TS (8)

6 0 0
                                    

"Sinusumpa ko ang lugar na 'to,mamatay kayo!"sigaw ng isang babae,mahahaba ang mga kuko,mahabang buhok at galit na galit na mga mata.Sa gitna ng kagubatan ay may nakapaligid na apoy sa kanya.

"Mamatay ka muna!"sigaw ng isang lalaki na mahaba ang balbas.

"HAHAHAHA!!!"isang malakas na sigaw.Nakakatakot at nakakabinging tawa.Madilim,malamig ang hangin at maruming lugar.Biglang humangin ng malakas at kasabay nun ang malakas na kulog at pagkidlat.

"Mamatay kayo!"ang sinabi niya habang nagtatakbuhan ang mga tao papalayo sa kanya.Malakas na buhos ng ulan ang pumatay sa apoy na nakapaligid sa babae,nagpunta ito sa mansion.Nagaapoy ang mata niya sa galit,may nilabas itong mga gamit at nagpunta sa bakuran.May ginawa siyang ritwal,nakikipagsundo sa isang demonyo.

"Walang katapusan na kamatayan!sinusumpa ko ang mga tao na naninirahan at titira dito,pati narin sa mansion na tinitirhan ko.Walang kahit na sino ang makakapagpatigil ng sumpa."

"Mamatay ang lahat,sa pagsapit ng taong 2016 isang labanan ang pagaganap.At walang mabubuhay kahit na isa,magdurusa ang bayan na ito!MAGDURUSA SILA DAHIL SA GINAWA NILA!madadamay narin ang mga walang may kasalanan,sa oras na mapunta sila sa lugar na ito ay wala ng balikan."

"Ako si Antoñia Del Varez at sinasabi kong hindi ka na makakaalis ng buhay sa lugar na 'to. MAMATAY KA!"

Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang hininga ko,pawis na pawis ako at ramdam ko ang takot na namamayani sa puso ko sa oras na 'to.Nakakatakot na panaginip,bakit...bakit parang ako ang kausap niya?

Mamatay ka!

Napailing ako.Bakit ko napaginipan 'yun?

Tumayo ako at nagpunta na sa banyo para maligo,naghilamos ako ng mukha at huminga ng malalim.Wala lang 'yun,walang ibig sabihin 'yun.Huwag kang magalala Lindrea wala lang 'yun.

Paglabas sa banyo ay nakita ko na si Leia na inaabangan ako,ngumiti siya sa akin ng makita niya ako.Ngumiti naman ako pabalik at hindi pinahalata na hindi ako maayos.Naupo na ako sa isang upuan at siya naman ay nagsimula na sa pagayos ng buhok ko.

"Kaarawan na ni Miss Leña bukas may magaganap na party sa hall"sabi ni Leia.

"Anong oras?"tanong ko.

"8:30 ng gabi,ang lahat ay dadalo.Nakuha ko na nga pala ang isusuot mo"nakangiting sabi niya.Tumango nalang ako at nagpasalamat sa kanya.
Braided naman ang ginawa niya sa buhok ko,isang pink na gown ang suot ko na pa-sleeveless.

Lumabas na ako sa kwarto ng matapos niya akong ayusan,nadatnan ko si Aquila na kumakain na.Ngumiti ito sa akin ng makita ako,"Aquila"

"May problema ba?"nagaalalang tanong niya.Naupo ako sa tabi niya at umiling,"Wala,namiss lang kita"nakangiting sagot ko at nagsimula ng kumain.

"Nakita mo na ba ang isusuot mong gown para bukas?"

"Hmm,hindi pa.Mamay ko nalang siguro titignan.Oo nga pala Aquila nasa mansion parin ba si Lady?"

Sinubo niya ang natitirang kanin bago sumagot,"Oo nandito pa siya.Madalas lang siyang nasa kwarto niya"

🔪🔪🔪


Lumabas ako sa kwarto ng makarinig ako ng ingay,maraming nagtatakbuhan pababa at lumalabas ng mansion.Teka ano bang nangyayari?
Dumaan naman sa harapan ko si Megan kaya agad akong nagtanong sa kanya.

"Megan anong nangyayari?"takang tanong ko habang pinipigilan siya.
"Eh...kasi si Lady nagwawala sa labas"

Ano?bakit kaya nagwawala si Lady?

The Survivor'sWhere stories live. Discover now