13.1 Awresheeya143// Kim Jongin Kai

1.6K 10 1
                                    

Auricia's POV

"Pick a partner. Okay, Auricia partner mo si Kai. Ikaw naman Hannah kayo partner ni Chanyeol, goodluck naman kay chanyeol at hannah diba" sabi ng teacher namin sa dance class. Pick a partner daw eh hindi naman kami pinapili! Joke time?

"Bhe, pinagpala ka talaga ano? Kai pa talaga na sayo. Palakang to!" Sabi ni Griny. Yung bakla kong kaklase! Inggeterang bakla yown eh.

Wala akong ibang nagawa kundi lumapit kay Kai. Eh go to your partners daw at pipili ng genre ng sayaw.

"Hiphop sa inyo Kirsta!"

"Hala! Sobrang uber uber sexy dance with topless for boys yung atin Chanyeol! Hala maghuhubad ka. Hoo! Yes naman oy!' Sigaw ni Hannah. Lahat kami napatingin sa kanya pero joke lang kasi si Chanyeol lang yun. Hinalikan siya nito sa leeg. Sus lande! Walang forever!

"BOOM INGGIT!" sigaw ng mga lalaki sa mga panget na babae dito.

"Sexy dance din satin" anunsyo ni Kai kaya napatumbling ako tapos gumulong gulong sa sahig at sumayaw ng touch my body. Pero syempre joke lang un!

"Bukas niyo ipeperform yan" sabi ni mam tapos umalis na. Hala hayop! Shemay gulamay naman talaga naman oh! Hindi ako dancer.

"Lets have lunch together." Sabi ni Kai kaya napanganga nalang ako. Anong lunch together? "My treat, sa resto malapit sa school. Tara na" he said.

"Eh may klase pa ah?' Tanong ko. He tsked, lah! Ano yon?

"Edi cutting class. Tanga naman neto, tara na o bubuhatin pa kita." Sabi niya sakin tapos hinila ako paalis. Syempre sumunod na ako, di ako magpapabuhat dahil agaw attention yun sa buong Pilipinas. Akalain mo, isang uling nagbuhat ng tao! Boom asteg diba?

"Hoy teka, dun yung gate oh. Bakit jan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya dahil dirediretso siya sa madilim na part ng school. Di naman ganon kadiliman, kita ko pa si Kai eh. Hindi lang madalas dinadaanan ang lugar na yun. Ang creepy kasi!

"Magcucutting class ka ng harap-harapan sa principal? Ge, ikaw nalang basta dito ako." sabi niya kaya narealise ko na nandun nga pala ang principal namin sa gate palagi para wala raw makatakas. Aba hard working principal daw siya eh. Pangarap din ata niyang maging guard eh.

"Sabi ko nga jan tayo dadaan." Sumama na ako sa kanya. Nagulat nalang ako nang bigla siyang umakyat sa medjo mataas na pader. Nagala-spider nasunog man siya duon.

"Nakapalda ako. Pano ako aakyat jan? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Kaya naman nilingon niya ako, yung pang commercial na lingon. Sabay to the left to the right kahit very very short hair siya.

"Edi tanggalin mo palda mo." Sabi niya sakin tapos biglang tumalon at boom! Wala na siya. Iniwan ako!

Huhubarin ko palda ko? Baka may makakita ng panty ko kapag umakyat ako. Pero kapag tinanggal ko palda ko, di na sila mahihirapang silipan ako. Ano kayang gagawin ko?

"Lakad ka sa kanan mo. May daanan pa dun" sigaw niya kaya sumunod ako.

Yun naman pala eh, may fence dito. Fence ba tawag nito? Di mataas kaso tusok tusuk pero di gaano nakakatusok. Kaya umupo muna ako dun.

Nagulat ako nang makita kong nasa baba ko lang pala si Kai at nakatingala. "hoy umalis ka nga jan!"

"Sasaluhin kita." Sabi niya.

"Saluhin mo mukha mo! Kaya ko na to." Sigaw ko sabay talon.

*crkkk*

Okay naman akong naglanding sa lupa habang nakatayo. Kaso ano ba yung tumunog? May umutot?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon