Chapter 2: Ayoko na.

32 1 0
                                    


Ayoko na.

May mga taong dumadating at hindi mapipigilan na may tao ring umaalis. Its part of our life. Na kahit kailan di natin mapipigilan ang tao na magsawa. Di natin sila madidiktahan kung ano man ang kanilang magiging desisyon.

You're my once upon a time, but I guess I'm not your happily-ever-after. Yes, in the first place they can easily say that they're not gonna hurt us. Masasabi nilang magiging matatatag ang inyong relasyon. Na kahit anong problemang dumaan ay malalampasan niyo ito basta't magkasama kayo sa anumang oras. You're such a stupid to swallow those things. Every man in this world has there own conclusion. We cannot predict every little things in their life.

"Hey, you okay?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. Ramdam ko ang lambing at pag-aalala sa kanyang boses. Ito ang taong hindi ko kailanman kayang talikuran. He's always here every single damn time in my life. The man I love. The man who makes my world complete. The man who makes me cry but at the same time makes me happy.

Napasinghap ako sa kanyang pagtingin.

"Is it about Te-rr--ence?" Nakita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon nang sabihin niya ang pangalan ng lalaking minsan na akong tinalikuran.

"He want me back," while directly looking at his eyes.

"Do you still love him?" May halong bigo ang kanyang boses habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Nandito na naman siya sa pagiging seryoso niya. Ayoko talaga kapag seryoso siya, I feel like hurting when I see his sad side. Nakikita ko sa mga mata niya ang tunay niyang nararamdaman. I want his normal act that he usually tease me in such things. I want him to be aggressive.

Hinintay niya ang aking pagsagot. Napaawang ang aking bibig. Wala akong masagot. Oo. Dahil mismo sa sarili ko hindi ko alam ang kasagutan sa tanong na yun.

Nang nawalan niya siya ng pag-asang sasagot ako ay biglang iniwas niya ang kanyang tingin.

Hinawakan ko ang kamay niya. Bigla siyang napatingin kasabay ng pag-awang ng labi niya. The next thing I know hawak hawak ko na ang batok niya nang mariin at marahan siyang hinahalikan. Sinuklian niya ang aking malalim na halik.

Gumapang ang ilang daliri niya sa aking likod. Hinayaan ko siya. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong nababaliw sa ginagawa niya. Hanggang sa maramdaman ko ang nakakakiliting halik niya sa aking leeg.

"Green..." Hindi ko alam kung bakit pag-ungol ang ginawa ko sa halip ay dapat pinigilan ko siya.

"Hmm?"

May naramdaman akong napunit sa damit ko kaya napamulat ako at tumigil.

"Oh shit!" Hindi ko alam kung matataranta ako o ano.

Kumawala siya sa akin. Naramdaman ko ang pagbuga niya ng hininga habang tinatanggal ang jacket na suot niya.

"No need," pag-iling ko.

"I insist, that's my fault...kung bakit napunit ang damit mo." Ramdam ko ang lambing sa kanyang pagsasalita. Tumango na lang ako sa kanyang sinabi.

Pinagmamasdan ko siya habang sinusuot niya sakin ang kanyang jacket. Nagkaroon ng ngiti sa aking mga labi. Ayokong isipin niya na mahal ko pa si Terrence. Pakiramdam ko parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita ko na nagkakaganito siya. I don't want to go back in the past. That's very long time ago.Hindi ko man kayang sagutin ang tanong niya pero alam ko sa sarili ko na darating ang panahon na masasabi ko sa kanya na siya ang mahal ko. Yes I like him but that's not enough to take advantage to the both of us.

"Let's go?" Tumayo na siya sa kinauupuan namin dito sa loob ng dance studio. Kitang kita ko ang repleksyon naming dalawa sa salamin na nasa harapan. Hindi ako tumayo at nanatiling nakaupo habang nakatingala sa kanya na nagpakunot sa kanyang noo.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now