8. Request // YeolsingQueen

1.6K 12 6
                                    

ALEX CHON

"Pakiabot naman ako Jimin please!" pakiusap ko dahil nalaglag yung isang gift na bigay ng fan kay V. Bakit ba kasi ang daming nagbibigay ng regalo sa alien na yun?

"Oh" sabi ni Jimin tapos inabot sa akin.

"Thank you." sabi ko.

"Thank you, tss. May kiss 'yan dapat.'' kung hindi lang malandi ang lahat ng cells ko sa katawan. Hindi dapat ako papayag sa kanya pero nai-push ng muscles niya eh.

Hahalikan ko na sana siya sa cheeks nang biglang sumigaw yung alien kong amo. Amo talaga? To clear this up, hindi ako yaya. Nyemas yan.

"JIMIN. GAGO KANINA KA PA TINATAWAG NI HANNAH. PAPUNTA NA NGA SIYA DITO" napaayos naman ng tayo si Jimin dahil sa sinigaw ni V. Si Hannah yung girlfriend ni Jimin. At under siya sa girlfriend niya!

"Lalandi pa eh." sabi sa akin ni V. I rolled my eyes.

"Excuse me, kung mayroon mang nanglalandi dito sigurado akong ikaw yun V" sabi ko. Close na close na kami kaya okay lang na barahin ko siya.

"Tsk. Tara na nga" bigla niya akong binuhat. Nyemas! Yung mga regalo niya nasa mukha ko na ngayon. Para kaming bagong kasal, pero please lang. Wag naman sana mangyari yuon.

"Ang bigat mo nanaman. Kumain ka ba ng black noodle soup kanina?" tanong niya, I nodded. Hihi! Favorite ko kasi yun eh.

Dumiretso na kami sa kotse niya. May sari-sariling dorm ang BTS ngayon. ewan ko ba sa kanila, masyadong mayaman eh. Ayaw din nilang magkakasama. Wala daw freedom? Ano bang klaseng freedom ang gusto nilang makuha?

"Neo tteme neomu apa!" kanta ni V habang pumasok sa kwarto niya. Baliw talaga 'yun.

"V! Alis na ako" paalam ko sa kanya. Hello, kahit p.a niya ako never akong nagstay dito sa dorm niya. Hindi kasi comfortable sakin na may kasama akong lalaki. Lalaking gwapo to be exact.

"Ha?" binuksan niya ng kaunti ang pinto tapos sinilip ako. Tss, isip bata. "May sinasabi ka?" pinapaandarannanaman ako ng mga pagpapacute niya. Hindi niya ba alam na walang epekto sakin yan?

"Aalis na ako." ulit ko.

"Dito ka nalang matulog." offer niya sakin. I rolled my eyes, masyasdong makulit talaga tong bata na to.

"Ayoko nga. Gusto kong matulog ng maayos. sa lakas ng hilik mo baka bangungutin pa ako! Aish! Aalis na ako. Bahala ka na jan" paalam ko sa kanya.

Dumiretso na ako sa pinto nang bigla niya akong tinawag.

"Ano?" tanong ko.

"Goodbye kiss?" tanong niya sakin tapos ngumuso pa.

"Manigas ka jan!" bigla niyang binuksan ng wagas ung pinto ng kwarto niya tapos umupo sa sahig na parang bata. Alien talaga to!

"Bakit si Jimin meron! Ako wala! Ang daya mo naman Alex!" pagtatampo niya sa akin.

Binalikan ko siya tapos umupo din ako sa sahig para halikan siya sa pisngi. Mukha kasing kawawa! Goodbye kiss lang naman eh. Namuhay nanaman ang malalanding cells ng katawan ko.

"Sa lips." he begged.

"Taehyung.." saway ko sa kanya.

"Please? Please? Please?" pilit niya sa akin habang nakapout.

"Wag ka ngang makulit. 19 years old ka na, hindi ka na bata" saway ko na parang nanay tapos tumayo na at umalis. Hindi ako tinatablan ng mga pa-cute mo V.

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now