Kabanata 59

20.7K 250 39
                                    


Kabanata 59

I looked upon the dark sky through the glass window of my room. Makulimlim ang kalangitan at napakalakas ang buhos ng ulan na paminsan-minsa'y may kasama pang kulog at kidlat.

A tear escaped from my eyes.

Since the day I woke up from the tragedy, I grieve for Ivana's death. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya. Araw-araw namang pinapagaan ni Deo ang loob ko. Ayaw na ayaw niyang nakikita akong malungkot dahil sa panininisi ko sa aking sarili.

He always tells me that I should let go of those bad memories. I should try to move on and such. So I tried to hide the pain I'm feeling inside. Pilit kong ipinapakita sa kanyang sinusubukan kong magmove-on at kalimutan ang mga mapapait na alaala. He's my source of comfort. Ayoko nang mag-alala pa siya para sa'kin kaya pinipilit kong magpakatatag pero ngayong araw, kahit na pilitin kong ikubli ang aking pagluluksa ay hindi ko magawa.

Kahit na gustong gusto kong lumabas ngayon ay hindi pa ako pinayagan ng doktor. Kaya naman, ngayong araw ng cremation ng mga labi nina Ivana at ang mommy niya, gustuhin ko mang pumunta ay hindi ko nagawa.

Ang nag-asikaso ng cremation nila ay sina mommy at daddy. Wala kasing ibang kamag-anak sina Tita at Ivana na gustong magclaim ng mga labi nila. Kaya kahit na hindi naging maganda ang relasyon namin sa pamilya nila ay buong puso paring nagkusa sina mommy at daddy na sila na ang bahala sa mga labi nila.

My train of thoughts suddenly halted when I felt Deo's presence behind me. Nakatayo ako at nakadungaw ako sa harap ng bintana kaya nakatalikod ako sa kanya. Mahimbing siyang natutulog sa couch kanina pero mukhang nagising siya dahil sa malalakas na pagkulog.

My body stiffened when he hugged me from behind. One hug from him and the ache inside my chest suddenly subsided.

"Baby..."

I gnawed my lower lip. Hindi ako makagalaw dahil sa yakap niya at sa panghihina ng aking tuhod dahil sa nakakaliyong pakiramdama na dala ng init ng kanyang hininga na tumama ngayon sa aking balat.

"You're crying again," he murmured against my ear.

I shook my head sadly. Hindi ako makasagot sa kanya dahil kapag sinubukan kong magsalita, tiyak na mababasag lang ang boses ko at mahuhuli niya ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa likuran ko.

"You know I always say that I hate it every time I see you cry... But today, you can use my shoulder to cry on. Hahayaan kitang ilabas lahat ng kinikimkim mong sakit. If that's the only way that can make you feel better then go on." He said softly.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na nga akong napaharap sa kanya. I immediately buried my face on his neck and began crying like a little girl. I finally let go all of the emotions I'd been struggling to keep down. Niyakap naman niya ako ng buong puso at buong pagmamahal.

"Everything's gonna be alright, but for now, you just need to let go all of the pain your hiding inside. Nandito lang ako para maging sandalan mo. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit, ako na lang."

Para akong hinihele ng malamyos niyang tinig. Hinahagod niya ang likod ko habang patuloy ako sa paghagulgol. I cried until my eyes swell. Kulang ang salita para ipaliwanag kung paano niya pinapagaan ang loob ko pero alam kong hindi ko parin agad agad makakalimutan ang lahat.

How can I move on when I still have these emotional luggage?

So the next day, a counsellor came to check on me and Deo. We finally both decided to get a counselling so we can overcome our traumatic experiences from our past and to rebuild our lives. Hindi lang iyon dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Ivana kundi pati na rin sa mga previous trauma experiences namin kagaya ng napagdaanang depresyon ni Deo noong nawala ang mommy niya at ako naman ay noong ilang ulit akong muntik magahasa.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon