Kabanata 47

12K 185 43
                                    

Kabanata 47

Nanghihina man ay pinilit ko ang sarili kong makaalis doon at ipakita sa lahat ng taong nakasalubong ko na ayos lang ako kahit sa loob ko'y sobrang nanlulumo ako. Kanina ko pa pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko pero pagpasok ko sa sasakyan, doon nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko. I couldn't hold my tears any longer.

Kahit gustuhin kong isipin na may rason kung bakit niya ako binalewala kanina, masama parin talaga ang loob ko sa kanya. He said he won't let anyone hurt me pero ano 'yung nangyari kanina? Nakita niya iyong ginawa ni Ivana sa akin kanina pero pinili niyang magbulag-bulagan! He didn't even help me to stand up!

Dahil sa nangyari, hindi ako nagtangkang tumawag o magtext man lang kay Deo ng ilang araw. Hinintay kong siya ang unang magparamdam sa akin at kahit papaano'y humingi ng patawad. I was willing to forgive him anytime kung hihingi siya ng kapatawaran pero wala! Wala na talaga akong natanggap na kahit anong mensahe mula sa kanya.

Tuluyan na niya akong kinalimutan.

Bawat gabing lumilipas na hindi siya nagpaparamdam sa akin, mas lalong tumitindi ang sama ng loob ko sa kanya. Sobra-sobrang pagtitimpi ang ginawa ko para huwag siyang tawagan o puntahan ulit sa kanyang kompanya.

Ilang gabi na akong hindi makatulog dahil sa kaiisip sa kanya. Iniisip kong mabuti kung ano ang dahilan niya at bigla nalang siyang nagbago. Kung bakit bigla nalang niya akong tinalikuran nang hindi man lang niya nasasabi kung ano ang dahilan niya.

Mas matatanggap ko pa kung sasabihin nalang niya sa aking ayaw na niya. Ayaw na niya sa akin... Nagsawa na siya... Nakuha na niya ang gusto niya...Pinagmukha na niya akong tanga. Tatanggapin ko iyon lahat kahit masakit basta magsabi lang siya, hindi 'yung ganitong bigla nalang siyang hindi magpaparamdam na parang may nagawa akong mali!

Sa kabila ng sama ng loob ko sa kanya, nangungulila parin ako sa kanya. Na-mi-miss ko na siya ng sobra. Gusto ko na siyang makita at makausap ulit. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ko siya kagustong makasama ulit. Pwede bang kalimutan ko nalang ang pride ko at puntahan ko na siya ngayon?

Pero tuwing nagtatangka ako, palagi naman akong kinokontra agad ng isip ko. Hindi pwede. Ako 'yung babae dito. Siya dapat 'yung maghahabol sa akin hindi ako! Kung ayaw na niya sa akin, mas lalong ayaw ko na sa kanya!

Ganyan... Ganyan palagi ang linyahan ng isip ko tuwing pinipigilan ko ang sarili ko sa binabalak at mukhang effective naman 'yun kaya hanggang ngayon, eto at nakikipagtigasan pa rin ako sa kanya kahit na ilang araw na akong wala sa tamang pag-iisip dahil sa pangungulila ko sa kanya.

Every passing day without him feels like forever. Parang ilang taon na ang nakalipas noong huli ko siyang makita't makasama. But it was just exactly two weeks ago today since the last time I saw him. Wala akong magawa kundi ang magmukmok at umiyak sa kwarto.

Mabuti nalang niyaya ako ni Abel na mag night-out kaming tatlo nila Lev ngayong gabi dahil bukas ay babalik na si Lev sa Australia. Alam kong gusto lang niyang sulitin ang natitirang oras na makakasama niya si Lev dito at alam na alam ko din na hindi siya makakalabas kung hindi niya ako isasama.

Kaya pumayag nalang ako at sumama sa kanilang dalawa kahit pa wala talaga ako sa mood para lumabas ngayong gabi. Pero naisip ko ring magandang pagkakataon ito para magliwaliw at para kahit papaano, kahit sandali mang lang ay makalimutan ko ang pag-iisip kay Deo.

Pinili ko ang pinaka-sexy'ng dress sa wardrobe ko. It was a black skimpy dress with a square neckline. It did a great job of showing the perfect curves of my small waist and ample hips. It also revealed even more of my long, toned legs.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon