Kabanata 17

14.6K 177 5
                                    


Kabanata 17

Hindi ko lubos mapaniwalaan ang mga sinabi niya sa akin kaya tinanong ko siya ulit. Pakiramdam ko kasi nasa isang masayang panaginip lang ako sa mga sandaling ito. This is all too good to be true.

"A-Ako? Gusto mo akong sumama sa'yo sa New York?" nauutal kong tanong ulit. He nodded slowly, his lips pressed together. "But why? Bakit mo ako gustong...isama?" puno ng pagtataka ko siyang tinitigan sa mga mata.

He sighed heavily and close his eyes for a brief moment. When he opened his eyes and take a look at me again, I almost shiver because of the way he stares at me.

Ang mga mata niyang katulad ng sa lobo ay parang biglang naging mga mata ng isang maamong tuta na ngayon. His eyes were pleading, like he was directly looking at my soul. Para bang sa pamamagitan ng kanyang mga mata, naipapahayag niya ang gusto niyang sabihin. It is too much to take.

"Because I want you to be with me during the happiest days of my life. I need you there, Elora. Mas magiging masaya ako kung kasama kita." He finally said with so much tenderness on his voice. It took my breath away.

Tell me... is he was just being a nice friend? May kaibigan ba talagang katulad niya? Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang pwedeng dahilan niya sa lahat ng ito. Kung kaibigan lang talaga ang pagtingin niya sa akin...bakit ganito 'yung mga sinasabi't pinapakita niya?

Nagbukas sara ang bibig ko pero hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong unang itanong sa kanya. Silence crept between us. We could only hear the noise of crickets. Pareho lang kaming nakatitig at nananantya sa isa't-isa.

Hanggang sa nakalma ko na ang sarili ko at nagkaroon na ako ng guts para tanungin siya. "Pa-paano mo nasabing mas magiging masaya ka kapag kasama mo ako, Deo? I mean...kaibigan mo lang naman ako. H-Hindi sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay mo, kailangang nasa tabi mo ang isang...kaibigan." I pointed out but I was so afraid to hear his respond.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong marinig na sagot mula sa kanya. Either way, aalis pa rin naman ako at magiging isang magandang alala na lang siya sa buhay ko. It's either, ako lang ang masaktan o parehas kaming masasaktan sa huli.

"But you're not just a friend to me..." he huskily breathed. He caressed my face as his eyes become softer. Para akong malulunod sa klase ng titig niya. Napagtanto kong ang mga mata niya ang kahinaan ko. Ang mainit niyang kamay na humahaplos sa pisngi ko ay tinutupok naman ang lamig na bumabalot sa katawan ko.

"You just don't get it, do you?" he trailed as he sighed again. "I like you, Elora." He softly said that I almost couldn't believe that I really heard it from him.

Halos kapusin ako ng hininga dahil sa mga katagang binitawan niya. Napaatras ako sa pagkamaang, sanhi para malaglag ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya sa pisngi ko. Bumagsak ang tingin ko sa paanan namin. Ngayong narinig ko na ang mga salitang akala ko ay hanggang panaginip ko na lang...hindi ko naman ngayon ito mapaniwalaan.

"A-Ano?" parang tangang tanong ko nang muli akong tumingala sa kanya. "A...Anong sinasabi mo, Deo?" I literally stuttered infront of him. I just couldn't fathom what I really feel right now. Dumagdag pa sa tensyon ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"I like you, Elora. I like you since the night I laid my eyes on you at the bar..." he said, getting all serious. Namumungay ang kanyang mga mata habang ang akin ay nanlalaki dahil sa pagkawindang sa kanyang ipinagtapat.

He like me since that night? At ako? Hindi ko alam... ang natatandaan ko lang ng gabing iyon ay muntik na rin akong magpatangay sa kanya. I remember how his eyes hypnotized and instantly drugged my senses.

Seducing My Cousin's BoyfriendWhere stories live. Discover now