Kabanata 32

12.9K 164 6
                                    


Kabanata 32

Ibinigay sa amin ng private investigator ang eksaktong address na kinaroroonan ng mga magulang ko ngayon. Ayon sa address na ibinigay niya sa amin, sa kalapit na probinsya iyon matatagpuan at pamilyar sa akin ang lugar na iyon. Iyon ay ang family house ng yumao kong lolo at lola na siyang mga magulang ni mommy at ni Tita Agnes.

Wala siyang ibang impormasyong naibigay sa amin kundi iyon lang. But his mission is not yet done. Kailangan pa niyang alamin kung ano ang totoong nangyari sa pagkawala ng aming mga ari-arian. I need to know the cause of it.

Nagkandaugaga ako sa pagpapalit pagkatapos nang aming pag-uusap dahil gustong gusto ko na agad makita ang mga magulang ko. Para akong uod na binudburan ng asin sa sobrang aligaga ko. Sinamahan naman ulit ako ni Abel para puntahan sila. Nagpaalam siya sa daddy niya na hindi muna siya makakapunta ngayon sa kanilang kompanya dahil nakapangako siya sa aking may pupuntahan kaming dalawa ngayon.

Of course, it was a lie again.

Pati siya ay nadadamay sa pagsisinungaling dahil lang sa akin kaya napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa kanya. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakabawi sa lahat ng kabutihang ibinigay niya sa akin.

"Are you ready to see them, Elora? Magpapakita ka ba sa kanila?" Abel asked while he's driving.

I exhaled a deep sigh and look at him wearily. "I don't know, Abel. Depende sa sitwasyon." I replied. Tumango nalang siya sa sagot ko.

Kung pwede lang... gusto kong magpakita sa kanila. Gustong gusto ko na silang makayakap ulit ng sobrang higpit. God knows how much I missed my parents. Walang araw na hindi ko sila naisip.

Ni minsan hindi ako nakatanggap ng tawag mula sa kanila. Hindi rin ako nagtangkang magkaroon ng komunikasyon sa kanila dahil natatakot akong baka ako na naman ang pagmulan ng away nila at mapahamak na naman si mommy dahil sa pagkakamali ko. Nakuntento na akong makarinig mula kay Tita Agnes na maayos ang lagay nila.

Kung alam ko lang talaga na ganito ang nangyari. I should've done something!

"Diyan nalang sa tabi, Abel." Wika ko nang sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay ng lolo ko.

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Ipinarada niya ang sasakyan sa lilim ng puno ng acacia sa tapat ng kalapit na bahay. Maraming malalaking puno sa buong paligid kaya madali kaming makakapagtago ni Abel sa pagmanman.

"Which of the houses here are your grandparent's house?" tanong niya pagkababa namin sa sasakyan. Pareho kaming nakasuot ngayon ng shades at cap para walang makakilala sa amin.

Itinuro ko sa kanya ang bahay ng mga lolo at lola ko. "That one." I said while pointing the two-storey white house. Ang lumang bahay ay matatag paring nakatayo at kahit na ilang dekada at ilang bagyo na ang nagdaan ay kapansin-pansin pa rin ang ganda niyon.

Matagal na panahon na rin nang huli akong makapunta dito. Ang caretaker nalang ang nagbabantay at nag-aalaga noon sa bahay pero dumadalaw parin si mommy dito kapag may oras siya. Bakit nga ba hindi ko naisip na pwedeng dito sila nagpunta?

Dahil liblib na lugar dito ay kakaunti lang ang mga tao at sasakyang dumaraan. Wala naman sigurong makakapansin sa amin dito. Dahan dahan kaming naglakad palapit sa bahay. Wala pa man ay sobrang lakas na ng kabog ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement.

Noong nasa may harap na kami ng bahay ay nagtago na kami ni Abel sa isang malapad na puno. Wala kasing gate ang mga bahay dito kaya malaya naming nakikita at nalalapitan ang bahay. Saktong pagkatago namin ay saka naman bumukas ang front door.

Seducing My Cousin's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon