9. Request // NinjaDoo

1.5K 15 4
                                    

JANINE

"Dalian mo naman jan! Ang tagal tagal mong mag-ayos hindi ka naman pretty!'' sigaw ng kaibigan ko habang ginagawang punching bag ang pintuan sa cr. Lintek na babae 'to eh. Hindi makapaghintay, hindi daw ako pretty? Eh ano? Atleast.. Yummy! Kahit na Chubby!

"Saglit lang." malumanay na sabi ko. Ang mga dyosa, hindi mabunganga.Tingnan niyo yung kaibigan ko, parang taong palengke!

Lumabas na ako ng cr para magshopping kami. wala naman sa vocabulary ko ang pagshoshopping, niyaya lang ako ni Pink para samahan siya.

"Shet.." mura niya.

"Bakit mo ko minumura? Anong ginagawa ko sa'yo?' tanong ko.

"Feeler. Di ka naman pretty." sabay irap ni Pink sa akin, "Gaga! Heaven is approaching us" kilig na sabi niya habang tumitirik ang mga mata. Jusko katakot! Horror na ituu.

Lumingon ako at nakita si Kai na naglalakad. Heaven? Heaven?

"Aba, makulimlim ngayon ah." sabi ko habang nakatingin sa sinabi ni Pink na heaven. Bakit ba niya tinawag yung lalaking to na heaven?

"Heaven is approaching. Landi cells are activating. My ovaries are exploding." sabi ni Pink habang nakakapit sa bag niya. Well, yummy naman tong si Kai pero hindi ko masyadong gusto. Hindi ako mahilig sa dark chocolate!

Biglang lumitaw ang taong baba.

Nope, hindi siya si Kris Wu Yi Fan.

"Yehet!" sigaw niya sabay akbay kay Kai.

"Ohorat!" sagot naman ni Kai. Napailing naman ako. Mukhang mga timang.

"Tara na kaya." aya ko kay Pink. Sinimangutan niya lang ako.

"Hoy alam mo tigil-tigilan mo ako sa pagpapakalosyang mo ah. Gusto mo idonate ko yung landi cells ko sayo? Kasi yung akin overflowing na pero yung iyo waley! Absent si atey!"

"Malandi din ako no. Pero mas malandi ka." sagot ko para manahimik na siya.

"Boom Panes" dagdag ko pa.

"Boom panes yang baduy mong outfit! Ano ka aatend ng binyag?" sagot niya sakin tapos tiningnan ako mula ula hanggang paa. While judging so hard! Ang sama niya talaga. Jeez.

"Uy! May party pala yung classmate natin bukas!" masaya niyang sabi. party? tsk.

"Da who?"

"Sum Ting Wong" sagot niya. napakunot ang noo ko. Anong mali? Damit ko?

"Yung chinese nating classmate Gaga!" sigaw niya. Napatango nalang ako. "Bibilhan kita ng damit para bukas ha! Para naman magmukha kang tao"

=======

Kanina ko pa tinititigan yung damit na binili ni Pink para sa akin. Hindi ba masyadong revealing ata to? Isa siyang dress na hanggang tuhod lang tapos fitted. hindi ako nagsusuot ng fitted! Tangina, yung taba ko!

May three layers ako sa tyan ko. Punyeta.

"Hay bahala na si Batman! Superman! Iron man!" sabi ko tapos sinuot na iyon. Agad akong lumabas ng bahay para maghanap ng taxi. epal kasi ni Pink hindi manlang ako sasabayan! May kasama daw siyang date. So ano ako mamaya? Na-op na ako niyan.

Matagal tagal akong palakad lakad dito para makahanap ng taxi. Bihira kasi ang taxi sa village namin.

"AHHH!" napasigaw ako nang biglang may humatak sa kamay ko. Mabilis ang pangyayari, kanina nasa van lang sila pero ngayon nadakip na nila ako at naisama sa loob ng van.

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now