Kabanata 29
Parang bulang biglang naglaho ang matalim na tingin ni Deo at lumambot na ang kanyang ekspresyo nang kausapin na siya ni Abel. Naguguluhan tuloy ako sa mga pinapakita niya.
Kagaya noong dumating kami dito sa mansyon, nagpahanda rin ng iba't-ibang klaseng pagkain si Tito sa pool pavilion para sa pagdating ni Deo. Pagkatapos ng maikling pag-uusap nila sa salas, nauna na sina Deo at Tito papunta roon. Sumusunod naman kami ni Abel sa kanila. Ang mga guards ni Deo ay nanatili lang sa harap ng mansyon.
"Your actions are so obvious that everyone will have a hint that you have a crush on him." Abel suddenly said to me that make me turned to look at him.
"What?"
Bakas sa mukha niyang dismayado siya sa hindi ko malamang dahilan.
"You should know how to act proper infront of them and control your emotions or else this show will be over soon." sermon niya sa akin habang naglalakad kami. He looked so damn upset.
Pinangunutan ko siya ng noo. "Anong problema? Ginagawa ko naman ng mabuti ang pagpapanggap natin, ah?" I spat. "At anong crush? Ano ako? Teenager?" sarkastiko kong sinabi sa kanya.
He shook his head in frustration. "But you act like one... You told me that I don't need to remind you to act properly but I think I still need to do that every seconds." He scowled at me.
Napasinghap ako at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Sandali..." saad ko at huminto sa harap niya kaya napahinto rin siya sa paglalakad. "Hindi kita maintindihan. A-Anong nagawa ko, Abel?"
"Assess yourself and you can answer your own question, Elora." He taunted before he walk past through me.
I just rolled my eyes and bit my lower lip. Pinili kong huwag nalang sumagot dahil hindi ko din naman alam kung paano ko didipensahan ang sarili ko. Kapagkuwan ay naintindihan ko din kung bakit siya nagkakaganito. Siguro nga masyado akong natatangay kapag nariyan sa tabi si Deo. Kailangan ko na talagang kastiguhin ang sarili ko para umayos at umakto ng normal!
We are facing one another in a round table. Magkatabi kami ni Abel habang si Deo naman ay nasa aming harapan. I couldn't help myself but to feel awkwardness but I tried to maintain my calm façade.
Ramdam ko parin ang pagpupuyos ni Abel sa'kin dahil hindi niya ako kinikibo. Para makabawi... ako ang naglagay ng pagkain sa plato niya at umakto bilang isang mabuting girlfriend. He looked at me knowingly.
"Do you want more, babe?" I asked him in a softer tone and smiled at him after putting some food in his plate. Bumagsak ang tingin niya sa plato niyang halos mapuno ng iba't-ibang putahe.
"That's enough." tipid niyang sagot at nag-iwas na ng tingin. I blew out a shallow breath. Nang tumingin ako kay Tito ay malawak ang ngiti nito na para bang nasisiyahan siya sa kanyang nakikita samantalang si Deo naman ay nasa pagkain lang ang tingin at naka-igting ang panga.
"You know son, you are very lucky to have a girlfriend like Elora. Nakikita ko nang magiging mapagmahal at mapag-arugang asawa siya sa'yo at sa mga magiging anak ninyo." komento ni Tito Leo sa maligayang tono.
Palihim akong napangiwi sa kanyang sinabi. Hindi naman kumibo si Abel sa tinuran ng ama at patuloy lang siya sa pag-kain na parang walang narinig. Tss. Kita mo to...siya naman itong hindi marunong makisakay!
"Do you agree with me, Mr. Almazan?" bigla ay tanong ni Tito kay Deo na siyang nagpaangat ng tingin ko sa kanila.
Mas lalong umigting ang panga ni Deo.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...