Kabanata 21
Isang linggo na ang nakalipas simula nang dumating ako dito sa Australia. Wala akong ginawa kundi ang mamuhay na parang isang prinsesa. Lahat ng pangangailangan ko'y kusa nilang ibinibigay sa akin. Sobra sobra pa nga eh. Itinuring na talaga nila ako bilang isang kapamilya kaya sobrang nao-overwhelmed ako.
Sa loob ng isang linggo ay marami na din akong napuntahang magagandang tourist spot dito sa Asutralia. Ipinasyal ako ni Tita at ni Brianna. Hindi nakakasama si Tito Joe dahil busy din siya sa ospital dahil kagaya ni Tita ay isa din siyang doctor sa parehong ospital. Nataon lang na nakaon-leave si Tita Agnes ng isang linggo kaya siya nakakasama.
Ang sabi niya, kaya daw siya nagleave ay para makapagpahinga naman siya sa trabaho kahit ilang araw lang pero naisip kong baka isa din ako sa totoong dahilan ng pagleave niya.
Si JB naman ay nag-aaral pa at malimit ko lang ding makasalamuha dahil masyadong mailap. Gayunpaman ay nakontento na akong maayos naman ang pakikitungo niya sa akin kahit na medyo may pagka-isnabero.
Si Brianna ay fresh graduate lang din bilang nurse kaya malaya niya akong naipapasyal kahit kailan namin gustuhin. Ang sabi ni Tita ay sabay na daw niya kaming ipapasok sa ospital na pinagtratrabahuan nila ni Tito.
Noong isang araw ay nagpunta kami sa ospital para sa interview namin. Sobrang kabado ako pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makasagot ng maayos at maipasa ang exam namin. Tungkol naman sa lisensya ko ay ginawan na ng paraan ni Tita iyon. Hindi ko nga lang alam kung sino ang gumastos ng malaki para doon. Nahihiya na talaga ako kay Tita.
Ngayong araw, kagagaling lang namin ulit sa pamamasyal ni Bree. Napagod kami sa biyahe at sa paglilibot kaya ngayon ay nagpapahinga kami pagkauwi namin dito sa bahay.
"Did you really dreamt of being a nurse, El?" kapagkuwa'y tanong ni Bree sa akin habang nakaupo lang kami sa may patio at pinapanood ang lagablab ng apoy sa hugis kahon na fireplace sa gitna.
Napalingon ako sa kanya at tumango. "Since I was a kid, I always want to cure and save patients. Kakaiba kasi 'yung pakiramdam na nakakapagligtas ka ng buhay ng tao. So, I promise to myself that I will become a nurse someday." Napangiti ako nang maalala ko ang mga pangarap ko. "How about you?" tanong ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga siya at biglang lumungkot ang kanyang ekspresyon.
"Honestly? No. I never wanted to become a nurse. I want something else..."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Really? Then, what do you really want? Why didn't you pursue it?" I curiously asked. Napatingala siya sa kalangitan.
"I really want to become a pilot. That was my wildest dream...but my parents didn't allow me. They said it was too risky, so..." Her lips twitched.
"Oh..." ang tangi kong nasabi. Nalulungkot lang ako para sa kanya. Alam ko 'yung pakiramdam ng mabigo sa bagay na gusto mong makamtan. Naramdaman ko 'yun noong hindi ako nakapasa sa board exam. It was really depressing.
"I don't want to disappoint them so I just took whatever they want for me. I just let them decide for my course, that's why I ended up in nursing." Nagkibit siya ng balikat. "Fortunately, I learned to like it when I'm already on the actual duty. I realized that it is where I really belong. That it was really my calling. Tama ang sinabi mo... It really feel so fulfilling when you saved other people's lives." Aniya at napangiti.
Gumaan naman ang loob ko sa sinabi niya. "It's good for you, then, pero...hindi ka ba nagsisising hindi mo natupad ang pangarap mong maging piloto?" nakakunot ang noo kong tinanong.
BINABASA MO ANG
Seducing My Cousin's Boyfriend
Romance[C O M P L E T E D] Elora hates her cousin, Ivana, to the depths of hell. Simula ng gawan siya nito ng karumaldumal ay isinumpa niyang maghihiganti siya dito. She will make her cousin's life a living hell. She's wiling to do anything just to make it...