Chapter 5: Miss

12 1 0
                                    

Miss

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Maging masaya dahil walang ibang nangyari. O maging malungkot dahil walang nangyari. Ni hindi man lang ako inimikan ni Green pagkatapos niyang iniwas ang tingin sa akin. I find it so different. Hindi ako sanay na hindi siya umiimik sa akin.

Hindi naman kami napagalitan dahil mismong boss namin ay huli na nang dumating dahil may pinuntahan pa daw siya.

Umupo na ako pagkatapos ng mahaba at mabilis na sayaw.

May gaganaping event sa Cebu at naimbitahan ang school namin ng representative na performance para doon. Hindi ko alam kung anong event iyon dahil hindi ako masyado nakinig sa meeting kahapon pero ang alam ko ay labanan iyon. Hindi na ako nagulat pa dahil madalas sumali ang grupo sa mga event na katulad noon. Sanay na rin ako na lumalaban kami at madalas pang manalo. Pero minsan natatalo rin kami dahil marami lang talagang magagaling na dancers sa Pilipinas.

Terrence and I are both fond of dancing since high school. Well, ako ay simula pa lang noong elementary pero hanggang pagsayaw sayaw lang iyon ng kung anong mahiligan. Noong high school ko lang siya nakilala at magkaklase kami hanggang gumraduate. At mas lalong umangat ang hilig ko sa pagsasayaw dahil siya ang nag impluwensya sa aking sumali sa kung ano anong event. We've fall to each other and then he court me when we're in 2nd year high school. Sinagot ko din agad siya dahil pareho lang kami ng nararamdaman.

Terrence is a good man to me. Wala siyang ginawang ikapapahamak ko. Lahat ginagawa niya maparamdam lang sa akin na importante ako sa kanya at hindi sasaktan. Not until he told me one day that he and his family were leaving for New York. He just told me that he have something important to do. Na babalik din daw agad siya. Isang linggo kaming may komunikasyong dalawa pero makalipas lamang iyon ay hindi na siya nagparamdam. I'm trying to convince myself na babalik din siya at naging busy lang talaga siya sa mga ginagawa pero lumipas ang ilang buwang walang pagpaparamdam ay nawalan na rin ako ng pag-asa.

I feel so betrayed that time. Na kahit magulang at kapatid ko ay hindi ko na maka-usap nang matino. Naging madalas na rin ang pag punta ko sa mga bar. At makipag hang out sa mga kaibigan ko na nakilala ko lang noong college.

Sammy is my first friend in college. Siya rin ang dahilan kung bakit nasa grupo na ako ng Bravehearts. She's convincing me to join there since 1st year college. Pero tinatanggihan ko dahil marami lang akong maaalala kapag binalikan ko ang pagsasayaw. At umalis siya papuntang New York for some family issues. Kaya hindi na niya ako napilit pa. Pero may komunikasyon kaming dalawa at mukhang masaya naman siya dun sa kanyang pag-aaral. Ngayong 4th year college lang siya bumalik kaya hindi ko siya matanggihan lalo na at ilang taon din kaming di nagkita.

Sumali lang ako noong kalagitnaan ng 3rd year college. Dahil naisip ko na hindi ko dapat tinatalikuran ang mga bagay na alam kong magpapasaya sa akin. At isa pa ay wala na para sa akin ang mga alaala noon. It's been a year.

At doon ko nakilala si Green. Wala pang taon simula noong nakilala ko siya pero hindi siya iba sa akin. He is special for me.

Napaangat ang ulo ko nang may maaninaw sa harapan.

"I bought you some..." Inabot sa akin ni Terrence ang tubig habang nakangiti tila kinakabahan kung tatanggapin ko ba o hindi.

"Thanks," sabi ko at tinanggap sa kanyang kamay ang tubig na hindi siya tinitingnan. Hinawakan ko lang iyon at hindi man lang ginalaw.

Tumalikod na siya nang napagtantong wala akong balak na kausapin siya. Ipinatong ko lang yung tubig sa tabi ko at tumayo na para sa susunod na sayaw.

Habang tinuturo ni Clayton ang mga steps ay di ko mapigilang tingnan si Terrence. I must admit that I missed his way of dancing. Di na kagulat gulat kung bakit agad siyang nakapasok sa grupo. At pansin ko na komportable lang siya habang sumasayaw. Na kahit isang lait sa kanyang kilos ay wala kang maigawad sa kanya.

Secret Love SongTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang