TS (4)

5 0 0
                                    

The Survivor Dead

"Hiyah"sigaw ko at pinatama kay Jun ang arnis na hawak ko,napangisi naman ito ng tumama sa braso niya ang arnis.
"Good job,Layra"

Ngumiti ako at binaba ang arnis na hawak ko.Pinunasan ko ang pawis ko at uminom ng tubig,mahigit tatlong oras na kaming nageensayo kaya medyo natutunan ko na,kaya ko narin suntukin siya,umiwas,yumuko at tumalon.

"Ang bilis mong matuto"sabi niya habang pumapalakpak pa.
"Pero ang susunod sigurado ako na mahihirapan ka,kailangan mo na kasing humawak ng patalim.Tuturuan kitang gumamit ng pana,ng dagger,ng kutsilyo.Kung pano mabilis na iiwas sa mga kalaban"seryosong sabi naman niya.

"Handa ka ba layra?"nanghahamon na tanong niya.

"Hindi ko alam"mabilis na sagot ko.
"Dapat maging handa ka"ngising sabi niya.

Hindi na ko muling umimik pa,pinagmasdan ko siya na kumuha ng dagger at pinaglaruan 'yun bahagyang nagulat pa nga ako ng ihagis niya 'yun at tumama sa isang gamit.

"Mamaya na tayo magensayo,may dapat pa kong gawin.Iwan muna kita dito,gawin mo ang gusto mong gawin"

Lalabas na sana siya pero agad akong tumayo at tinawag siya,"Sandali Jun,pwede na ba kong lumabas dito?"tanong ko at ng tumango siya ay napangiti nalang ako,kanina ko pa kasi gustong lumabas dito.Naglakad-lakad lang ako ni hindi ko alam kung saan ako pupunta,basta hinayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan nila ako dadalin.

"Tayo na!tignan natin ang nangyari sa garden"rinig kong sigaw ng isang babae na mukhang nagmamandali,tumakbo sila ng mga kasama nila papunta sa garden.Nagtaka naman ako dahil maraming nagsisipagtakbuhan papunta roon,nacurious naman ako kaya naglakad narin ako papunta sa garden.

Malayo palang ako ay kita ko na ang dami ng studyante na nagkukumpulan,halata sa iba ang takot dahil nanginginig sila.Binilisan ko ang paglalakad ko at nakisingit sa iba,kinailangan ko pang tumingkayad para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila at nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ang dalawang studyante na nakabulagta,puno ng dugo ang katawan,wakwak ang uniporme at wakwak ang dibdib.Amoy na amoy ang masang-sang na amoy,napadako naman ang atensyon ko di kalayuan sa dalawang patay...si Artemis sa harapan niya ay may nakaluhod na dalawang studyante na nanginginig na sa takot.

Tila nagmamakaawa sila,nakikiusap.Nakaramdam ako ng takot at awa dahil sa kanila.Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to?bakit may mga namamatay?anong klaseng paaralan 'to.

Mas lumapit pa ako at ngayon rinig na rinig ko na ang boses ni Artemis na galit na galit.

"KAYO BA ANG MAY GAWA NITO?!SUMAGOT KAYO!"malakas at galit na galit na sigaw niya habang pinipigilan ang sarili na huwag saktan ang dalawang studyante na nakaluhod ngayon sa harapan niya.

"SUMAGOT KAYO!"

"Hindi namin ito magagawa sa k-kanila"sagot naman ng isa na takot na takot na.

"TALAGA?!KUNG GANUN SINO ANG MAY GAWA NITO,SABIHIN NYO!"

"Hindi namin alam,nakita nalang namin sila na patay na sila"umiiyak na sabi naman ng isang babae na maikli ang buhok.

"Artemis kumalma ka"biglang sabi naman ni Jun at hinawakan pa niya sa balikat si Artemis upang pakalmahin.
Napakamot naman sa ulo si Artemis.

"KAYONG DALAWA PUMUNTA KAYO SA OPISINA!"mariin na utos niya,tumayo naman ang dalawa at kumaripas na ng takbo.Napatingin naman sa direksyon ko si Jun,nagiwas agad ako ng tingin dahil napatingin rin sa akin si Artemis.

"Layra halika rito"sigaw na tawag ni Jun,nung una ay nagalangan pa akong lumapit sa kanila pero sa huli lumapit narin ako.

"Nagtataka ka ba sa mga nakita mo kanina?"tanong niya habang naglalakad kami,nasa likuran ko silang dalawa ni Artemis.Nagsialisan narin ang mga tao roon dahil pinaalis sila ni Artemis,isang sigaw nga lang niya ay nagalisan na ang mga tao.

The Survivor'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon