TS (7)

4 0 0
                                    

Maaga akong gumising,as usual inayusan ako ni Leia na walang kibo habang inaayos ang buhok ko.Matapos niyang gawin 'yun ay tinulungan niya ako sa pagsuot ng sapatos ko.

"Salamat Leia,oo nga pala kung gusto mo ng bumalik sa bahay nyo pinapayagan na kita.Wala na ngayon si Tita Meg kaya wala ng magpapasweldo sayo"sambit ko at sinuot na ang ribbon.

"Malaking pera ang binigay sa akin ng Tita Meg mo kaya mas pinili kong mag-stay sa tabi mo.Alam kong kailangan mo ko Layra"

"Kung iyan ang gusto mo hahayaan kita at tama ka kailangan kita.Leia...hindi na nga pala Layra ang pangalan ko ako na ngayon si Cherlindrea tawagin mo nalang akong Lindrea para hindi masyadong mahaba"mabilis na sabi ko at lumabas na sa kwarto ko.

Bumaba ako,nagpunta sa kusina at kumain.Nasa tabi ko si Aquila na tahimik at walang kibo habang kumakain.Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng mansion,sa labas naman ay nakita ko si Lady naglalakad mag-isa.
Hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso muna sa kulungan ni Elowen.

"Kamusta ka?sorry ngayon lang kita napuntahan dito"sambit ko at binigyan siya ng dog food.

"Layra pasok na tayo"rinig kong sabi ni Aquila,lumingon ako sa kanya at bahagyang lumapit.

"Aquila hindi na Layra ang pangalan ko,ako na si Cherlindrea pwede mo kong tawaging Lindrea kung nahahabaan ka sa Cherlindrea"sambit ko at umakyat na sa kalase.Halatang nagulat sa sinabi ko si Aquila pero wala na akong pakielam,buo na ang disesyon ko na magbabago na ako.

Pagdating sa school sa training room ang diretso ko,nagensayo ako kahit na wala si Jun.Mamaya pa kasing 10:00 ang training namin pero dahil gusto ko ng magensayo agad ay ako nalang muna.Ayoko namang istorbohin siya.Habang nageensayo ako sa paggamit ng dagger at kutsilyo ay biglang bumukas ang pintuan,lumingon ako at nakita si Artemis na seryosong nakatingin sa akin.

"Ms.Preyley sa pagkakaalam ko mamaya pa ang training mo"sambit nito habang naglalakad palapit sa akin.

Ngumisi ako at umirap,"Ano bang pakielam mo ha?gusto ko ng magensayo at wala ka ng magagawa dun"masungit at matapang na sabi ko.

"7:30 ang training ko at gagamitin ko ang training room kaya lumabas ka na"madiin na utos pa niya.

"Hindi naman sayo an—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla itong lumapit sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"Ako ang Mayor sa school na 'to!"

"And so?"

"GET OUT!"malakas na sabi niya at dahil nainis ako sa lalaking 'to ay sinuntok ko siya at dahil dun nagaway kami.Nakakaiwas naman ako sa suntok niya pero isang beses tumama ang kamaoo niya sa braso ko,napadaing ako dahil sa lakas nun.Kinuha ko ang isang arnis at mabilis na pinukpok yun sa likod niya,nabuwal naman siya at nagulat ako ng hilahin niya ako kaya parehas kaming natumba.Nagkaron ako ng pagkakataon para matitigan ang mga mata niya at muling maamoy ang pabango niya.

Nawala ako sa focus kaya mabilis siyang nakatayo at tinutukan ako ng pana,nakangisi naman akong tumayo at tumingin sa kanya."Sige patayin mo na ko!"sigaw ko at pinunasan ang dugo sa labi ko.

"PATAYIN MO NA KO!!"sigaw kong muli at nagulat ako ng bigla siyang tumakbo at hinila ako,tumama ang likod ko sa pader.Dinilat ko ang mga mata ko na hindi ko namalayan na napikit ko pala,literal na nagulat ako ng makita ang pangil niya,pulang mata na tila galit na galit at mahahabang kuko.Vampires.

Dinikit niya ang labi nya sa leeg ko at naramdaman ko ang mainit na hininga niya.Gumapang naman ang kamay niya papunta sa braso ko at naramdaman ko ang matulis na kuko niya na bumaon sa balat ko.Napadaing ako sa sakit.

"Artemis..."bulong ko.

"Ginalit mo ko,kasalanan mo ito.Gusto ko ang amoy ng dugo mo..mukhang masarap"matapos niyang sabihin yun ay humalakhak siya.Kinuyom ko ang kamoo ko at sinubukan siyang itulak palayo sa akin pero hindi ko nagawa.

The Survivor'sWhere stories live. Discover now