TS (6)

4 0 0
                                    

"Layra,Aquila anong problema?"takang tanong ni Leña ng makita kami.Papalabas na sila ng bahay ni Mang Kiko.

"Wala.Wala Leña"kinakabahang sambit ni Aquila at hinila na ako para maglakad.

"Umuwi na tayo,isasama muna natin si Lady sa mansion"sabi pa ni Leña na nasa likuran namin.Bigla naman akong nagtaka pero hindi na ako nagtanong pa.
"Maraming salamat po,Mang Kiko"pagpapasalamat ni Emerson.

Pasakay na sana ako sa kalase ng pigilan ako ni Leña,"Layra doon ka sasakay sa kabilang kalase.Artemis si Layra"

"Leña ako nalang ako sasaky roon dito nalang si—"hindi na natapos ni Aquila ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Leña.
"Hindi!maguusap tayo Aquila"mariin na sabi pa ni Leña.

"Sige doon ako sasakay.Huwag ka ng magalala Aquila"ngumiti ako matapos kong sabihin 'yun at lumapit na kay Artemis.Ihahakbang ko na sana ang paa ko paakyat sa kalesa nung biglang hawakan ni Artemis ang kamay ko para alalayan ako.Napatigil ako at natulala,hindi maipaliwanag kung bakit nakaramdam ako ng pagdaloy ng kuryente habang hawak ko ang kamay niya,nanlambot ang tuhod ko at bumagsak ako sa sahig agad naman akong nasapo ni Emerson na nasa likuran ko lang.Huminga ako ng malalim at tumayo,nagpasalamat ako kay Emerson at umakyat na ng kalesa.Nasa gilid ako sa tabi ng bintana katabi ko naman si Artemis at katabi naman niya si Emerson,sa harapan naman naupo si Ronan na mukhang malalim ang iniisip.Nagsimula ng umandar ang kalesa.

"Anong meron sa bayan ng San Ignacio,bakit bawal magpunta ang kahit na sino roon?"tanong ko habang nakasilip sa bintana.Nang walang sumagot sa akin ay lumingon ako kay Artemis na seryosong nakatingin sa harap.

"Huwag mo ng itanong sa akin,dahil hindi ko rin alam ang sagot"malamig na sambit nito.Napasimangot nalang ako at muling dumungay sa bintana.

"Delikadong lugar ang San Ignacio,maraming nagpunta roon na hindi na nakabalik pa."sagot ni Emerson kaya napatingin ako sa kanya.Isang matalim na tingin naman ang binigay sa kanya ni Artemis.

"Bakit naging delikado ang San Ignacio?"takang tanong ko pa.

"Can you please stop asking,Ms.Preyley!"

"Artemis huwag mo namang sungitan si Layra"sambit naman ni Emerson sabay ngiti sa akin.

"Okay lang Emerson,wala tayong magagawa kung ganyan talaga siya"nangaasar na sabi ko sabay tawa ng mahina.Pero napatigil ako ng makarinig ng kakaibang inggay.

"Anong meron,Ronan?"takang tanong ni Emerson.
"Artemis si Layra hindi dapat niya makita kung anong meron sa labas"bulong na sabi ni Emerson pero narinig ko parin 'yun.
Sisilip na sana ako sa bintana pero mabilis na sinara yun ni Artemis.

"Sandali!anong meron sa labas?"nagtatakang tanong ko,bigla naman akong hinawakan ni Artemis sa braso ko at may dumaloy na likido roon.Nanghina ako hanggang sa lumabo ang paningin ko,ang huli kong nakita ay lumabas sa kalesa si Ronan at Emerson bago ako nawalan ng malay.

--

Bumangon ako sa kama ng magkaron ako ng malay,patay ang ilaw.Ang tanging nakasindi lang ay ang lampara sa gilid ng kama ko.Hindi ko namalayan na gabi na pala,kinuha ko ang lampara at napahawak sa table ng makaramdam ako ng pagkahilo.May bigla ring kumirot sa braso ko at pagtingin ko ay may galos iyun,malalim at kumikirot.Sandali,saan ko nakuha ang sugat na 'to?

Lumabas ako ng kwarto at umakyat sa third floor,kakatok na sana ako sa kwarto ni Aquila ng marinig ko ang boses ni Leña sa office nya na tila galit na galit.Lumapit ako roon at nakirinig ko rin ang boses ni Aquila.

"Aquila!dapat na nating sabihin sa kanya kung ano ba talaga tayo.Naiintindihan mo?"naiinis na sabi ni Leña.

"No!kahit anong mangyari hindi natin sasabihin sa kanya!"sigaw naman ni Aquila.Medyo nagulat pa nga ako dahil sa pag-sigaw niya.

The Survivor'sDove le storie prendono vita. Scoprilo ora