004

26 8 10
                                    


Dobi's Point of View

Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Soo pero ang balita ko'y pati si Infires ay nawawala na kasama ni Chiara at Kaeliope. At ang mga sikat sa RPW ay talagang wala na. naging tahimik ang bawat groups at parang nagkaubusan ang roleplayers puro RA nalang ang nakikita ko sa Dear Duldogs.

Maye Kim >> Dear Duldogs

ADMIN'S POST

Magandang gabi Duldogs! So nabalitaan na din ng panel ang sunod sunod na pagkawala ng mga roleplayers miski sa group natin so mag ingat tayong lahat kung ano man ang nangyayari sa atin. Pwede naman ang mga RA's dito kaya yun ingat deuldeuls.

Fries, Alphadae JD, Shiro Hayashi and 1k people reacted to this post.

like | comment

Fries : UP SECTION

Levi Park: ingat po :((((

Gian Grey : nawawala din po nanay nanayan ko :(.

Geomhai Catbagan : ingat sa lahat!

Carla Laurencio : Para tuloy horror RPW ngayon L.

Alphadae JD : L

Lahat na ng group ay naalarma sa nangyayari sa RPW ngayon, bakit nga ba nangyayari 'to? Parusa ba 'to sa mga roleplayers? Hays.

Soo 's Point of View

Habang naglalakad kami papunta sa sinasabi nilang siyudad naalala ko sila Shaun, sila Infires nandito na rin ba sila gaya ko? Kaming apat lang ang tao siguro sa gubat na 'to naririnig ko lang ay konting kaluskos ng mga halaman simpleng gubat.

"Nagugutom na ako" Bigla pagsira ni Kitkat sa katahimikan. Lahat kami ay napatingin sa kaniya dahil lahat kami ay walang dala na kahit ano miski pampa alis ng uhaw ay wala. Kaya kaya ni Kitkat gumawa ng mineral water? Biro lang.

"Tara maghanap na tayo mahaba pa lalakarin natin o" Sabi naman ni Theo at iyon nga ang ginawa naming naghanap sa gubat ng mga makakain hanga ako sa kanilang tatlo para na silang limang buwan nakatira dito. Nilagay ni Kitkat sa maliit niyang bag yung mga prutas na pedeng kainin habang si Theo at Sean naghahanap o sa madaling salita nangangaso.

Ngunit hindi hayop ang nadatnan naming kundi isang babae mukha siyang baliw halos din a mamukhaan ang mukha niya pero alam kong isa siyang Yoona RP para na siyang zombie.

"Hala tangina" napamura na lang si Sean nang tumakbo papalapit sa kanila yung Yoona at saktong gusto patayin si Theo buti na nga lang at may mga kapangyarihan sila. Pero iba din ang lakas ng Yoona RP na 'to. Talagang si Theo ang pakay niyang patayin lahat sila ay hingal na hingal para patayin yung Yoona.

Tatlo laban sa isa pero hirap sila.. ganoon ba talaga kalakas ang Yoona na yon? At ako? Nakaupo lang na nakatago habang pinapanood sila nagulat ako nang may biglang sumulpot na lalaki at hinila ang ulo nung Yoona sa sobrang lakas ay naputol ang ulo nung Yoona na ikinagulat ko para tuloy akong nanonood ng Walking Dead.

Halos nakatameme lang sila Sean, Theo ay Kitkat habang uti unti winawasak nung lalaki yung Yoona hinahati niya pira-piraso. At bigla siyang humarap hindi ko inaakala na isang Kai naman ang taong biglang sumulpot ditto. "Paano ba yan? Isang Yoona na pakalat kalat lang ditto eh hirap na hirap kayo paano pag pumasok na kayo sa siyudad edi patay ka agad kayo?" mahabang litany nung Kai.

"Anlakas niya..." Sabi ni Kitkat habang nakatingin sa pira pirasong katawan nung Yoona.

"Kayo ang mahina siguro nga at bago lang kayo dito. Oh may kasama pala kayong Kyungsoo" Sabi nung Kai habang tumingin sa akin. "Samahan ko kayo sa siyudad baka mamaya madaanan niyo madaming ganyan di pa kayo maka abot sa siyudad." Dagdag pa nung Kai. Lahat kami ay nakatayo at nakatingin kay Kai ng may pagdududa. "Oh c'mon magtiwala kayo sakin 'di ako masamang roleplayer" sabi niya at nakatingin sa amin.

"At paano naman kami magtitiwala sa'yo?" Salita naman ni Theo. "Wala akong kapangyarihan, nag aaral pa rin ako kung paano mabuksan yung kapangyarihan ko kung mayroon? Hahaha" nagulat ako kasi ang lakas na niya para na siyang force user? Anlakas talaga nung pagkapugot niya nung ulo na Yoona.

"Ako si Kyle, kayo?" sabi niya so ang pangalan niya ay Kyle... okay.

"Kitkat"

"Theo"

"Sean"

"Soo"

"So tara na?" naglakad na si Kyle punta doon sa daan nung papunta daw siyudad.

Ano kaya ang itsura ng Siyudad? Maganda kaya doon? Makakabalik kaya ako sa Real World? Hays.


unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now