TS (11)

6 0 0
                                    

Akala ko mamatay na ko...akala ko katapusan ko na pero pero nagkamali ako dahil dumating siya,narinig niya ako.

Malapit ng dumiin ang ngipin niya sa leeg ko ng may marahas na humila sa lalaking 'yun na sabik na sabik na sa dugo ko.Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nanlalabo ang paningin ko.Nawala narin ang apoy na nakabalibot sa akin kanina,patuloy ang pagdugo ng bewang ko dahil malalim ang sugat na ginagawa ng lalaking 'yun kanina.Napahawak nalang ako sa hoodie ko at maya-maya lang ay nakarinig ako ng malakas na pagsigaw.

"Layra..."hinihingal na sabi niya habang tinatapik ang pisngi ko.Tignan ko siya at hinayaan na tumulo ang mga luha ko.
"A-artemis...dumating ka,s-salamat"nanghihinang sabi ko.

"Kailangan na nating makaalis dito"nagmamandaling sabi niya at binuhat na ako.

"Artemis..."bulong ko.

Alam kong tumatakbo siya,napakabilis.Ang lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko.At alam ko ring maraming humahabol sa amin.Natatakot ako na baka maabutan nila kaming lahat.Natatakot ako na baka masaktan na naman si Artemis ng dahil sa akin.

"Pikit mo ang mga mata mo..."bulong niya sa akin na sinunod ko naman.Kahit na nakapikit na ako ay ramdam ko ang apoy sa paligid,na may mga pana na tumama sa kung saan-saan.Mabilis ang pagtakbo ni Artemis pero nangangamba parin ako na baka tamaan siya ng palaso.Sunod-sunod na pagsabog rin ang narinig ko.

Maya-maya lang ay nawala narin ang lahat ng ingay.Tila tumahimik na ang lahat.Marahan kong dinilat ang mga mata ko at nanlumo ako ng makita ang kalagayan ni Artemis,may gasgas ang mukha niya at may kunting bahid ng dugo,punit-punit ang damit niya at halatang pagod na pagod.

"Huwag mo kong tignan ng ganyan"seryosong sabi niya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.Binaba niya ako sa damuhan at pinahiga.

"Kailangan kong pigilan ang pagdurugo ng bewang mo"rinig kong sabi niya.Hindi ko na naramdaman ang ginawa niya basta pagtingin ko sa bewang ko ay wala na ang sugat ko.

"Pano ka nakapunta rito?pano mo nalaman na kailangan ko ng tulong?"mahinang tanong ko.

"Narinig kita at hindi mo na kailangan alamin pa kung paano ako nakapunta rito"walang ganang sagot niya.

"Okay ka lang ba?"tanong ko habang nakatingin sa kanya na wala man lang emosyon.
"Ikaw dapat ang tanungin ko 'nyan."

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil nakarinig kami ng ingay di kalayuan sa amin."LINDREA!ARTEMIS"malakas na sigaw ni Stacy habang iika-ikaw.Nakita ko rin sa likuran niya sila Nicole,Anne,Javier,Ace at Jun.Napangiti ako ng makita sila at tumakbo papalapit sa kanila.Inakay ko si Stacy at inalalayang makaupo.

"May dala akong halamang gamot,ilagay nyo na ito sa mga sugat nyo.Mabuti pa bukas nalang tayo sumugod"seryosong tugon ni Jun na puno narin ng sugat ang katawan.

"Artemis bakit nandito ka?pinadala ka ba ni Sir Marlone?"takang tanong ni Nicole habang ginagamot ang sugat ni Ace.

"Hindi!"sagot naman ni Artemis.

"Ito mga pagkain kumain na tayo"sabi ni Javier at binigyan kami ng mga pagkain na dala-dala niya.

"Salamat"

🔪🔪🔪

Madilim at tahimik na sa loob ng gubat,nagsindi lang ng apoy sila Javier kanina para mabawasan ang lamig na nararamdaman namin.Mamayang 12:00 narin kami lulusob sa kaharian nila.Tulog na ang iba at kaming apat nalang nila Stacy,Jun,Artemis at ako ang gising.Katabi ko si Stacy na yakap-yakap ang sarili niya at tulala.

"Gustong kong magtanong,pwede ba?"mahinang sambit ko at tinignan silang tatlo,isang marahan na tango ang sinagot sa akin ni Stacy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Survivor'sWhere stories live. Discover now