4. Request | ZheyAnjelaPark

2K 17 3
                                    

Zhey's POV

"Baozi ko!" kanina pa yan si Xiumin, ang ingay ingay talaga! Kanina pa ako tinatawag antok na antok na ako. Hindi ko alam kung anong problema niya, daig pa ang batang nagiinarte. Nagtalukbong ako ng kumot ko habang nakahiga sa kama.

Naramdaman ko ang pagtalon niya sa kama, dahil sa malakas na yanig nito. Balak niya atang sirain yung kama ko? Nasa bahay ko siya ngayon. "Baby!" niyuyugyog pa niya yung balikat ko. Ang lakas magtawag ng baby, eh siya tong mukhang bata. Nagmumukha nga akong kulobot na matanda kapag kasama siya. "Hmmm" sagot ko nalang. Ang kulit eh, inaantok ako?

"Hmp! Zhey!" tawag niya ulit sa akin tapos humiga sa tabi ko, hinihila niya pa yung kumot ko habang patuloy yung pagtawag niya sakin. "Im sleepy. Ang gulo mo Xiumin" sabi ko sa kanya. Dinantayan niya ako ng isang paa niya tapos nilagay yung braso niya sa bewang ko tsaka siniksik yung mukha niya sa leeg ko kahit may kumot na nakatalukbong sa akin.

"Zhey baby ko~" bulong niya sa akin. Tinanggal ko bigla yung kumot ko. "Ah! Aray ko naman yung labi ko!" reklamo niya habang hinawakan yung lips niya. ang cute! Arghhh! Ang sarap kagatin talaga. "Sorry." sabi ko. Umikot ako paharap sa kanya, niyakap niya ako ulit ng mahigpit.

"Zhey, masakit yung lips ko" sabi niya habang nakayakap sa akin. "Sorry na nga--" sabi ko tapos nagpout siya, anong kaartehan nanaman to Kim Minseok ha? "Ang shakit yung lipsss ko baby tinamaan mo eh" ulit niya pa habang nagpapaawa. Nakapout siya tapos nagpapacute.

"Ang manhid naman neto!" reklamo niya sakin tapos sumimangot. Bakit lahat ng gawin niya ang cute niyang tingnan? Hindi ba maaalis ang kakyutan niya? "Ano ba yun? Nag-sorry na ako" sagot ko sa kanya.

"Kiss me." utos niya, oo! sinabi niya yun sa tonong nang-uutos. Nilapit niya yung mukha niya sa akin. "Malandi ka" sabi ko bago siya i-kiss. Pinisil pa niya yung cheeks ko tapos nagpa-cute sa harapan ko. Hindi ko alam kung nagpapacute ba siya or sadyang ang cute niya lang tingnan?

"Zhey zhey zhey" tawag niya ulit sa akin. Hindi na kasi ako nakaharap sa kanya. Nakatihaya lang ako tapos nakapikit, hindi ko alam kung bakit antok na antok ako samantalang 10pm palang naman. sanay ako ng 12 or 1 na natutulog eh. ''Anong araw ba ngayon?" tanong niya. I glanced at him, "Ahmm.." nag-isip pa ako. Hindi naman ako tumitingin sa kalendaryo.

"Friday.." sabi ko tapos pumikit nalang ulit. Nanahimik siya bigla, tapos nag-ayos ata siya ng higa kasi umalog yung kama. Nagpatuloy nalang ako sa pagtulog ko pero di pa ako makatulog, ewan ko kung bakit. Antok na antok naman ako!

Lumingon ako sa kanya at nakita siyang nakatitig lang sa kisame. Umikot ako ng higa patalikod sa kanya, dito kasi ako komportable na pwesto eh. "Aish! Nakakainis ka naman!" rinig kong reklamo ni xiumin. Ano daw? Nakakainis ako? Kumunot yung noo ko tapos tiningnan ko siya na nakacross arms at magkasalubong ang kilay habang parang umuusok ang tenga. Anong problema nito?

"Bakit?" tanong ko, minsan talaga ang labo ni Xiumin eh. Mas magulo pa siya sa babae! Inirapan niya lang ako tapos hindi na ako uli tiningnan. Aba, nagsusungit? "At kailan ka pa naging masungit, ha?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya tapos umirap ulit. Pigilan niyo ako! Susundutin ko yung singkit nitong mata! "Nakakainis ka Zhey." ngumuso pa siya tapos sumimangot nanaman. Nagsasalubong nanaman yung mga kilay nitong bilog na 'to eh! Bigla siyang nagwalk-out. Hindi ko siya talaga ma-gets! Ginulo ko nalang ang buhok ko este yung bangs lang pala. Nawala tuloy yung antok ko!

"Umin!!!" tawag ko sa kanya. Napahawak nalang ako sa bibig ko, gabi na pala baka magising sila mama dahil sa sigaw ko. Nakita ko siya nakaupo lang sa may upuan, malamang! Nilapitan ko siya dun para kausapin, nagtatampo ata. "Ano bang kinakagalit mo?" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa orasan tapos bumuntong hininga nanaman at muling pinaikot yung mata niya.

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon