Chapter 4: Blankly

15 2 0
                                    

Blankly

Green's POV

Tinext ko si Heather kung nasan siya. Agad din siyang nagreply na nasa CR lang daw siya at babalik din agad. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring anino ni Heather ang nagpapakita kaya napagdesisyunan ko ng puntahan siya. Napangiti ako ng bahagya ng maaninaw ko siya sa malayo pero napawi agad ito ng makita ko kung sino ang kausap niya.

"I-is it easy for you to let me go and give me to others huh Heather? Is it easy for you to forget me pagkatapos ng limang taon na magkasama tayo? Isang taon lang ako nawala pero bakit ganyan ka?"

Napahinto ako sa narinig ko. Alam kong mali makinig sa usapan ng iba pero hindi ko  maiwasang hindi makinig.

"Mahal kita Terrence-- "

Pagkabanggit niya ng mga katagang iyon ay agad na akong umalis. I don't want to hear her words because I know in myself it'll break my heart. Wala akong karapatang umasa at kung aasa pa ako ay sarili ko lang ang pinahihirapan ko.

Maraming dumadaang waiter na may dalang mga alak at ni isa doon ay wala akong pinalampas.

Nakita ko si Sammy na mukhang wala na sa sarili at sobrang lasing. Naglakad ako palapit doon pero bago iyon ay lumagok muna ako ng alak.

Pagkalapag na pagkalapag ay nagulat ako nang may humila sa akin ngunit mas nanlaki ang mata ko nang may lumapat sa aking labi. Sammy's eyes are close. As if she expecting I'll kiss her back but I didn't.

Agad din akong bumitaw nang makita si Heather na hinila ni Terrence. She saw us. But what's the big deal? I don't expect she'll get hurt or..... I don't want to expect.

Nakita din ni Sammy iyon at ngumisi siya. Dumiretso siya sa sofa tila walang nangyari.

Hindi ko alam ang uunahin ko. Si Sammy ba o si Heather na kasama si Terrence.... Why do I have to think in the first place? Heather is just my friend. And she's with her ex. She loves him. I know that. Fuck!

Tiningnan ko si Sammy na nakaupo na sa sofa at tulog. Mukhang hindi niya alam ang ginawa niya.

Sammy is a friend of mine and Heather. She's been good to me. Matagal ko na siyang kilala unlike Heather na almost five months pa lang. We've been friends since high school. Marami akong naging girlfriend but Sammy is not one of them of course. Pero isa lang ang babae na sineryoso ko simula noong 3rd year high school. But after we end it, nagsimula na ulit akong maglaro at hindi magseryoso sa mga babae. But I just know that I like Heather.

"Please don't let her hurt you... please."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Sammy. Nakapikit siya pero halata sa mukha niya na nasasaktan siya. I don't know what she's talking about but I know meron siyang pinaghuhugutan.

"Uh Green excuse lang ah? Ihahatid na namin si Sammy. Mukhang di na niya kaya," sabi ng isa sa kaibigan ni Sammy. I know this girl but I'm not sure with her name.

Tumango na lang ako sa kanila at tumayo.

"Take care of her," sabi ko habang inaalalayan nila siyang tumayo.

Pagkalabas ko sa bar laking gulat ko na kapapasok pa lang ni Heather sa kotse ni Terrence at umikot na siya sa driver's seat.

Walang pagdadalawang isip kong sinundan ang kanyang kotse. I know this is none of my business anymore but I think I have to do this.

Tumigil ang kotse niya sa tapat ng Haze. Pinark na niya iyon ngunit nagulat ako dahil si Heather lang ang lumabas.

Lumabas na rin ako at sinundan siya sa loob. Dumiretso siya sa counter at uminom.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now