2. Request | svmmersolstice

2.6K 21 4
                                    

2. Request:

UN: Svmmersolstice

Bias: KIM MYUNGSOO

Audrey's POV

Nasa party kami ngayon, sa bahay ng kaibigan ko. Nakakabadtrip lang talaga, hindi ko inaasahan na hanggang dito ba naman mag-aaway kami.

"Audrey kanina ka pa jan inom ng inom" sabi sakin ni Jane, kaibigan ko din. Nakakainis kasi eh! Alam kong nabadtrip sakin si Myungsoo pero tama ba namang huwag niya kong pansinin ng dalawang oras! Pakiramdam ko mababaliw na ako dito eh. Para akong elementary student na tingin ng tingin lang sa crush niya, ang masama naman kasi hindi ko crush si Myungsoo. Boyfriend ko siya! Nakakainis talaga.

"Hindi naman ako malalasing sa juice. Tangina kasi ano bang mali sa suot ko?" tanong ko sa kanya tapos sinabunutan ang sarili ko.Aish! Oo yun ang pinag-awayan namin. gusto pa nga niya akong pauwiin dahil sa suot ko. Nakasuot kasi ako ng maikling short tapos manipis na sando, alam ko masyadong revealing pero.. hello? pool party 'to. Ano bang gusto niya? nakapajamas ako? o baka naman gusto niya akong magjacket? Summer pa ngayon.

Hindi ko siya maintindihan eh. Daig pa niya ang babaeng meron dahil sa mood swings.

"Baka ayaw ka lang niya mabastos? Alam mo naman yang si Myung eh. Tinalo pa ang tatay mo sa pagpro-protekta sa'yo" sabi ni Jane tapos dumating naman si Hoya. Naghalikan pa sila sa tapat ko. Nakakainis! "Ugh! Get a room!" sabi ko sabay paikot ng inuupuan kom Narinig kong tinawanan lang nila ako. I just rolled my eyes.

''What!" sigaw ko tapos napatayo. Eh anong ginagawa kasi ni Myungsoo? Sabi ng wag siyang iinom kasi magd-drive pa siya eh! Dito lang naman ako mahigpit sa kanya, ayoko na nakakainom siya ng alak. Madali kasi siyang malasing. "Aish!!" inagaw ko yung basong hawak niya na iinomin pa lang niya. Ayoko talagang umiinom siya pag magkasama kami. Tinapunan niya ako ng malamig na titig. Galit pa talaga siya sakin?

"Whoow~ ow-- Jane kalma!" sigaw sakin ni Namu at pinaupo ako sa tabi ni Myungsoo. Umupo nalang ako. Ano ba pang magagawa ko? "Hindi na baby si Myungsoo. Painomin mo na" pagpipilit nila sakin. I just rolled my eyes. "Kahit gurang na yan hindi pa din pwede! Magd-drive pa yan mamaya." sigaw ko. I heard him sighed. "Buti sana kung marunong yang mag-control sa sarili niya" dagdag ko pa.

"Tch" sabi ni Myungsoo habang nakatingin pa din sa damit ko. Oh? may balak ba siyang sigawan ako dahil sa damit ko? "Excuse us" sabi ni Myungsoo sabay hatak sa akin. Pumunta kami sa lugar na wala masyadong tao. Sinasabi na nga ba, mag-aaway nanaman kami dito. Ano bang bago? Lagi naman siya may reklamo sakin eh. Nakakainis!

"Myung-" sambit ko habang hinihingal dahil sa pagkakaladkad niya sa akin kanina. "Myungsoo alam mo kung mag-aaway lang tayo uuwi na lang ako, ok?" sabi ko.

"No. You will stay here with me." sinandal niya ako sa pader. "Ano ba kasing mahirap sa sinasabi ko sayong magdamit ka ng tama?" naiinis na sabi niya sa akin.

"Damit ko nanaman! Myungsoo naman oh!" sagot ko sa kanya. "Tingnan mo nga yung damit mo! Nagdamit ka pa?" sakrastikong sabi niya sa akin.

"Ano bang masama?--- ikaw nga 'tong may balak nanamang maglasing eh! Tch, tapos tingin ka pa kanina ng tingin sa mga babae dito na naka-2 piece lang! Ang lagkit lagkit ng tingin mo. Kung may problema dito, ikaw yun!" inis kong sagot. Nakakunot na ang noo niya. He is breathing heavily habang nakapako ang mga tingin niya sa ibang lugar. "Face me Myung! Tangina lagi nalang tayo nag-aaway?" bwisit na bwisit kong sabi. Lagi nalang gusto ko ng tapusin minsan ang relasyon namin eh. Parang wala din naman eh? Kung hindi siya cold sa akin, mainit naman ang ulo tapos papagalitan ako sa mga ginagawa ko. Hindi ko maintindihan kung over protective ba siya o sadyang oa lang?

HanYeol REQUEST / ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now