Chapter 3: Forgiveness

21 1 0
                                    

Forgiveness

We should not enter in the situation where we regret things that we know we're lose. Alam na natin na talo tayo sa laro, sinusubukan pa rin. Lahat gagawin manalo ka lang sa bagay na alam mong hindi dapat sayo. Pero hindi natin mapipigilang umasa, lalong lalo na kung may isang bagay o taong may magpaparamdam at magpapakita ng mga bagay na magbibigay satin ng pag-asa at ideyang mapapasaatin ang gusto natin.

" I'm sorry Terrence, pero siguro hanggang dito na lang tayo. Ayokong magkasakitan pa ulit tayo...ayoko na," sabi ko habang umiiling sa kanya. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa kanyang pisngi.

Tumalikod na ako at nagsimula nang humakbang para hanapin si Green. Tiningnan ko ang phone ko pero wala siyang text doon.

Ako:

Where are you?

Pumunta na lang ako sa table kung nasaan si Sammy. Habang palapit ako nang palapit ay parang nadudurog ang puso ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nararamdaman ito.

Napangiti ako nang makita si Green na naglalakad. Ngunit agad itong naglaho nang makita ko kung saan siya papunta. Pero bago pa siya makarating doon ay lumagok muna siya ng isang shot galing sa waiter na dumaan. Mukhang kanina pa siya umiinom.

Halos maistatwa ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang hilahin ni Sammy kasabay nun ang paglapat ng kanilang mga labi. Laglag panga ko silang tiningnan at halos matumba na ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa panghihina ko at panginginig ng tuhod.

Sinubukan kong lumapit sa kanila pero bago ko pa magawa yun ay isang malaking pwersa na ang humila sakin dahilan para mapatianod na rin ako dahil na rin sa nanghihina ako. Hindi ko na nakilala ang humihila sa akin dahil natakpan na ng mga luha ang mga mata ko. Parang may sariling buhay ito dahil tuloy tuloy lang ang pag agos nito sa aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako nang ganito.

Tsaka ko lang pinunasan ang mga ko na walang tigil na bumabagsak sa aking mga mata nang naramdaman ko na nasa labas na kami ng bar. Natigilan ako nang makilala kung sino yung humila sa akin. Terrence staring at me like it's my fault to get hurt.

Tumalikod na ako sa kanya dahil wala akong gana ngayon makipagtalo sa kanya. Pero bago pa ako tuluyang makahakbang ay hinigit na niya ang braso ko at kinulong ng kanyang malapad na palad ang mukha ko kasabay ng paglapat ng aming mga labi. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya ngunit masyado siyang malakas para makawala ako.

Nang tumigil siya sa paghalik ay agarang dumampi ang mga palad ko sa kanyang pisngi.

"H-how dare you do that to me!?" nanginginig ang boses kong isinigaw ko sa kanya iyon. Ngayon wala nang kupas ang pag agos ng mga luha ko. Nanatiling nakatagilid ang ulo niya dahil sa sampal ko. Nakita ko rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha habang nakatungo.

Napaupo na ako sa sobrang iyak. Naramdaman kong inalalayan niya akong tumayo.

"Let's go Heather," aniya.

Nagpumiglas pa ako ngunit hindi sapat iyon para makawala ako. Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil masyado na akong nanghihina. At isa pa gusto ko na ring umalis sa lugar na ito.

Pinasok niya ako sa kanyang sasakyan at umikot na siya para makapasok sa driver's seat.

"I want to be alone." sabi ko nang wala sa sarili. Napansin ko na bumaling siya sa akin at pinaandar na niya ang sasakyan.

"Yes, I'll take you wherever you want to go." Parang may kung ano sa kanyang sinabi pero di ko na yun pinansin dahil masyado na akong wala sa sarili.

Buong byahe akong tahimik at ganoon din naman siya kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero nang tumigil na ang kanyang sasakyan ay saka ko pa lang napagtanto kung saan niya ako dinala. Pinark niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng bar. Haze ang pangalan ng bar di kalayuan sa kung nasaan kami kanina. Kumunot ang noo ko sa kanyang ginawa.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now