Kabanata 53
Hindi ko na nalaman ang iba pang detalye dahil hanggang doon lang ang ibinalita ng broadcaster. I was completely stunned. Hindi magawang maproseso ng isip ko ang narinig na balita.
Tito Samuel killed someone!
"R-Ricardo... N-Nakapatay si Samuel?" nanginginig na boses na tanong ni mommy kay dad pagkatapos ng flash report. Napatingin ako sa kanilang dalawa at bakas sa mukha nila na maging sila ay gulantang din sa narinig na balita.
Napakurap kurap si dad. Tila hindi makapaniwala sa nagawa ng nakatatandang kapatid.
"Hindi ko akalaing kaya niyang pumatay. He has really gone too far." Bulalas ni dad.
"Sino kaya ang napatay niya? How and when did it happened?" kuryosong tanong ni mom.
Napaisip ako sa tanong na iyon ni mom. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng kaba. I suddenly felt scared like there's something wrong kahit na wala naman na dapat akong ikabahala doon. Kung anuman ang krimeng ginawa ni Tito, wala na dapat akong pakialam doon.
I shook my head before I speak.
"Labas na po tayo dyan, mommy. Kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya. Kung sinuman po ang napatay ni Tito, dapat lang na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa biktima." I said in a matter-of-fact tone.
Ayokong alalahanin pa nila ang nangyayari sa kanya ngayon pero kahit ako, hindi ko maalis sa sistema kong isipin ang tungkol doon. Hanggang sa makaalis silang tatlo sa unit ko at naiwan na akong mag-isa ay iyon parin ang tumatakbo sa isip ko.
Hindi si Tito ang inaalala ko kundi ang taong naging biktima niya. Whoever the victim's family, I know they suffered a lot because of what Tito Samuel did to their love ones. Pero sino nga kaya ang napatay ni Tito Samuel? At bakit niya ito napatay? Matagal na ba iyong nangyari? Bakit ngayon lang ito lumabas kung ganon?
Why am I so curious about it?
There were too many questions I didn't have answers for.
Napagpasyahan kong matulog nalang muna para maalis iyon sa isip ko. I shouldn't be stressing myself because of that. Kapakanan nalang ng pamilya ko ang dapat kong alalahanin simula ngayon.
Madilim na nang magising ako. Napasarap na naman ang tulog ko. Kahit gusto ko pang mahiga ay pinilit ko ang sariling bumangon na. Nagtungo ako sa kusina para magluto na nang dinner. Pero napatampal nalang ako sa aking noo nang makitang walang kalaman-laman ang fridge. Wala pa pala akong stock ng pagkain at nakalimutan kong mag-grocery kanina!
Kaya naman wala akong ibang choice. Tinatamad na akong mag-grocery. Magpapadeliver nalang ako ng pagkain dito sa unit ko.
So that's what I did. Pagkarating ng inorder ko, kinuha ko ang mga iyon at naisipang kainin nalang iyon sa rooftop. Na-miss ko kasi doon at masmasarap kumain sa rooftop habang nakatingin sa kalangitan.
I wore comfy oversize shirt and pajama before I went out of my unit. Pagkasara ko ng pinto ng unit ko, napatingin ako sa dating unit ni Deo. My forehead creased at matamang napatingin doon. Dahil pagkalabas ko kanina, sakto namang nagsara ang pintuan niyon.
May nakatira ngayon sa unit na iyon? Ibinenta rin ba ni Deo noon ang unit niya? Sino na kaya ang nakatira ngayon doon?
I suddenly imagine him walking out of that door. There was a huge smile on his handsome face while he's walking towards my unit. Yayayain niya akong pumunta sa rooftop. Tatambay ako doon habang nagpipinta siya ng kung anu-ano. Sa gabi naman ay mag-i-stargazing kami at magku-kwentuhan kami about random staff. Ilan lang iyon sa mga nakagawian naming gawin noon ng magkasama pa kami sa condominium na ito.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...