TS (5)

7 0 0
                                    

"Layra kumilos ka na,baka mahuli tayo.Sa garden tayo nakaasign"medyo inis na sabi ni Aquila,inaantok pa kasi ako at ayoko pang bumangon pero wala naman akong magagawa dahil kailangan na naming maglinis.

"Layra!"sambit ni Aquila at hinila ako patayo sa kama ko,pumasok nalang ako sa Cr upang maligo na.

"Aquila mauna ka na sa baba susunod nalang ako at pakisabi rin kay Leia na ako na muna ang bahala sa sarili ko magpahinga muna kamo siya"sigaw ko habang naglalagay ng shower gel.

"Masusunod Layra.Iintayin kita sa hardin ah"

Hindi na ko umimik pa,binilisan ko na ang ligo ko dahil late na ko.Hindi na nga ako nakakain ng almusal dahil 6:00 lang dapat nasa kusina na kami para kumain ng almusal at dahil nahuli ako ng gising ay wala na akong maaabutan.
Sinuot ko na ang pants na itim at v-neck na shirt at tinali ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

Paglabas ng mansion ay dumiretso na ako sa garden sa tapat ng gate nun ay nandoon din si Leña,ngumiti siya sa akin ng mapansin niya ako nasa gilid naman niya si Ronan na tahimik lang na nagmamasid sa paligid.

"Hija kamusta ka?"tanong nito ng makalapit ako sa kanya,bahagya naman akong ngumiti at nagpaalam na sa kanila.Kinuha ko na ang mga gamit na panglinis,piniling kong magtanggal ng mga bulok na dahon.

"Layra"rinig kong tawag ni Aquila,hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa ginagawa ko.
"Hoy"

Lumingon ako sa kanya,"Bakit ba?"iritang tanong ko.

"Tignan mo sila Leña,kung mapapansin mo may kasama siya...yung binatang lalaki na 'yun,pamangkin 'yun ni Madam Rose"sabi niya habang nakatingin sa direksyon ni Leña,napatingin narin ako roon at nakita ang lalaki na kasama nila.

"Anong ginagawa niya rito?"tanong ko.

"Hindi ko alam."sagot naman ni Aquila at tumabi sa akin.Iniwas ko naman na ang tingin ko sa pamangkin nung Madam Rose at muling nagtanggal na ng bulok na dahon.

Di nagtagal ay natapos narin kami sa paglilinis,nagpunta naman kami ni Aquila sa kwarto niya para roon mamahinga.Nakahiga siya ngayon samantalang ako ay nakaupo sa  sofa na nasa gilid ng kama niya,malaki rin ang kwarto niya kagaya ng sa akin at maganda rin ito.

"Oo nga pala Aquila ano bang itsura ni Madam Rose?matanda na ba siya?"tanong ko sa gitna ng pagnguya.

"Hmm,hindi.Nasa edad 28 palang siya"

"Nasan na ang mga magulang nya?"tanong ko pa ulit,bigla kasi akong nacurious sa katauhan ni Madam Rose.
"Kung gusto mo talaga siyang makilala ng husto,heto basahin mo"sambit naman ni Aquila sabay tayo sa kama at may kinuha sa isang drawer,isang libro ang binigay niya sa akin.Binuklat ko iyun at binasa ang nakasulat sa unang page.

Rose Elizabeth Skywalker.

Pumunta ako sa bintana at nagsimula ng magbasa.

Si Rose Elizabeth Skywalker ay isang magandang dalaga,maraming lalaki ang nanliligaw sa kanya ngunit wala siyang magustuhan,ang ama niya ay isang kilala at pinakamayaman sa kanilang bayan at ang ina naman niya ay isang abogado.Masaya ang pamilya nila,naninirahan sila sa isang mansion.Luma ang mansion pero pinaganda ito ng kanyang ama,edad 19 si Rose ng mamatay ang kanyang ama lubusang nagdusa si Rose at ang ina niya.Hanggang sa isang araw bigla nalang siyang iniwan ng kanyang ina,nalungkot at puno ng pighati si Rose.20 years siya ng maisipan niyang magapon ng mga bata,pinatira niya ito sa kanilang mansyon.Inalagaan at tinuring niyang isang tunay na anak ang mga bata.

Pero ng lumaki na ang mga bata ay iniwan narin niya ang mga ito sa mansyon,nakiusap siya sa isang kaibigan na kung maaari ay siya na ang mamahala sa mansyon.At simula nun wala ng nakakaalam kung nasaan na si Rose,tuwing pasko nalang siya umuuwi sa tahanan nila na naging tirahan na ng mga tao.Ginawa ng dorm ang mansyon.

The Survivor'sWhere stories live. Discover now