TS (2)

15 0 0
                                    

The Survivor Bad Dream

"Layra!Layra you need to wake up"nagising ako dahil sa inggay na narinig ko,bumangon ako sa kama at nakita ko si Aquila na mukhang nagmamandali.Teka anong ginagawa niya sa kwarto ko?

"Malalate ka na,may pasok tayo"

Oo nga pala kailangan kong pumasok sa paaralan,at mukhang malalate na ako sa unang klase.Bumangon na ako at agad na pumasok sa Cr para maligo.

"Layra, na gayak ko na ang uniform na susuotin mo,pagtapos ka na nasa labas lang ako.Sabay na tayong pumasok"rinig kong sigaw ni Aquila.

"Salamat"sigaw ko,binilisan ko nalang ang ligo ko dahil nahihiya ako kay Aquila ng dahil sa akin pati siya ay late narin.Bakit ba kasi hindi ako nagalarm?kainis naman!

Patapos maligo at magbihis ay bumaba na ako,sa labas ng mansyon ko nakita si Aquila na mukang kanina pa ko iniintay.Ngumiti siya sa akin ng makita ako.

"Sorry Aquila"sambit ko,umakbay naman siya sa akin at hinila na ako paakyat sa kalase.Ang uniform namin ay maikling palda na hanggang hita lang namin at blouse na color blue.At may ribbon,naiilang lang ako dahil napakaikli ng palda na suot namin.
Habang nasa byahe kami daldal ng daldal si Aquila,minsan ay natatawa nalang ako sa mga kwento niya.Masaya pala siyang kasama.

"Nandito na tayo"sabi ni Aquila napansin ko na naging malungkot ang boses niya.Bumaba na kami sa kalase at nagsimula ng maglakad.Maraming tumitingin sa amin na studyante,hindi ko nalang sila pinansin pa.

"Aquila bakit ba ganyan sila makatingin?"takang tanong ko na sa kanya dahil hanggang sa makapasok kami sa loob ay marami parin ang nakatingin sa amin.

"Don't mind them"mabilis na sambit nya.Ngumiti ako sa kanya,maya-maya lang ay naramdaman kong humawak siya sa braso ko,tumingin ako sa kanya...nakangiti siya pero halatang pilit lang.
"Anong una mong klase?"tanong niya.

"Hmm,Math"sagot ko naman.

"Hatid na kita sa classroom mo"magsasalita pa sana ako pero agad na niya akong hinila palayo,seryoso nga siya na ihahatid niya ako sa classroom ko.

"Kita tayo mamaya sa cafeteria ah,iintayin kita"nakangiting wika niya.
Tumango na lamang ako dahil kinakabahan ako.

Pumasok na ako sa classroom namin,sa dulo ako naupo at tahimik na pinagmasdan ang paligid.Marami naring tao dito ang iba pa nga ay palihim na tumitingin sa akin,hindi ako sanay gusto ko na nga silang sigawan at sabihin sa kanila na kung maari lang ay huwag na nila akong tignan.
Maya-maya lang ay pumasok na ang magiging guro namin sa math,nagpakilala siya at nagsimula ng magturo.

Mabilis na lumipas ang oras,recess na namin kaya naglalakad na ako ngayon papunta sa cafeteria.Ang layo pala nun kaya pagod na pagod na ako sa kakalakad at pagakyat pababa sa hagdan.Napatigil ako sa pagakyat ng makarinig ako ng inggay,at maya-maya lang ay maraming nagtakbuhan pababa sa second floor,tumakbo naman ako...sa Cr ako napunta.Napatigil ako ng makaamoy ng mabahong amoy may nakita rin akong bahid ng dugo sa pintuan ng Cr kaya marahan kong binuksan ang pinto at napatakip na lamang ako sa bibig ko ng makita ang isang babae na punit punit ang damit at puno ng saksak ang katawan.Nanginginig ako at takot na takot,sinara ko ang pintuan dahil hindi ko na makaya.Nakakasuka.Nakakaiyak.Bakit ganun?sino ang may gawa nito sa kanya?Hindi kaya...hindi kaya yung mga nagtatakbuhan kanina?pero bakit nila gagawin 'yun?

Napahawak ako sa pader ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko,hanggang ngayon nanginginig parin ako.Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Layra!oh my god"sigaw ni Aquila,naramdaman kong niyakap niya ako.Pilit niya akong pinapatahan.
"Layra..."mahinang sabi niya habang hinihimas ang likod ko.Patuloy na tumutulo ang mga luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

The Survivor'sWhere stories live. Discover now