TS (10)

5 0 0
                                    

"Layra ito magagamit mo ito sa paglalakbay natin,huwag mo itong kakalimutan bukas"muling paalala ni Jun habang nasa training room kami.Inabot niya sa akin ang isang itim na bag pack na sa tingin ko ay maraming laman,nakangiti kong kinuha 'yun at nagpasalamat sa kanya.

"Bukas maaga ang alis natin.Magkikita-kita tayo sa labas ng mansyon na tinutuluyan mo"sabi pa niya,tumango nalang ako at pumunta sa tabi si Anne.

"Kinakabahan ako"bulong na sabi niya.Hindi ko inaakalang kinakabahan pala siya,alam kong sanay na siya sa ganito pero kinakabahan parin pala siya.
"Tingin mo makakabalik pa  tayo ng buhay dito?gusto ko pang bumalik dito...ayoko pang mamatay dahil gusto ko pang malaman ang nangyari kay Tita"malungkot na sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Oo naman makakabalik tayo rito dahil gagawin ni Jun ang lahat para maligtas tayo.Lindrea nandito kami para iligtas ka...ililigtas natin ang isa't isa.Walang iwanan,tayo ang Survivor kaya magagawa natin 'yun."nakangiting sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.Sandali ko palang silang nakasama pero ang gaan na agad ng loob ko sa kanila.Alam kong mabuti sila at mapagkakatiwalaan.

Bago umuwi sa mansyon ay pinatawag pa kami ni Sir Marlone sa office niya,bukas na...bukas na kami aalis para makipaglaban sa ibang bayan.Ano kayang mangyayari?sa totoo lang kinakabahan din ako lalo na ngayon palang ako makikipaglaban at wala pa akong idea sa kung anong mangyayari bukas.

"Goodluck sa inyong lahat bukas.Jun huwag mong pababayaan ang member mo,may tiwala ako sayo at sa inyong lahat."nakangiting sabi ni Sir Marlone pero halatang seryoso ang mga mata niya."Alam kong makakabalik kayo"sabi pa niya,ngumiti kaming lahat sa kanya at nagpasalamat.

"Goodluck sa inyo"sabi ng president ng school,nandito kasi silang lahat.Pati si Artemis at Aquila,halatang nagaalala nga sa akin si Aquila kaya ngumiti ako sa kanya.
Isang ngiti na pilit lang.

"Thank you po"sagot ni Stacy sa president.
"Goodluck"seryosong sabi naman ni Artemis mahahalata na wala ito sa mood.

"Goodluck sa inyo guys"nakangiting sabi naman ni Aquila na halatang pilit lang ang ngiti.

"Maraming salamat sa inyong lahat.Gagawin namin ang lahat para magawa ang misyon,magpapaalam na kami para makapagpahinga na"sabi ni Jun pati rin siya ay halatang seryoso.This past few days nga ay lagi itong seryoso hindi ang siya nakitang tumawa o ngumiti man lang,ang sabi ni Nicole ay ganun daw talaga si Jun kapag may misyon silang gagawin at kapag malapit na 'yun.

Nandito na ako ngayon sa mansyon,kakauwi ko lang.Nasa terrace ako ngayon para magpahangin,iniisip ko kasi ang mga mangyayari bukas.Bumuntong hininga ako at pinikit ang mga mga mata pero agad akong napadilat ng maramdaman na may tao sa likod ko.

"Who are you?anong ginagawa mo dyan?"mahinang tanong ko dahil parang nanghina ako.Nanlamig ang mga palad ko at tila hindi ako mapakali kaya kahit na hindi pa niya sabihin ang pangalan niya ay alam ko na kung sino siya.

"Artemis may kailangan ka ba?"tanong ko sabay lingon sa kanya.Seryoso ang mga mata niya."Bakit nandito ka?"tanong ko pa.Lumapit siya sa akin at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Goodluck..."mahinang sinabi niya.Hindi parin niya nilayo ang mukha niya sa mukha ko,ramdam ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko.Bakit kakaiba ang nararamdaman ko kapag malapit sa akin si Artemis?

"Artemis..."mahinang bulong ko habang nakatingin sa mga mata niya.Narinig ko ang mahinang pagmura niya at niyakap ako,sa totoo lang nagulat ako sa ginawa niya.Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik,nanatili ang kamay ko na nakahawak ng mahigpit sa skirt ko dahil nakauniform parin ako.

"Yakapin mo nalang ako pabalik!"madiin na utos niya,hindi ko naman malaman kung bakit sinunod ko siya.Niyakap ko siya pabalik at mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin,pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin.Bakit?bakit sa mga oras na 'to na yakap niya ako ramdam ko na safe ako sa bisig niya?bakit parang ligtas ako sa tabi niya?bakit nakakaramdam ako na hindi niya ako pababayaan?

The Survivor'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon