10. Request // DeadlyFangirl

1.6K 24 11
                                    

Venice 

Nagdadalawang isip akong pumasok sa bahay namin. Ni isang hakbang papalapit sa pinto ay hindi ko magawa, uuwi pa ba ako? "Pahamak ka kasi.." sabi ko at itinaas ang papel na hawak ko. Kanina ko pa tong gustong lukutin, punitin at ilagay sa basurahan.. hindi pala! dapat kong sunugin na to eh. 

Ano pa bang magagawa ko? Kahit na hindi naman niya makita ang mga mabababang grades ko, galit pa din siya sakin. 

"HOY BATA KA! ANONG GINAGAWA MO JAN? PUMASOK KA NA DITO! MADAMI KA PANG LILINISIN. ANG KALAT KALAT MO TALAGA! WALA KA NA NGANG SILBI DITO TAPOS MAGKAKALAT KA PA." 

Walang tigil na sermon nanaman ang natikman ko ngayon. Anong lasa? Syempre hindi matamis. Sobrang pait, nakakasuka! Simula nang binuksan ko ang pinto wala ng tigil sa pagsisigaw si Mama. Parang bratatatata! yung bunganga niya. Minsan gusto ko ng takpan ang tenga ko eh. 

Pumasok na ako sa kwarto ko tapos tinitigan lang ang card ko. Ipapakita ko ba 'to o hindi? 

"VENICE! BINASAG MO NANAMAN YUNG VASE KO! HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KAMAHAL YUN HA? TAPOS SISIRAIN MO LANG. IKAW BATA KA! WALA KA TALGANG SILBI DITO EH!" Sigaw ni mama at wlang pahintulot na pumasok sa kwarto ko.

Kakauwi ko lang, ano nanaman ba ito? Ako nanaman? Wala naman akong kinalaman jan. Simula nang iwanan siya ni Papa, ako na lagi ang pinaglalabasan niya ng galit sa buhay. Minsan naiisip ko kung malas ba ako o ayaw niya lang talga sakin. Tsk.

"Lalabas lang po ako, Ma." sabi ko tapos lumabas na ng kwarto ko.

"Ano? MAGGAGALA KA NANAMAN? NAKU! IKAW NA BATA KA! WALA KA NA NGANG NAITUTULONG TAPOS MAGGAGALA KA PA JAN!" 

Napahawak ako sa ulo ko, "Lalabas lang ako, Ma. Lalabas lang. Magpapahangin lang po." paliwanag ko. Agad akong lumabas ng pinto tapos pumunta sa park dito sa village. Tuwing naiinis ako, lagi akong pumupunta dito. Wala namang kasing tao dito at isa pa, may secret place ako dito. 

Naglakad ako ng hindi masyado malayo para makapunta sa isang abandoned building. Syempre sa nakakatakot na itsura nito ay wala ng pumupunta dito, kaya naman dito ako nakakahanap ng peace.. "Bakit ba kasi ang bobo ko.." sabi ko habang nakatitig sa card ko. 

83..85? Hindi tumatanggap si Mama ng ganitong grade. Ang gusto niyang makuha ko ay 96 o 98 minsan nga pinupush niya ang 100. May ganon ba? Tao lang din naman ako, hindi naman ako kalahi nila Einstein para ma-achieve ang ganong kataas na grade. Hay ewan! 

Hindi ko na napigilang umiyak. Simula nang naghiwalay sila ni Papa ay nag-iba na din ang pakikitungo niya sakin.

"Nice.." rinig kong may bumanggit ng pangalan ko kasabay na din ang paghaplos niya sa likod ko. (Nice pronounced as Nis. = Venice)

"Umiiyak ka nanaman.." umupo siya sa tabi ko. "Nagpromise ka diba? Sabi mo di ka na iiyak."

"Bakit ka ba kasi nandito? Ayan tuloy nakita mo nanaman akong umiiyak."

"Eh narinig ko yung pag-iyak mo! Pasalamat ka nga di ako tumawag ng pari dito! Akala ko kanina may multo na!"

"Kai naman eh.." si Kai yung matagal ko ng kaibigan. PWEDENG PWEDE ANG BOY AND GIRL FRIENDSHIP.

"Pinapatawa lang kita. Eto naman! Tumigil ka na kakaiyak. Kung ayaw mong hambalusin kita ng bato." ngumiti siya, "Joke lang!"

Tumayo kaming dalawa, "Umuwi na nga tayo. Mag-gagabi na."

"Kai.." tawag ko sa kanya, "Pwede bang sumama muna ako sa'yo? Ayokong umuwi sa bahay eh"

Natahimik ang buong paligid.

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon