Chapter 8: Joke

9 1 3
                                    

Green's POV

Pilitin man natin ang mga bagay na nakatakda nang mangyari ngunit ayaw natin ay wala tayong magagawa kundi tanggapin ito. I don't have any choice but obey, especially if it's my parents.

Habang nagdidiscuss ang professor namin ay wala akong ibang iniisip kundi ang sinabi sa akin ng magulang ko kagabi. It's distracting me since last night after they told me that. But I didn't let Heather to perceive to my demeanor last minutes ago.

"See you tomorrow," paalam ko kay Heather habang siya ay kumakaway at sinimulan ko nang paandarin ang kotse ko.

I can't believe how pretentious I am. But I think there is no reason to be indifferent. This whole day, I spend with Heather. Pinupunan ang mga araw na hundi ko siya nakausap. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pagdating sa kanya pero sigurado akong espesiyal siya para sa akin. Maybe because she's my friend. Maybe because she's different from the girls I met before. I fell in love before, pero bakit parang iba ang nararamdaman ko kay Heather. I fell like I can't reach her. Samantalang ang lapit lapit na niya sa akin. Siguro nga dahil magkaibigan kami kaya hindi ko gusto na may kasama siyang iba. Lalong lalo na kapag lalaki. Pakiramdam ko malalayo ang loob niya sa akin kapag may nahanap na siyang mapagkakatiwalaan niya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para manatili siya. Para hindi siya lumayo at mawalan ng tiwala sa akin. Dahil alam ko na minsan na siyang nasaktan. And the thought of hurting her, makes me hurt a lot.

Nagulat ako nang nadatnan ko sa bahay si Laureen na kasamang nakikipag-dinner sa parents ko.

My mom and dad turn to me when they heard my trudge. Laureen remained straight while talking to my mom.

"Oh Green anak, nandyan ka na pala. Where have you been? Kanina ka pa namin hinihintay. Come here, sumabay ka na sa aming kumain," malumanay na sambit ni Mama habang nilalahad ang kalapit na upuan niya.

"No thanks, I already eat," I coldly said. I kiss her in cheek. Nagmano naman ako kay Papa. Lumapit si Laureen sa akin at ginawa rin niya ang ginawa ko kay Mama. Like the usual.

"Son..." may bantang saad ni Papa na may kasamang marahang tango.

Bumuntong hininga na lang ako at umupo na sa tabi ni Mama. Katapat ko si Laureen at nasa gitnang upuan naman si Papa.

"How's your day anak? Maaga daw kayong pinauwi ah. San ka nanggaling?" sambit ni Mama habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko. Tiningnan ko si Laureen at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Nang nakitang tumingin ako ay ngumiti siya.

"Kina Heather," tipid kong sagot at nakita kong uminom ng tubig si Laureen.

"Ah by the way, kamusta na si Heather? Hindi na siya nabibisita dito ah. And Sammy?" tanong ni Mama at nagsimula na ulit siyang kumain.

Kilalang kilala ng parents ko si Heather at Sammy dahil madalas silang nandito sa bahay para sa activities o kaya naman nagbobonding through dancing. Hindi na nga lang ulit kami nagkasama-sama simula noong dumating si Terrence. I don't know why, and at the same I don't want to know. Kanina lang ulit kami nagkasama nang matagal ni Heather.

Bumaling ako kay Mama.

"They're all fine, Ma, naging busy lang nitong mga nakaraang araw," sagot ko at sinimulan ko nang sumubo kahit ang totoo ay busog pa talaga ako.

Tumango si Mama at may inutusan siyang kasambahay na pinapunta sa kusina.

"Uhh...anyways Tita, okay lang naman po kahit pagkagraduate na lang ni Green, hindi naman po kami nagmamadali," ngiting saad ni Laureen habang kausap si Mama.

Kumunot ang noo ko at napatingin sa parents ko. Si Mama ay patango-tango lang at si Papa naman ay patuloy lang sa pagkain na parang normal lang ang pinag-uusapan ng dalawa.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 05, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Secret Love SongTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang