Overdose // Luhan

2.9K 26 6
                                    

Overdose

Lahat ng title dito puro kanta. hahahahahaha! jusko jugigo yung mv! nailabasa na!!! Halos mamatay ako nung pinanuod buti nalang niyakap ako ni Yeol. waaaah! Tama na nga~~ dahil ang taray ng ipit ni Lulu sa mv. Siya ang kapartner ko! Hahahaha oo ako nanaman ang bida! /flips hair.. malanding otor ako. hahaha

Ps: di to konektado sa previous chapter. sadyang magkaparehas na tao lang ung gull

-------------------

"Ano ba yang buhok mo! akala mo naman kagandahan!" sigaw ko kay Luhan. Kanina pa nililipad ang mahaba niyang buhok. hindi naman ganun kahaba na parang sa babae pero kasi magkatabi kami kaya eto nasisinghot ko ang puro agiw niyang buhok. 

"Ano ka nagpantene ako" sabi niya sabay ngudngod ng buhok niya sa pagmumukha ko. "Ano? Pantene o baka naman panty na inaamag na ng lola mo ang ginamit mo jan! Peste ang baho ng buhok mo!" siniko ko siya. Jongina naman kasi bkit di ako makalayo sa baklang manly na to eh! Ang sikip sikip naman kasi dito sa gym. Mukhang tanga kasi yung teacher naming unano kesyo p.e daw ngayon maglalaro kami. Pakain ko sa kanya yung buhok ng katabi ko eh! 

Hindi ko naman magets yung laro, parang pinagtabi tabi lang kami dito tapos nakaform ng circle. Ang ganda ng laro! "Oh ayan magtitigan kayo!" sabi ng teacher kong unano sabay tawa. Tuwang tuwa porket kasama lang siya ni Snow White dati eh. Tsk! *roll eyes* "ano ba naman 'to. amoy mandirigma dito. nyeta bakit ang babaho ng classmate ko' mahina kong sabi. Na-feel ko na lumingon sa akin ang katabi ko pang isa bukod kay Lulu. Tiningnan niya ako ng masama. "naligo ako" sabi niya

"Oo sa imburnal. ilang imburnal ang pinaliguan mo?" sarkastiko kong sabi sa kanya. Mamamatay na ako sa amoy at sa buhok ng katabi ko. "Put-nginang buhok yan bakla! Itali mo nga yan! Jongina!" saway ko kay Lulu. Nakakagago, gusto ko ng mag-cutting. Kung hindi lang gwapo yung unano naming teacher edi kanina pa ako lumayas! At tsaka ang gwapo ni Luhan kaso puro agiw yung buhok. Yak!! Tapos ito pang isang katabi ko na kasing itim ng singit ng mga babaeng nagfifi short! Haru juskooooo! Kung di nga ako minamalas oh! 

"Hindi ako bakla!!" sigaw ni Lulu na pilit na ginagawang pang-lalaki yung boses niya. "Manly ako! Manly!" sigaw niya ulit, mukhang siraulo. Inirapan ko nalang siya. "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH Ayoko na dito! Ano ba kasi tong ginagawa natin? Unanong pandak! ibang laro nalang!?" sigaw ko, reklamo ko. Hanep kasi yung iba kong kaklase hindi nagrereklamo palibhasa nakajackpot sa katabi nilang tao. Yung isa todo yakap sa mukhang kwagong katabi niya. Tsk, eh kung ako nasa sitwasyon niya edi nag-parape nalang ako! Yayakap pa? i-rape mo na! Dun din naman ang bagsak nun. Hahahahaha

"Oh sige, find a partner" sabi niya. Mouth open open! Anong partner? Wala naman akong kaibigan dito eh. Nganga lang ako habang yung iba todo higit sa mga lalaking gwapo dito sa klase namin. Mga malalandi! Naunahan ako, badtrip amp! Siyempre si Luhan nalang pinagtsagaan ko. "Crush mo ako, pinili mo ako eh." sabi niya sabay tawa ng malakas. "Wala lang akong choice!" sigaw ko sa kanya sabay pitik sa noo niya. Nakataas kasi yung bangs niya ngayon, inipit niya yung parang sa mga bata. Ang cute niya nga tingnan eh, pero mas maganda ako. 

"Anong gagawin?" sigaw ko, ako lang ang nagtatanong palagi. Ako lang estudyante? Jongina mga kaklase ko yan oh! "Bahala kayo sa buhay niyo. Basta sa partner niyo lang kayo makikipag-usap, daldalan, harutan, lambingan, jarjaran, halikan, sapakan!" sabi niya at umupo like a boss. 

"Anong jarjaran sinasabi ng unanong yun?" tanong ko. Eh kung isaksak ko kaya sa kanya yung baba ng isa ko pang classmate? Hindi ko kilala yun eh, basta alam ko ang mukha niya. Teka-- ahh! Ah! siya si Mang Ga. "Haaay, matutulog nalang ako. gisingin mo ako kapag tapos na tong p.e class natin ah" kinalabit ko si Lulu para naman pansinin niya ako. Busy kasi sa pagtali ng buhok niya. Salamat at itinali na din niya yun. Nakaka-overdose 'tong pawis ko. Ang lagkit ko, hanep yan oh. 

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now