumayag si Denisse naging itim ang buo niyang mata na ikinagulat naming bigla napalapit si Hunfair kaya nahawakan ni Denisse ang leeg niya at piniga ito ng parang sponge.

Kitang kita nang dalawang mata ko nang natanggal ang ulo ni Hunfair sa baba habang katawan ay hawak pa rin ni Denisse. Sobrang daming dugo hanggang ngayon umaagos pa rin ang dugo ni Hunfair kaya namna naliligo na sa dugo si Denisse habang nawawala na ng tuluyan ang katawan ni HUnfair kaya't nagtakbuhan na papalayo ang mga aakmang lalaban samin napatakbo si Sebastian kay Shake nang nalaman niyang wala na.

Wala na si Shake sa mga kamay namin.

Hindi ko magawang lumapit kay Shake nakatulala ako sa katawan ni Shake na hindi mo na marerecognize. Na kagaya ni Denisse na nakatalikod pa rin kung paano niya piñata si Hunfair makikita mong tumutulo ang luha ni Denisse kahit hindi humahagulgol at ganun din si Sebastian. Hindi ko magawang umiyak dahil ayaw magsink sa utak ang lahat ng nangyari parang kanina lang nagbibiro si Shake ngayon wala na... wala na siya.


unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now