Chapter 7: Smile

6 0 1
                                    

Heather's POV

Maybe girls are so emotional but they always have their own reasons. They can't predict what we are thinking. Though I am emotional, they can't tell that I am vulnerable through such things. Maybe yes, but I do not let others to relent myself.

"I'm sorry," marahang sabi ni Green habang kami'y pauwi na sa bahay.

I know what his sorry for but it's not a big deal for me. Wala akong magandang rason para magalit sa kanya. Hindi man niya sinabi sa akin ang tungkol sa ex niya ay labas na ako doon. Oo magkaibigan kami pero hindi ako yung kaibigan na magpipilit sa kanya ng mga bagay na ayaw niyang ibahagi sa akin.

Pagkatapos ipakilala kung sino ang trainer namin ay pinaalis na kaming lahat dahil may importanteng aasikasuhin ang aming manager. And of course kasama doon si Laureen dahil siya ay parte na ng aming grupo. Siya ay magiging boss namin. Napalunok ako. What the hell.

Si Terrence naman ay hindi ko na naabutan dahil umalis kaagad siya. Nagtext naman si Sammy sa akin na mauuna na daw siya dahil may aasikasuhin lang daw.

Noong sinabi sa akin ni Sammy na si Laureen ay ex ni Green ay inaamin ko na nalungkot ako. Parang nanliit ako bigla sa sarili ko. Gusto ko sa kanyang magalit kasi lahat naman ng problema at istorya ko ay sinasabi ko sa kanya pero hindi man lang niya nabanggit sa akin ang tungkol sa nakaraan niya. Pero mas lalong naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya natatanong ng tungkol sa kanyang sarili. Parang siya na lang palagi ang nag-aalala sa akin. Siya yung laging nandiyan kapag kailangan ko ng kaibigan. Pero ako ay wala man lang naiambag sa kanya. Hindi ko man lang tinatanong kung may problema ba siya o ano. I fell so guilty that I should care for him at least.

"For what?" sabi ko nang nakangiti habang nakatingin sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada.

Bumaling siya sa akin saglit at bumuntong hininga.

"You know what, Laureen is pretty. I wonder why you two end it," I said while smiling, put aside the bitterness of mine.

Itinigil na niya ang kanyang kotse sa harap ng bahay namin pero hindi ako gumalaw.

"She's ideal girl ng mga kalalakihan. Lahat siguro ng lalaki, sa katulad niya magkakagusto. Beautiful, mature, I think she's kind and of course professional in dancing and---"

Nagulat ako nang humilig siya sa akin at tinukod ang kamay sa tabi ng hita ko.

He smirked.

"Yes, you're right. But I'm sorry, I'm not the one anymore of the boys you are talking about..." pabulong niyang sinabi habang ako ay tulala lang na nakatingin sa kanya.

"Uhh..." What the hell!

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa lalaking ito!

Umayos na siya ng kanyang upo at tsaka ko pa lang napagtanto na kanina pa pala ako hindi humihinga dahil sa lapit niya.

Lumabas na siya sa kotse at ako naman ay naiwan sa loob na tulala. Bumalik lang ang diwa ko nang binuksan niya ang pinto kung nasaan ako.

"Uhm...thank you," nahihiya kong sambit sa kanya pagkatapos niyang isara ang pinto sa likod ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito e samantalang dati naman ay nakikisakay ako sa mga kalokohan niya. Sa tuwing inaasar niya ako at inaasar ko siya ay sa huli ako lang din ang matatalo.

Binuksan ko na ang gate ng bahay namin at naglakad na kasama siya.

"Heather Allure Mattingly, huwag ka masyadong seryoso, lalo kang gumaganda," maligaya niyang sambit pagkatapos ilagay ang braso sa balikat ko.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now