5. Request | Kathpop

1.9K 14 4
                                    

Kathryn's POV

Nakasalampak yung pagmumukha ko ngayon sa desk ko. Aish! Nakakainis talaga. Wala nang nangyaring maganda ngayong araw na 'to!

"Ma'am Kath may bisita po kayo.." sabu ng secretary ko. Bumuntong hininga ako at tiningnan siya, I rolled my eyes.

"Diba sabi ko wag mo 'kong istorbohin ngayon" cold na pagkakasabi ko at sinamaan siya ng tingin, napakamot naman siya ng ulo niya tapos tumingin sa labas ng pintuan.

"Ang kulit po kasi, kanina pa---" naputol ang pagsasalita niya nang may biglang pumasok sa pintuan ng office ko. Niluwa ng pintong 'yun si Dale. Napatayo nalang ako sa pagkakaupo ko.

"AISH! ALIS NGA! SABI KO SA'YO HINDI AKO PAGTATABUYAN NIYAN EH. TCH" sigaw ni Dale sa secretary ko. "UMALIS KA NA NGA DITO, JUSKO ANG SAKIT MO SA BANGS." nakita kong lumayas na yung secretary ko sa loob ng opisina ko.

"AHHH! DALE!" yinakap ko siya ng mahigpit. Bestfriend ko siya, isa din siyang baliw na babae katulad ko. Pero mas malala naman siya sa akin.

"Aish! Ano ba 'yang itsura mo Kath? Dinaig mo pa yung taong nasapak sa lalim ng eyebags mo! Eyebags ba 'yan? Abot na pati sa cheekbones mo! Hanep." sabi niya habang dinuduro-duro pa yung eyebags ko. Napayuko nalang ako tapos ginulo yung buhok ko. Hindi pa niya kasi alam yung nangyari kahapon..

"Eh sinong makakatulog ng maayos kung malalaman mo na ipapakasal ka sa hindi mo naman kilala! Tss. Nasiraan na ata ng bait sila mama" sabi ko habang nilagay ang palad ko sa noo ko at bumalik sa pagkakaupo ko kanina. Sumunod naman si Dale sa akin.

"Ano?" tanong niya habang nilalapag yung bag niyang pagkalaki-laki. Ewan ko ba sa babaeng yan kung bakit ba laging ang laki ng dalang bag? Akala mo naman palaging sasabak sa camping eh!

"Magpapasakal- este magpapakasal daw ako.. tsk" sabi ko habang nakasimangot. Napanga-nga naman siya, ayan nanaman siya! Magtatanong tapos tutulala lang na parang nakakita ng multo. Ewan ko ba kung may sakit sa utak ang babaeng 'to!

"Dale naman.." sabi ko, ilang minuto na ang nakalipas pero di pa din siya sumasagot. Nakatulala pa din siya!

"Ah! Ah!" inalog-alog niya yung ulo niya tapos tumingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Nilapat niya yung dalawa niyang kamay sa desk ko. "ANONG SABI MO? IKAKASAL KA? JUICE COLORED! ANG MALAS NAMAN NG LALAKING 'YUN..." umiling-uling pa siya.

"Dale!" sigaw ko, nagawa pa kasi akong laitin eh.

"Biro lang! Ano ka ba naman di ka na nasanay. Oh anong masama kung magpapakasal ka na? Gwapo naman siguro yung lalaking yun? May pandesal.." tumingin siya sa taas na patang nag-iimagine habang nakangiti na parang manyakis. "Tapos masarap. Gwapo! Maganda ang katawan. Mistiso...Hay Kath! Anong pinoproblema mo dun? Ah! Siguro di ka makatulog kakaisip sa... sa haba ng ano niya noh? Ano ka ba panigurado mahaba yun tapos mata---"

"Ano bang sinasabi mo!" binatukan ko siya dahil gumagana nanaman ang pagkaberde ng utak niya. Kakaiba talaga yung babaeng 'to kung mag-isip eh.

"Tama naman diba? Eh kanino ka ba ipapakasal?" tanong niya. Napayuko ako, ayoko maalala ang mukha ng lalaking yun! Mas malala pa ang mukha niya kaysa sa tae ng kalabaw. Tapos maganda katawan? Eh kung hindi ko nga alam na business man yun baka akalain ko pang holdaper o rapist eh!

"Oh jusko!" napaupo si Dale nang pinakita ko sa kanya yung picture. Ayan, masuka din siya. Baka hindi siya makatulog dahil sa nakakatakot na mukha ng lalaking yun. Aish!

"Nakakapangilabot diba? Aish... DALE! TULUNGAN MO AKO!!" tinakpan ko yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil naalala ko nanaman yung pagmumukha ng magiging asawa ko, ang laswa!

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now