007

13 6 12
                                    

Kitkat's Point of View

Habang naglalakad kami nila Theo papunta sa loob ng siyudad nakarinig kami ng ilang pagsabog nagkaguluhan lahat ng tao, naguguluhan lang ako dahil may kapangyarihan sila pero natataranta sila? Nagkakabuguhan ng apoy, at kung ano-anong elemento kakaiba ang riot dito nagwawala sila gamit ang kapangyarihan.

"Yumuko kayo!" sigaw ni Mabel ang Jeongyeon na nagbukas ng pinto. At lahat naman kami ay yumuko para talagang nasa giyera ngunit nkakaalarma an dugong pakalat kalat bakit nagkaroon ng away?

"Anong nangyayari?!" sigaw ni Sean dahil hindi maririnig ang salita dahil sa hiyawan.

Ngunit bigla lalong nagpahirap ng may sumigaw ng sobrang lakas nagdugo bigla ang mga tenga namin sa sobrang lakas... napakalakas nakakapanghina...

"Tangina Bliss bakit ka sumisigaw aaaaaa" sigaw ni Mabel habang takip ang kaniyang tenga. Tumingin ako kung sino ang sumisigaw ito ay may mukhang Baekhyun at Bliss daw ang pangalan.

Naghagis ng energy blast si Mabel nang malakas kay Bliss para mapansin siya nito ngunit wala sa katinuan si Bliss kaya nabaling kay Mabelang sigaw at nagbounce ang energy blast na galing sa kaniya.

So Bliss is a voice user and Mabel is a energy user.

Bigla namang lumutang energy blast dahil sa isang Dino RP (Seventeen) at ibinalik kay Bliss hindi napansin ni Bliss na bumalik sa kaniya ang energy blast kaya ito ay napatalsik

"Okay ka lang Mabel?" ngumiti sa kaniya si Mabel at tumango ngunit may mga taong tumakbo at papalapit sa amin hinila niya ako at si Sean nang marahas para kaming kinakaladkad sa sobrang bilis

"KItkat! Sean!" rinig kong sigaw ni Theo habang hinahabol kami gamit ang kuryente ngunit masyadong malakas ang isang Lisa RP at nilagyan ng trap si Kean. Nasakal si Kean ng itim na di ko mawari at kahit ang kapangyarihan ko ay hindi ko mailabas dahil na rin sa sigaw nung Bliss kanina at dahil sa panghihila na nakita ko ang humila sa akin isang Chanyeol at kay Sean naman ay kagaya ko isang Seulgi, ngunit ng nagpumiglas si Sean ay naglabas ng napakasakit sa matang liwanag yung isang Seulgi kaya't nahimatay si Sean at unti unti na rin pumikit ang mga mata ko.

Theo's Point of View

Nang mawala sa paningin ko ang grupong kumuha kay Kitkat at Sean ay nawala ang mga parang taling naka tali sa akin itim siya na parang kumikintab

Tatakbo sana ako nang mawala ang mga lubid na kakaiba ay hinawakan ng isang Chaeyoung RP (Twice) ang kamay ko "Wag mo nang tangkain kunin sila dahil mga rebelde yun sila ang pumatay sa kaibigan ko." Nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod, nawala ko si Soo at ngayon naman si Sean at Kitkat wala na akong kasama...

Gusto kong umiyak sa galit dahil doon ngunit nagsalita nanaman yung Chaeyoung RP "I'm Yvonne, gusto ko din gumanti sa mga rebeldeng yan." Humarap ako sa kaniya nang marinig ko ang salitang higanti.

"Paano?"

"Join with us, kakampi natin ang pamahalaan wag kang mag alala." Tinayo ako ni Yvonne at naiwan ko si Mabel kasama yung Ginu.

Pumasok kami sa isang maganang palasyo at sobrang royal nang itsura niya. At sinalubong ako nang isang Jimin RP mukha talaga siyang nakakatakot at halata mong mataas ang katungkulan dito.

"Nehemiah, nagagalak akong makilala ka.." Sabi ni Nehemiah

"Theo" ngumiti siya sa akin at naglabas ng isang relo na kulay itim.

"Gusto mo din bang matalo ang mga rebeldeng iyon?" nakangiting sabi ni Nehemiah sa akin at kaya naman ako tumango dahil gusto kong ipaghiganti sila Kitkat, Sean at Soo. Bigla niyang idinikit ang relo sa kamay ko at kusa itong napasok sa kamay sobra niyang higpit inalis ko pero hindi na maalis.

"Isa ka na sa amin" ngumiti siya sa akin at umalis na.

"Ano 'to?" tanong k okay Yvonne at ngumiti siya at ipinakita rin niya ang sa kaniyang relo "Tanda na yan na kasali ka na sa amin."

Third Person of View

Tumawa si Nehemiah ng napasok na sa kaniyang makabagong gadget ang tungkol sa lahat kay Theo ang Electricity User. "Isa uling gusto pabagsakin ang mga rebelde" Ang teknolohoyang iyon ay kayang makontrol an kung sino man ang napasok na sa loob ng system kagaya nila Yvonne at Theo kaya rin nito na kontrolin ang puso, utak at katawan sa anomang oras.

unexpected world ; kaisooWhere stories live. Discover now