7.1 request // Saranghae-

1.5K 11 1
                                    

Xyra's POV

Kung minamalas ka nga naman oh! Papasok ka na nga lang uulan pa! Tapos puputikan pa ng mga lintik na nagmomotor. Bakit ba ang malas ko? Hindi naman ako siguro ang reyna ng kamalasan diba? Dahil ibang-iba ako duon. Ngayong araw lang naman ako minalas eh. kasi araw-araw akong SOBRANG MALAS NA MALAS.

Akalain mo yun pagkagising mo palang makikita ko na ang sarili ko tapos maiisip ko nalang kung gaano ako kamalas dahil sa mukha ko.

"Tabi, panyo?" sabi ni Fried sa akin, kukunin ko na sana kaso binawi niya ulit. Pinagtritripan nanaman ata ako nito eh! Xyra ang pangalan ko pero tinatawag nila akong Tabi. Tabi daw, dahil Taba- tsk.

"Sige, wag na." sabi ko nalang.

"Kung ako sa'yo maligo ka muna bago ka pumasok kasi baka magkagulo sa classroom. Akalain may baboy! Hahahahahahaha" pang-iinis niya sa akin. Inikot ko nalang ang mata ko. ayan nanaman sila inaasar ako! Paki ba nila? Eh sa masyado akong healthy eh. atleast hindi katulad ng ibang mga babae jan na parang kaunting ihip mo lang ay tatangayin na dahil sa sobrang payat ng katawan. Hindi ba pinapakain ng mga magulang nila yan?

As a high school student, syempre nag-aaral ako ng mabuti lalo na graduating na ako. Siguro nga isip ng iba ay nerd ako pero parang hindi naman. Aba siyempre kahit lahat ng kamalasan na sa akin na...

"JUNGKOOK!!!" tili ng mga babae.

SIYEMPRE kasama ako sa tumili. Isa din naman akong taong humahanga sa kagwapuhan ng lalaking naglalakad sa hallway. Ang gwapo niya talaga, para siyang anghel. Sobrang bait ng mukha niya, pero ang sama niya tumingin! Nakakalagot ng hininga! Parang feeling ko pumapayat ako at nawawala ang mga pimples ko kapag napapatingin siya sa pwesto ko.

Matagal ko na siyang asawa sa isip ko pero ayun nga lang, hindi pa din magkatotoo. Kasi hindi ko nga siya magawang lapitan eh. Para kasing nakakahiya na lumapit sa isang Jeon jungkook na katulad niya eh. "XYRA KIM!!!!!!!!!"

"Ah! Yes sir?" tanong ko sa teacher ko, nandito na nga pala ako sa classroom namin pero nagiimagine pa din ako kay Jungkook.

"Pay attention on my class" tumango nalang ako. Nakikinig naman kasi ako eh! Kaso kalahati lang ng utak ko ang nakakaintindi ng sinasabi niya. Paano naman kasi napakadaldal?

+++

TAMANG-TAMA breaktime ngayon, araw din ngayon ng mga puso kung hindi niyo nalalaman. Ngayong araw na to ako magtatapat sa kanya. Sana matsempohan kong wala siyang kasama. Narinig kong nasa rooftop siya ngayon, kaya ito ako inaakyat ang mataas na lugar na iyon. Hanggang ngayon hiyang-hiya pa din ako. Pero may gagawin ako na para kunwari hindi niya mahalata ito.

Kitang-kita ko yung sexy niyang katawan na nakatalikod sa akin. Napangiti ako tapos umubo-ubo. Action!

"HOOOY! EHEM EHEM IKAWW AHHH... AISHH. SHABI NA NGA BA NANDITO KA EH" pagewang-gewang pa ako ng lakad habang papalapit sa kanya. Kunwari ay lasing ako para mawala ang hiya ko. ganon din ang iisipin niya eh. Atleast pagnabasted ako okay lang, lasing naman daw ako eh.

"Huh?" tanong ni Jungkook habang nakatitig sa akin. Jusko! Gusto kong tumalon sa kilig pero magcoconfess pa ko eh. Kaya steady lang muna! Control your ovaries Xyra!

"SHABI KO IKAW.. IKAW JUNGKOOK ALAM KO BA *HIK* HAHAHA ANO EH CRUSH- AY HINDI PLAAA LOVE KITA EH. INLOVE AKO SHAYO LAM MO YUN?" sabi ko na parang lasing na lasing. Nakita ko naman ang pagngiti niya kaya para akong nabingi sa ngiit niya. Ewan!

Lumapit siya sa akin kaya lumapit na din ako. Is this the time? na sasabihin niya na 'Oo xyra, mahal din kita. will you marry me?" Pwede palang mangyari sa totoong buhay yung sa mga palabas! Wow naman! Aba naks naks!

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now