TS (3)

11 0 0
                                    

The Survivor Training

Napabalikwas ako ng bangon at hinahabol ko ang hininga ko.Anong ibig sabihin ng panaginip ko?pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.Bigla nalang akong nagalala para kay Tita Meg,sana ay maayos lang siya dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag may nangyari sa kanyang masama.Hindi ko kakayanin.

Bumangon ako sa kama at lumabas sa kwarto ko,madilim na sa third floor dahil gabi na ng magising ako.Meron pa namang ilan na gising pa at naguusap pa,ang iba naman ay mahimbing na natutulog na.9:00 palang kasi ng gabi.

"Layra"tawag ni Aquila,ngumiti naman ako sa kanya.
"Gising ka pa.Bakit?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ako makatulog,nagaalala kasi ako sayo."
Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.Inaya naman niya ako na magpunta sa terrace para sandaling magpahangin.

"Layra nandito ako para protektahan ka"

"Ano bang ibig mong sabihin?hindi ko naman kailangan ng proteksyon?"kunot noong tanong ko,bahagya naman siyang ngumiti sa akin."Akala mo lang"bulong na sabi niya,hindi ko nalang pinansin pa ang sinabi niya.Tumingin  ako sa paligid at huminga ng malalim.

"Papasok ka na ba bukas?"

"Oo,kailangan"sagot ko at tsaka uminom sa hot choco na dinala kanina ni Leia.
"Layra...I'm sorry"

"Bakit?para saan?"

"Basta,I'm sorry"nakangiting sabi niya,ngumiti nalang din ako.
"Oo nga pala Aquila bukas ba pwede kong tawagan si Tita Meg nagaalala kasi ako sa kanya"biglang sabi ko,tumingin naman sa akin si Aquila mukhang nagtataka siya.

"Oo naman,bukas sasamahan kita bago tayo pumasok"

--

Kinabukasan 5:00 lang ng umaga ay nagising na ako,nagpasama agad ako kay Aquila sa office ni Leña para tawagan si Tita Meg,buti nalang ay gising narin si Leña.

"Anong ginagawa nyo dito?"tanong niya habang nakangiti.

"Pwede ba kaming tumawag?tatawagan lang ni Layra ang tita nya"sabi ni Aquila,kumunot naman bigla ang noo ni Leña...nagtataka.

"Hindi pwede!"madiin na sabi niya.
"Leña sandali lang naman,gusto ko lang makausap si Tita.Gusto ko siyang kamustahin"pakiusap ko.

"Hindi nga maaari hija.Maayos naman ang kalagayan ng Tita mo,huwag ka ng magalala pa sa kanya.Ngayon bumalik na kayo sa kwarto nyo dahil kahit lumuhod pa kayo sa harap ko ay hindi kita papayagan"

Pinigilan ko ang pagkainis ko sa kanya,anong problema niya at ayaw niya akong payagan na tawagan si Tita Meg?Nakakainis naman siya!

"Halika na Aquila"mariin at walang emosyon na sabi ko kay Aquila at hinila na siya palabas.Napabuntong hininga nalang ako ng makalabas na kami sa office ni leña.

"Okay ka lang ba?"

"Oo."

Pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko para magbihis na ng uniform.Hindi pa ko handa pumasok sa paaralan pero kailangan kasi,matapos ayusin ni Leia ang buhok ko ay lumabas na ako sa kwarto at nagpunta na sa kusina.Naroon narin ang iba pang naninirahan dito sa mansyon.Isa-isa kong tinignan ang mga tao na kumakain na hanggang sa nakita ko si Artemis na walang ganang kumakain,hindi naman niya ako napansin dahil busy siya sa pagkain.

"Layra kumain ka na baka mahuli pa tayo"natauhan ako ng marinig ang sinabi ni Aquila na kumakain na pala.Ngumiti ako at naupo na sa tabi niya.



Sa school ang dami paring umiiwas sa amin,tila takot na takot sila kay Aquila kaya minsan tinatanong ko siya kung bakit ganun  sila makatingin sa amin.Minsan naiinis narin ako,nagsasawa na ako sa kakatingin nila sa akin at kay Aquila.

The Survivor'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon